CHAPTER 89: Tokyo Vs. Akita

Comenzar desde el principio
                                    

"Oo nga po, Ate Mari. At masaya ako para sa kanya." sabi rin nito.

"Oo nga pala Mari, nakalimutan ko..." biglang tawag ni Sendoh sa kanya.

Tumingin naman siya dun. "Ano yun, Sendoh?"

"Saan igaganap yung laro bukas? Wala pa kase kaming alam eh." sagot nito.

Mahinang tumawa si Mari saka kinuha ang blue book niya at binuklat yun.

"Wow..." tanging sambit ni Mari.

Sumilip naman si Haruko sa blue book niya. At tulad ni Mari ay nagulat din ito.

"Wow, ang galing naman!" tila nabuo ang excitement sa mukha ni Haruko.

"Makinig kayo. Bukas gaganapin ang laban niyo dito sa Tokyo." sabi ni Mari sa kanila.

Tumango-tango naman sila.

"Balik na naman tayo sa Tokyo Metropolitan Gymnasium?" tanong ni Maki.

"Hindi. Ibang gymnasium na naman. Pero, sa pagkakataong ito ay gaganapin sa makasaysayang gymnasium dito sa Japan." sagot ni Mari.

Napatingin ng direkta si Fujima sa kanya at ganun na rin si Jin dahil alam nila kung anong gymnasium ang tinutukoy niya.

"W-wag mong sabihin... Ang Yoyogi National Gymnasium?" Jin

"Yoyogi--- ano?" walang ideyang tanong ni Hanamichi.

Tiningnan naman siya ni Fujima.

"Yoyogi National Gymnasium, Sakuragi. Ang pinakamasaysayang gymnasium na matatagpuan dito sa Shibuya Division, Tokyo, Japan. Ang lugar na yun ay minsan ginagamit sa mga olympic games at national tournament bago ang international. Mas grande pa yun kung ikukumpara sa Nagoya nung nakalaban natin ang Toyotsu." sagot ni Fujima na ikinamangha nila.

"Woooaaaaawwww!" sila

"At isa pa, dahil isa tayo sa maglalaro para sa Final Game ng College Matches. Asahan niyong mas maraming media, audience, local teams at mga international leagues mula sa iba't-ibang bansa ang dadayo para lang panoorin ang laban natin." paliwanag rin ni Maki sa kanila.

"Ahh..." napabaling ng tingin si Hanamichi sa kawalan dahil sa sinabi ni Maki.

Nagsalita siya sa kanyang isipan. "Ngayon naintindihan ko na kung bakit nandito ngayon si Rukawa sa Japan. Panonoorin niya ang laro namin para malaman niya kung alin sa amin ng Akita Team ang makakalaban nila sa International College Matches."

Huminga na lang ng malalim si Hanamichi.

"Siguradong manonood si Rukawa sa laban natin. Mas lalong wag tayo magpatalo." sabi ni Hanamichi sa kanila.

"Makinig ka prehh... Hindi natin alam kung si Rukawa lang ang nandito ngayon sa Japan, prehh. Malay mo kasama niya ang ka-teammates niya." sabi ni Kiyota sa kanya.

Tiningnan siya ni Hanamichi saka sumagot.

"Kung ganun... Mas maganda!" ngumisi si Hanamichi.

Ngumiwi si Kiyota sa kanya. "Ang yabang mo talaga Prehh!"

*** K I N A B U K A S A N ***

Ang lahat ay naghanda para sa araw na'to.

Magaganap na ang huling laban ng Tokyo Team at kung aling kuponan ang maitanghal na bagong NUMBER 1 Great College Team ng Japan.

Nagkaroon din ng excuses ang ibang mga estudyante sa Tokyo International University upang panoorin ang grandeng laban ng Akita Team at Tokyo Team.

Ang kuponan na magkapantay o parehong sobra ang lakas.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora