"Ha? Bakit po? May tumalo po sainyo ni Hanarama?" tanong ni Haruko.

"Oo... Tinalo kami ng Kanagawa."

Parehong nagulat si Hanamichi at Haruko. Agad naman silang umiwas tingin sa matanda dahil pareho silang nagmula sa Kanagawa.

"Malakas ang kuponan ng Kanagawa noon dahil sa batang freshmen player nila. Tinalo ng pandak na yun si Hanarama sa pamamagitan ng nakakamatay na shooting skills nito." Lolo Seiryuu

"Wow! Talaga Lolo! Tinalo ng batang freshmen yung ninuno ko? Kilala mo ba yung pandak na yun? MIYAGI ba apilyedo niya?" sunod-sunod na tanong ni Hanamichi na parang natatawa.

"Hindi hijo... Ang totoo hindi ko alam ang eksaktong pangalan nya. Tanging bansag lang ng batang freshmen na yun ang alam ko." sagot ng matanda.

"Ano po yun Lolo? Sabihin mo baka kilala namin." nakangisi tanong ni Hanamichi.

"Inaamin ko napakahusay ng freshmen na yun. Kahit unang laro niya bilang representative ng Kanagawa ay nakakamangha ang ipinamalas nya sa laro. Wala siyang sinasantong player kahit gaano pa ito katangkad o professional pa. Tinalo niya ang lahat ng yun at dahil dun ay nakuha siya para buuin ang Main National Team ng Japan para maglaro sa ibang bansa. Kilala siya bilang... WHITE-HAIRED DEMON ng Kanagawa." sagot ng matanda.

Parehong nagulat si Haruko at Hanamichim

"W-White Haired Demon?" Haruko

Dahil sa sinabi ng matanda ay may biglang naalala si Hanamichi.

("Ano! Ang matabang baboy na yan ang Coach?"

"Hindi ka makapaniwala noh? Hindi ganyan ang katawan nya dati, at minsan na rin siyang naglaro sa national." Ayako

"Ano? Sa national?"

"Magaling na player si Coach Anzai. Naging Coach din siya sa college at napakahigpit ng training niya at sadista. Kaya kilala siya bilang 'White-haired demon', pero ngayon mabait na siya kaya 'White-haired Buddha' na HAHAHAHA!" Ayako)

Naalala ni Hanamichi yung sinabi ni Ayako sa kanya noon tungkol kay Coach Anzai.

"Nagbibiro ka diba Lolo? Taga Kanagawa ako! Kilala ko yan!" maktol ni Hanamichi.

Tiningnan naman ni Hanamichi si Haruko at kinuyog ito.

"Haruko, narinig mo yun diba? White-haired Demon daw...

Diba...

Diba...

Diba si Tatang yun?" pangkaklaro ni Hanamichi.

Tumango naman si Haruko. "Oo, Sakuragi. Parang si Coach Anzai ang tinutukoy niya."

"Kung ganun, Anzai pala ang pangalan niya." ngumiti ang matanda at mahinang napatawa. "Kamusta naman siya ngayon?"

Tumigil sa kaek-ekan si Hanamichi saka sumagot na may seryosong mukha.

"Ayun, matanda na. Tumigil na siya sa pagiging Coach dahil sa edad niya."

"Ahh..." Lolo Seiryuu

"Oo nga po pala, maiba po tayo Lolo Seiryuu. Ano na po ang nangyari kay Hanarama nung tinalo siya ni Coach Anzai?" tanong ni Haruko pabalik sa paksa.

Ang nakangiting mukha ng matanda ay nawala ulit. Lumungkot ang ekspresiyon nito.

"Nung natalo kami laban sa Kanagawa. Umalis agad siya sa Miyagi Team. Kaya umalis na rin ako kase wala na akong dahilan para magpatuloy pa sa paglalaro at isa pa kami ang matanda sa Team namin. Hanggang sa nalaman ko na lang na siya'y nag-asawa at nagkaroon ng anak na lalake. Tapos nun ay wala na akong balita. Pero lumipas ang ilang taon ay may kakilala ako na nagsabi sakin na inatake sa puso si Hanarama at namatay, hindi rin tumagal ay sumunod din ang kanyang asawa na hindi na nagising sa pagkatulog." sagot ulit ni Lolo Seiryuu.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now