CHAPTER 89: Tokyo Vs. Akita

Mulai dari awal
                                    

Sandali naman silang natahimik.

Hindi nila akalain ang ganung Team ang makalaban nila bukas. Sa oras na'to ay iniisip nila kung sila na ang nasa loob ng court.

Hindi malayong matulad din sila sa nangyari sa Kanagawa. Yung tipong bago matapos ang laro ay bugbog sarado ka na kahit makakuha pa ng ilang fouls ang kalaban.

"Edi, patumbahin din natin sila."

Napatingin ang lahat sa sinagot ni Hanamichi.

"...?" sila

"Oh, bakit? Seryoso ako dun." sagot ulit ni Hanamichi.

Naningkit naman ang mga mata ni Kiyota sa sinabi niya.

"Baliw ka ba? Gusto mo bang mafoul-out ng maaga? Mag-isip ka nga!" lintya ni Kiyota.

"Hindi yan nakakatuwa, Sakuragi." suway ni Maki sa kanya.

Tumayo si Hanamichi sa pagkaupo at tiningnan sila.

"Mukhang hindi niyo nakuha ang pinupunto ko. Ang ibig kong sabihin ay depensahan niyo rin ang sarili niyo. Kung pupwersahin nila kayo, pwersahin niyo rin para bumalik sa kanila yung mga dahas nilang galaw." panimula ni Hanamichi sa kanila.

"Ulol, parang ganti na rin yang tinutukoy mo." sabi ni Jin sa kanya.

"Eh alangan naman magpatama ka rin sa kanila? Gusto niyo bang matulad sa mga kaibigan natin sa Kanagawa? Tignan niyo sila puro mga pasa at ang iba nagkainjury." sagot ni Hanamichi.

"Sandali lang Hanamichi, hindi madali yang sinasabi mo, baka madisqualified tayo." singit ni Sendoh.

"Kung ang kuponan ng Akita ay nagawa yun habang hindi nadisqualified, tayo pa kaya?" nakangising tanong ni Hanamichi sa kanya.
"Mukhang nablockminded kayo sandali dahil sa napanood niyo."

Napabuga ng hangin si Fujima.

"Tama si Sakuragi." sang-ayon niya na ikinatingin ng lahat sa kanya.

"F-Fujima..." sambit ni Hanagata.

"Marami na tayong napagdaanang laban, ngayon pa ba tayo magigimbal? Mabahala?" tanong ni Fujima sa kanila.

Pero hindi sila sumagot sa halip tiningnan nila pabalik si Hanamichi.

"Yung laban nga natin sa Osaka Evessa na puro pandaraya ang taktika ay naiwasan at tinalo natin. Sa Kanagawa Alphas naman ay tatlo sa kasamahan natin ang nainjury pero tayo pa rin ang nanalo. At ang huli nating laban... Ang kuponan ng Toyotsu na may kahindik-hindik na laban na muntik nating ikinatalo. Kaya sa pagkakataong ito, hindi na biro ang makakalaban natin..." pinutol ni Hanamichi ang sasabihin niya at isa-isang tiningnan ang mga kasamahan.

Samantala si Kiyota sa gilid ay napangiwi at nagsalita sa isip.

"Wew, kung makapagsalita ang Unggoy na'to akala mo kapitan namin. Pero kung sa bagay may katuturan naman ang lahat ng sinabi niya."

"Ang haharapin natin bukas... Ay isang digmaan." dugtong niya.

Tila nanumbalik ang lakas ng loob ng Tokyo Team sa sinabi niya.

Hindi nila lubos akalain na may seryosong pananaw din pala itong si Hanamichi. Ang akala lang nila ay pasaway, pasikat at gunggong lang ito pero maaasahan pagdating sa kumplikadong sitwasyon.

Tunay nga siyang MOOD CHANGER ng team.

Parehong napangiti si Mari at Haruko sa kinatatayuan nila.

"Nagiging mature na siya. Ibang-iba nung unang dating niya sa Team." sabi ni Mari.

Tumango naman si Haruko.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang