Chapter 15

1.9K 132 9
                                    

Issue

Ruri's POV

"Ayan 'yung sabi ni fafa Kurt na gf ni Qabis"

"Di'ba may gf pa si Qabis?"

"Balita ko kakahiwalay nila ni Qabis at Amber eh..."

"Baka naghiwalay dahil inahas ni transferee"

Dinig ko ang pakikipag chismisan nila. Sa mga sinsabi nila, halata naman na ako ang chinichismis nila. Gusto ko sana patulan, kaso baka lumaki lang ang gulo. Isa pa, halos lahat na ata ng estudyante sa Evanston, iyon ang pinag-uusapan kaya sinasanay ko na lang din ang sarili ko.

Magsasawa rin 'yan...

Nag-ring ang cellphone ko na siya namang dahilan para mag-aligaga akong kuhanin iyon mula sa bag. Nang mailabas ko iyon, ramdam ko ang mga nakasunod na tingin ng mga estudyanteng malapit sa'kin. Plagay ko ay nakita rin nila ang pangalan ni Qabis sa screen kaya kung todo makipagbulungan ang mga loka.

(Ruri)

"Bakit?" walang ganang tanong ko.

(Sabay ka na sa'min pauwi.)

"Hindi na"

(Are you sure?) 

"Oo n-" Natigilan ako nang may biglang humila sa buhok ko.

Nabitawan ko 'yung cellphone at napakapit ako sa kamay ng kung sinong siraulong ito. Halos hindi ko maramdaman ang anit ko sa sobrang sakit. Mangiyak-ngiyak din ako dahil sa paulit-ulit niyang paghatak at pagdiin ng hawak sa buhok ko.

Makakalbo na ata ako

"ARAY KO 'RAULO 'TO!" sigaw ko dahil sa sakit na halos mabura ang anit ko.

"Shut up! Dapat lang 'yan sa'yo!" maarteng sabi nito.

Kpag talaga nakawala ako, papalunukin kita ng tinidor!

"ARAYYY MASAKIT NGA!! GAGA BITAWAN MO 'YUNG BUHOK KO" daing ko pa.

Mas lalo niyang hinigpitan yung pagkakapit sa buhok ko. Pakiramdam ko ay matatagpas na pati ang bungo ko. Sobrang higpit ng pagkaka sabunot niya na pakiramdam ko ay matutuklap na ang anit ko sa susunod niyang hatak.

"You deserve this bitch!!!" aniya.

Nakarating kami sa gitna ng daanan. Nakasabunot pa rin siya samantala pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakakapit sa buhok ko. Napahiwalay na rin sa akin pati ang bag ko. Nakapikit ako habang pumapatianod sa kung saan niya ako dalhin. Maging si manong guard ay walang nagawa kung hindi ang magpito lang ng magpito.

"Bitaw gago!!" sabi ko sa gitna ng pag-aray ko.

Ilang malalakas na busina ang gumulat sa aming dalawa. Isang rumaragasang kotse ang papalapit sa pwesto namin. Nanlaki ang mga mata ko at napa takip na lang ako sa ulo ko. Kung todo kaba ako sa pwedeng mangyari sa'kin pagkamulat ko ng mata ko.

Kamalasan tantanan mo nga ako, wala naman akong balat sa puwet nakit lagi na lang akong minamalas??

Ilang minuto rin akong nakatakip sa sarili kong ulo. Nangangatog ang katawan ko sa takot at sa sakit ng anit ko. Sa kada hampas ng hangin, nararamdaman ko na rin ang ilang mahapdi sa ibang parte ng katawan ko. Halos maglandas ang luha ko dahil sa sakit ng anit ko at sa takot na baka sa ospital na ang bagsak ko pagmulat ko ng mata ko.

"May, may nasaktan ba sa inyo?" tanong ng pamilyar na boses.

Tinanggal ko ang dalawang kamay na nakatakip sa ulo ko. Unti-unti rin akong lumingon para tingnan ang mga pangyayari. Nanginginig at nararamdaman kong may magislaw sa katwan ko pero pinili ko na lang huwag pansinin. Bumungad sa akin ang mukha ni Qabis na papunta sa direksyon ko.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Where stories live. Discover now