Pabagsak naman sinara ni Russel ung pinto sa likod.

"Galit yarn? Muntik na masira pinto ah."

"Good morning Engr." bati niya kay Engr. at hindi ako pinansin.

"Good Morning" bati naman ni Engr.

"Bakit kayo sabay pumasok?" tanong ni Russel, hindi na ata natigilan ang curiosity niya.

"Ah! Hindi ko ba na kwento sayo? Sina Engr. pala yung nakabili ng bahay ng tita ko, yung kapit bahay lang namin kaya sinabay ko na siya."

Wala ng umimik samin hanggang makarating kami sa clinic.

Pag dating namin sa clinic narinig namin na pinapagalitan ang mga interns.

"Engr. sa staff room na lang po kayo mag stay. Sandali lang po." nilingon ko si Russel at sinabihan na siya na bahala kay Engr.

Pumunta ko sa office ni Dra. Laura at tinanong kung ano problem.

"Hindi nila hinanda yung materials para sa assessment ngayong araw. Sino hindi maiinis e pag dating ko nanunuod lang ang mga yan!" sagot naman ni Dra. Laura.

"Tutulungan ko na lang po sila, kakausapin ko lang po saglit si Engr."

Pinuntahan ko si Engr sa staff room at tinanong kung busy siya ngayong araw ang sabi naman niya nilaan niya tong araw na to para samin kaya nakiusap na lang ako kung pwede na asikasuhin ko lang yung materials para mamaya. Wala naman daw problema.

Nakita ko siya na may ginagawa din naman sa laptop niya kaya hinayaan ko na lang din siya. Andun din naman si Russel kaya kung need na niya umalis, pwede na lang niya kausapin si Russel.

Hinanda ko na yung mga materials. At inedit ko din yung Career Inventory Test instead of showing them a picture we will just say kung ano yung nasa litrato sa kanila.

Nang matapos kong ihanda ang materials at ma print ko lahat ng kelangan saktong pag dating naman ng mga bata.

Tumulong na din ako sa pag-assess at pag observe. Nag assign na din ako ng mga gagawin ng mga interns para mapabilis kami.

Mabilis lang natapos ang unang araw ng assessment pina file ko ng maayos ung mga test at pina interpret na din yung mga result.

Saka ko lang naalala si Engr. Lagpas na ng oras ng lunch kaya hindi ko alam if kumain na ba sila ni Russel. Pinuntahan ko sila sa staff room at yayakagin na lang sana sa labas para dun na lang kami mag meeting sabay lunch na din.

"Kain na" alok ni Engr.

"Engr. Sorry nakalimutan na kita"

"Ako din nakalimutan mo" sabat naman ni Russel.

"Kumain na muna tayo. Tapos saka tayo mag meeting" sagot naman ni Engr nung sasagot na sana ako kay Russel.

After namin kumain, nag simula na yung meeting namin.

"So, kung makikita niyo sa design" pinakita niya samin ung laptop niya at inexplain ang design niya.

"Simple lang yung design may nilagay ako na 10 sq.m meters na waiting area."

"Gaano yung kaya i accommodate nung waiting area?" Tanong naman ni Russel.

Seryoso ata ngayon si Russel, ano kaya meron? Parang kanina badtrip din siya e.

"Up to 8 person pwede niya i accommodate." nag continue lang si Engr. sa pag explain. "Pag pasok sa loob merong 8 rooms, may separate na room para sa staff at kay Dra. May hiwalay Comfort Room din para sa mga client niyo. Bawat room is about 16 sq.m"

"Excuse me lang Engr, makikisingit lang hindi ba masyado malaki yung 16 sqm? Kasi per room if na observe niyo kanina, per room isang client isang therapist at may isang taga observe lang."

"Pwede naman nating gawing 9 sq.m na lang if na lalakihan kayo."

Natapos na yung meeting at ire-revise na lang daw ni Engr yung design base sa mga napag usapan namin.

Pag dating ni Sir Travis binigyan namin siya ng feedback regarding sa naging meeting namin. Habang kausap ni Sir Travis si Engr. nilapitan ko si Russel.

"Ui! May problem ba?" sabay tapik ko sa braso niya.

"Wala nag away lang kami nung girl friend ko. Ang labo kasi e"

"Anong malabo?" tanong ko sa kanya, matagal na sila ng girl friend niya ngayon lang ata sila may pinag awayan.

"Basta! Hirap i explain e tapos ako pa pinaupo mo sa backseat ng sasakyan mo" sabay pitik sa noo ko.

Gaganti na sana ko kaso...

"Ui! Ano ginagawa niyong dalawa dyan ha?!" biglang sulpot naman si Kia.

"Nag uusap lang bakit?" tanong ni Russel sa kanya.

"Nag yayakag si Sir Travis, inuman daw tutal birthday daw niya sa Saturday and wala naman daw tayo pasok"

Kakainom lang namin nung sabado iinom na naman kami ngayon.

"Tara sa Bistro Retro tayo, Engr. At Terrence sabay na kayo sakin. Ashley, sabay mo na lang sila ha." announce naman ni Sir Travis. Hindi na sumama si Dra. since madami pa daw siya tatapusin at syempre preggy siya sa anak nila ni Sir Travis. First baby nila yun kaya ingat na ingat sila.

Si Russel na nag drive since mas madami ako ginawa ngayong araw kesa sa kanya at para hindi na din siya mag tampo.





Unseen BattleWo Geschichten leben. Entdecke jetzt