Chapter 11

2.2K 143 30
                                    

The War Begins

Ruri's POV

Naiwan ako dito sa huli. Ang bibilis maglakad nung mga kumag na'yun.

Pero may kulang talaga... Pagkakabilang ko 7 kaming magkaka grupo eh

"Hoy hintay!" sigaw ng nasa likod ko.

Lumingon ako sa likod ko. Naroon ko nakita si Ethan. Napakaraming bitbit na mga papel at mga laptop. Nilingon ko ang mga loko, at ayun, malayo na. Hindi man lang nilingon itong kaibigan nila.

Huminto ako at inintay siyang makarating sa pwesto ko. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Minsan ko rin siyang nakikitang naka ngiwi.

"Tulungan na kita" alok ko.

Hindi niya ako pinansin. Para bang hindi niya ako nakita, hindi niya ako narinig. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.

"Tulungan na nga kita..."

"I don't need your help"

"Halata namang nahihirapan ka na eh" sabi ko habang nakasunod sa kanya sa paglalakad.

"I said, i don't ne---"

Biglang nahulog mula sa pagkakapatong sa kumpol ng papel ang laptop. Agad naman akong na-alarma. Napaluhod ako para habulin 'yun at di bumagsak sa sahig. Napapikit ako habang naka abang ang kamay ko.

Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Naramdaman ko ang matigas na bagay na nasa kamay ko. Tumambad sa akin ang laptop na nakapatong sa dalawang braso ko. 

"You alright?" tanong niya.

Ngumiti ako ng malapad.

"Ngayon mo sabihing di mo kailangan ng tulong ko" 

Tumayo ako para kunin ang iba pang laptop na nakapatong sa ibabaw ng kumpol ng papel.

Baka sa susunod na bumagsak 'to 'di ko na masalo. Na chambahan ko lang yun kanina, makakapag bayad na ako nito kapag nabagsak ko.

Narating namin ang isang open area. May mga puno at mga halamang hitik sa bulaklak. May nakatayong ilang maid sa 'di kalayuan. Malawak at maganda ang lugar. Presko ang hangin at mabango ang amoy dahil sa nakapaligid na bulaklak. Iginala ko ang mga mata ko.

"Aray!" sabi ko nang bumangga ako sa nasa harap ko.

"S-sorry..." pagpapaumanhin ko.

"Ilapag niyo na 'yan dito!" singit ni Demonyong Kurt.

Pinaglihi siguro 'to sa sama ng loob.

"Le'mme help you" presinta ni Qabis.

Medyo mabigat din ah, wala bang pasalamat yung mga kumag sa aming dalawa ni Ethan???

Tumaas naman bigla ang kilay ko. Anim lang talaga yung silya. Wala akong mauupuan, sakto lang para sa kanila yung mga upuan.

"Sit on the ground!" utos ni Demonyong Kurt.

Wow ah...

Akmang tatayo na si Ethan para bigyan ako ng silya pero nadala siya ng titig ni Kurt. Nakita ko rin si Qabis na tiningnan ako ng may pagpapaumanhin. Maging si Jake at Peter ay napangiwi.

Tumikhim ako.

"Ikina-gwapo mo 'yan, napaka gentle man mo ah, nahiya buong pagkatao ko" sarkastikong sabi ko kay Demonyong Kurt.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Where stories live. Discover now