Chapter 17

1.8K 122 9
                                    

Chimpanzee vs Ruri

Ruri's POV

Napagpasiyahan namin ni Kuya na sabay na lang mag-commute papasok sa school. Maagang umalis si Kuya Sean, may klase daw sa driving school. Sa katunayan, nagmamadali pa nga si Kuya Sean noong nakita ko siya kanina. Samantala, nag-message naman sa'kin si Qabis na hindi raw siya makakpasok ngayon. Hindi na ako nag-abalang nagtanong dahil kailangan ko pa magmadali dahil may pasok pa ako.

"Absent si Lalabs Joan, tinatamad tuloy akong pumasok" aniya habang nakabusangot.

"Saan nagpunta?" tanong ko.

"Hala ka, hindi mo knows? Hindi ka man lang sinabihan ni Qabis?" 

"Hindi niya naman obligasyon na sabihan ako sa mga ginagawa niya, siraulo ka ba?"

"Ay sistah, obligasyon niya 'yun. Issued couple kayo hindi ba?" napairap ako sa hangin.

"Ah talaga ba?" kunwaring mangha kong aniya.

"Oo, sinearch ko 'yun kagabi at pak nasa top searches ka sistah sa IG, twitter, at Fb"

"May IG at Twitter ka na ba?" tanong pa niya.

"Wala"

"Gumawa ka na gaga, biruin mo 'yun seacut ka na sa IG at Twitter kahit wala ka pang account doon"

"Kuya, issue 'yun" pagbabakasakali kong mahihimasmasan siya.

"Shhhhhh, sistah naman famous ka na nag-scroll ako nung sinearch ko 'yung pangalan mo and pak-"

"Tumigil ka Kuya" sabi ko bago siya tingnan ng masama.

"Hmmm, kalmahan mo" aniya bago umatong ini-zip ang bibig.




Naka-upo na ako dito sa silya ko. Narinig ko ang malakas na pag-ring ng cellphone ko, halos umalingawngaw rin iyon sa loob ng silid na ito. Sa  sobrang tahimik ng lugar na ito, halos pag-ring lang ng cellphone ko ang naririnig kaya't naglingunan ang mga kaklase. Sunod-sunod na bulungan ang narinig ko nang mapansin kong nasilip nila ang pangalan ng tumatawag.

"Hello..."

(Good morning) masayang bati ni Qabis mula sa kabilang linya.

"Morning" bati ko.

(Have you eaten?)

"Syempre naman" walang ganang sagot ko.

(Hmmm, that's good) nakarinig naman ako ng ilang boses mula sa kabilang linya.

(Hmmm, pinatatawag na ako...bye bye, take care) dagdag niya pa.

"Hmmm, goodbye" sabi ko bago patayin ang tawag.

Dumukdok ako sa lamesa ko. Nakaka-tamad dahil hindi pa nakakapasok si Peter at si Jake. Medyo maaga pa rin kasi, kahit ako nga ay inaantok pa. Nagamadali kasi pumasok si Kuya, kaya kahit alas kwatro pa lang ginigising na ako ni Kuya.

Maya-maya pa naramdaman kong may humila sa buhok ko. Napa-aray naman ako kaagad at mabilis na gumalaw ang katawan ko para sumunod sa kaniya. Mahigpit ang pagkakahatak niya sa buhok ko na dailan naman para mabilis akong mapatayo. Nang bitawan niya iyon, nilingon ko ang lapastangang iyon.

'Yung Chimpanzee na nanabunot sa'kin kahapon. Ano bang meron sa buhok ko at pinag didiskitahan nitong babaeng ito.

Agaw pansin ang naglalakihang kuwintas niyang nagsusumigaw ang ga-milyong presyo nito. Tiningnan ko siya ng masama. Magkasalubong ang kilay niyang sing-kapal ng apog niya. Nagkuyom ang kamo ko, kasabay ng panggigigil ko sa babaeng ito. Halos sakalin ko siya sa isip ko gamit ang  mga kwintas na nakapulupot sa leeg niya.

"Ano bang problema mo ha?!" 

Inilapit niya ang mukha niya sa'kin bago ako tingnan na parang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. Itinaas niya ang kilay niya na animo'y kasing taas ng eifel tower.

"Inahas mo ang boyfriend ko!!!!" galit niyang singhal.

Pa-sarkastiko akong tumawa.

"Wala akong inaahas sa'yo!!!" 

"Ahas ka, AHAS!" sigaw niya sa mismong harapan ko.

