Tila napaulala si Hanamichi nang makita niya si Haruko na nakasuot ng pulang yukatta at itim na pamaypay. Ang straight na buhok nito hanggang kili-kili ay nakalugay at pinakulot ang dulo.

Parang naging Ayako ang buhok niya na perpekto naman sa kyut at maganda nyang mukha.

"Ang ganda nya dibuhh?"

Nagulantang sa kinatatayuan si Hanamichi nang may biglang bumulong sa tenga niya.

"M-Mari?... ANO KA BA WAG KA NGANG MANG GULAT!" sigaw ni Hanamichi sa kanya dahil sa kaba.

Pero tumawa lang ng malakas si Mari saka inakbayan si Hanamichi.

Si Mari ay nakasuot ng itim na yukatta samantala ang kulay ng pamaypay nito ay puti, dilaw, bughaw at pula na sagisag ng kulay ng watawat ng pilipinas.

"Oh anong say mo sa a beauty nya ngayong gabi? Hihihi ako nag-attire sa kanya nyan. Nalaman ko kase na niyaya mo siyang lumabas ngayong gabi." nakangising bulong ni Mari sa kanya saka sinusundot-sundot pa si Hanamichi.

Ngumisi at kinamot ni Hanamichi ang ulo niya.

"Ganun pala, salamat ah? Nyahahahah!" kunwaring tumawa pero ang totoo ay kinikilig na siya.

"Oo nga pala, sinong kasama mo ngayong gabi?" pag-iiba ni Hanamichi sa usapan.

Binalingan ng tingin ni Mari ang kanyang pamaymay bago sumagot.

"Si Daisho." ikling sagot nito na may normal na ekspresiyon.

Namilog ang mga mata ni Hanamichi sa sagot niya.

"Whaaaaah seryoso? Ang shokoy na yun? Bakit hindi si Sendoh o di kaya si Hanagata? O hindi kaya si Lolo?"

Binatukan siya ni Mari sa mga tinanong niya.

"Si Sendoh sana yun kaso may kasabay na, si Hanagata dun daw kay Fujima sasabay at ayaw akong pasingitin, si Maki naman nanonood ng NBA kasama si Kiyota." sagot ni Mari na may inis na tono.
"Niyaya ko rin si Jin pero agad akong tinanggihan. Ayaw niya daw ng maarte. Ang sama talaga. Ang sama nila!" dagdag pa niya na parang maiiyak.

Lumapit si Haruko sa kanila habang tumatawa ng mahina.

"Ayos lang yan Ate Mari, atleast si Daisho niyaya ka." nakangiting sabi ni Haruko.

Natahimik na lang si Mari at pinaypayan ang sarili. "Basta, wala akong gusto sa kanya."

"Wala naman akong sinabi kung may gusto ka sa kanya o wala." Haruko

Agad napatakip ng bibig si Mari.

"Mari! Let's go!"

Lumigon si Mari nang marinig niya ang boses ni Daisho. Napatingin naman si Hanamichi dun.

"Aba talaga naman oh! Mamahalin ang datingan ah? Gagala ba kayo ng pista o lilibot sa grand mall?" nakangising tanong ni Hanamichi kay Daisho.

Namula naman ang pisngi ni Daisho. Nasuot ito ng casual coat na kulay itim at puting t-shirt sa loob, nakahair-up ang kulay-abo nitong buhok at nakasuot ng porselas na may desinyong watawat mg Russia.

"Ang totoo... Ituturing ko'tong date naming dalawa." sagot niya at ngumiti.

Namula si Mari sa hiya at napayuko na lang. "Titigil ka o sapok ka sakin?"

"Sabi ko nga, tayo na!" Daisho

"Walang tayo!" Mari

"Tara ang ibig kong sabihin, hindi yung status nating dalawa." Daisho

"Ayy..." Mari

Ilang bangayan pa ang tinalo nila hanggang sa hinila na siya palayo ni Daisho.

Kaya si Hanamichi at Haruko na lang ang naiwan.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon