Awkward akong napangiti. "Obvious ba?"
"Super." natawa pa siya nang kaunti ngunit umiwas na ng tingin sa akin nang makitang nagsisilabasan na ang mga tao.
Napakapit ako sa bag ko nang makita na sina Hunter. Hindi ko mapigilan ang napakalakas na pagtibok ng puso ko.
Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin ay halos mahimatay ako.
He's so fine and I can't deny that fact.
Sa suot pa lamang niya ay lumalabas na ang napakalakas niyang aura at charisma. Idagdag pa ang bagong gupit niyang buhok.
Sa pagpapantasya ko kay Hunter ay hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya. Hindi ko mapigilang mapalunok dahil sa kaba.
I missed him so much.
"H-Hunter..."
Nabigla ako nang bigla niya akong kabigin at yakapin nang mahigpit. Muli kong nabanggit ang kaniyang pangalan ngunit sa mahinang boses lamang na ako lang yata ang nakarinig.
"Hindi naman halatang na-miss mo si Geraldine, Hunter." rinig kong giit ni Lucas Yuan ngunit hindi man lang siya pinansin ng lalaki.
"I missed you." bulong sa akin ni Hunter na ikinatayo ng bawat buhok ko sa katawan, goosebumps ba.
Walang kahit na anong salita ang makalabas sa bibig ko kahit na gusto ko ring sabihin sa kaniya na sabik na sabik din ako sa kaniya. What the hell is wrong with me?
Halos isang minuto ring nakayakap sa akin si Hunter hanggang sa magsalita si Lucas Yuan.
"Hep, tama na 'yan. I'm hungry so let's go."
Nang matapos ang yakapan session namin ni Hunter ay hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Halata ngang miss na miss niya ako.
Habang sumusunod kami kina Lucas Yuan at Victoria ay hindi ko maiwasang mapangiti sa sitwasyon namin ni Hunter ngayon. Para kaming magkasintahan na walang makapaghihiwalay sa aming dalawa.
"Do you like my new look?" tanong ni Hunter sa akin habang naglalakad pa rin kami.
Tumango naman ako at hindi pa rin nagsalita. Bagay na bagay sa kaniya ang bagong gupit niyang buhok.
"Are you okay?" tanong niya sa'kin at doon lamang ako natauhan.
Bakit ba sobrang awkward ko sa kaniya? Myghad Geraldine, kaya pa today?
"S-Sorry, I'm just really nervous right now." sagot ko sa kaniya at umiwas ng tingin.
Kahit na naka-iwas ako ng tingin ay nakita ko pa rin sa peripheral vision ko ang pagngiti niya.
Nagitla ako nang iharap niya ako sa kaniya at sakupin ang mukha ko gamit ang mga palad niya.
"Don't be nervous, and try to become acquainted with this because I will always be by your side from now on." he then kissed my forehead which made my heart flutter even more.
"Hunter..." bigla akong nahiya nang mapansing pinagtitinginan na kami ng mga tao.
He just smiled at me and snatched my hand once more and then we continued following the other two.
Nakarating kami sa isang mansion na sakop ng McArthur Villa, sikat na village dito sa Manila dahil maraming artista at iba pang mga kilalang tao ang nakatira rito.
"Where are we?" tanong ko kay Hunter nang makababa kami mula sa kotse.
"Uncle Fausto and Aunt Dalia's house." sagot niya at hinawakan ako sa aking bewang.
YOU ARE READING
Duplicate
RomanceALVAREOZ SERIES 2: Geraldine had always wished to work for the well-known company Alvareoz Main. She never thought of liking her boss, Hunter Alvareoz, until he started to like her first, but the problem is that he seemed to like her because of some...
Chapter 15
Start from the beginning