"Chimpanzee ka, CHIMPANZEE!!" panggaya ko sa tono niya.

Napapadyak-padyak siya sa inis. Nagdadabog-dabog siya bago itinulak ang silya ko, dahilan para mahulog ang mga gamit at maging ang ellphone ko.

"Don't me lumalaban ako sa Chimpanzee"

"Hindi ko alam kung naong ginawa mo kay Qabis, eh halata namang mas maganda ako kaysa sa'yo. I'm rich, pretty, smart, talented, sexy and most of all i am way better than you"

"Iyan ang problema mo" sabi ko bago siya duruin.

"Napaka pangit ng ugali mo, tapos napaka taas ng tingin mo sa sarili mo"

Putrages kang chimpanzee ka...ibabalik kita sa amazon zoo na pinanggalingan mo.

"Mataas ang tingin ko sa sarili ko kasi tinitingala ako ng mga tao. Dapat nga ikaw ang mahiya, ang taas-taas ng tingin mo sa sarili mo eh. Gustong-gusto mo maabot si Qabis? Gurl, wake up!!"

"Bakit ko naman kailangang babaan ang tingin ko sa sarili ko??!! Dahil sinabi mo?? Mas tumataas ang tingin ko sa sarili ko lalo na kapag may walang utak na kagaya mo sa harap ko" sarkastiko kong aniya.

Sinampal niya ako na halos dumagundong sa buong silid ang tunog ng sampal niya. Napa-harap ako sa gilid dahil sa impact ng sampal niya. Hinipanan ko ang buhok kong humarang sa mukha ko dulot ng pagkaka-sampal niya. Humarap ako sa kaniya bago ko ilagay sa bulsa ko ang kamay ko. Sinusubukan kong itago ang nakabilog kong kamao.

"Baka gusto mo pa dagdagan? Gusto mo sa kabila naman?" tanong ko sa sa kaniya bago ihayag ang kabilang pisngi ko.

"Ate Ruri!!!" sigaw ni Peter bago nagmamadaling tumakbo papalapit sa'min.

Napatingin ako sa kaniya, at doon ko na-realize na halos lahat ng mga kaklase ko ay binibidyuhan na kami. Kasunod niya si Jake na siyang nananakbo rin papalapit sa'min. Pawang kakadating lang at hindi pa nila naibibitang ang gamit nila.

"Ohhh, backups?" mataray na aniya nitong Chimpanzee na ito.

"Ano, hindi mo ba dadagdagan?" sabi ko bago hilahin ang kamay niya.

"Bitch, don't touch me!"

"Gawin mo na"

"Let go!" nandidiri niyang aniya.

Binitawan ko ang kamay niya. Nandidiri niya namang tiningnan iyon.

"Sampalin mo na 'yung isa, lakasan mo ah" paanyaya ko habang ihinahayag ang isa ko pang pisngi.

Itinaas niya ang kamay niya at sinundan ko ng tingin iyon. Nakangisi ako habang hinihintay na lumagapak ang palad niya sa pisngi ko. Bigla naman akong napakunot-noo nang bigla kong makita ang kamay na pumipigil kay Chimpanzee.

"Tumigil na nga kayo!" sabi ni Jake habnag hawak si Chimpanzee.

Mapait akong napahagikhik nang makita kong pati si Chris ay nasa likod ko.

"Cut the crap" malamig na aniya ni Chris.

"Bitawan mo nga 'yan" utos ko kay Jake.

"Let me go!! Asshole, let me go!!!" hamon ko sa kaniya.

Ramdam ko naman ang paghila ni Chris sa'kin. Binitawan siya ni Jake at padabog niyang kinuha ang bag niya bago tumalikod. Hinigit ko ang braso niya bago ko siya sinapak. Sunod-sunod na pagsigaw ang narinig ko. Maging ang mga kaklase ko ay napa 'ohhh' dahil sa ginawa ko. Hinawakan ako ni Peter para pigilan ang pag-atake ko. Marahil hindi nila alam na pagsingil lang sa ginawa niya ang pakay ko kaya pinipigilan pa rin nila ako. 

Sunod-sunod na nakakarinding pagtili ng babaeng ito ang nag-echo sa loob ng silid. Tuloy-tuloy ang daloy ng dugo mula sa ilong niya ang dahilan para matawa ako. Maging ang mga kaklase ko ay nagtawanan habang pinapanood siyang magmukhang tanga sa ginagaw niya.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Where stories live. Discover now