Chapter 29

908 45 1
                                    

Galit na galit si Kingpin ng hindi niya makontak si Stab. Nakita niyang nawala ang ilaw nito sa monitor. Wala siyang ginagawa para mawala iyon kaya imposibleng naalis iyon. 

Muli siyang nag-dial, hindi siya makakapayag na hindi makuha si Ghost. 

"Hello?" Sagot mula sa kabilang linya. 

"It's me," 

Panandaliang natahimik ang kabilang linya. 

"K-kingpin,"

Napangisi ang matanda ng marinig ang kinakabahan nitong boses. Iyon ang gusto niya, ang katakutan siya kahit boses pa lang ang naririnig.

"I heard your plan, do it as soon as possible." Sambit niya.

"Did you mean?"

"Get her, dead or alive. I don't care anymore."

"Affirmative Kingpin," Masaya nitong sabi.

Ibinaba ni Kingpin ang tawag. Sa ngayon hahayaan niyang patunayan nito ang sarili. Isang bagong salta sa kanyang organisasyon na may magandang plano para tuluyan niyang makuha si Ghost. Hindi niya sigurado kung may pakinabang ang Ace team, mas maganda iyong may pangalawa siyang plano. 

"Subukan niyo lang akong traydurin, hindi ako magdadalawang isip na patayin kayo kahit magkadugo tayo," 

... 

... 

... 

Isang mapaglarong ngiti ang pinakawalan ng babae pagkatapos ng kanilang pag-uusap ni Kingpin. 

"The old man have no choice," sambit niya habang nakatingin sa hawak na phone. "Let's play the final game," 

Tumayo ang babae at pumasok sa isang private comfort room. Humarap siya sa salamin at tinitigan ang sarili. 

"Beautiful," sambit niya habang nakatitig sa sarili, "But I need to remove your face now."

Unti-unti niyang inalis ang bagay na nagkukubli sa totoo niyang itsura.

"Goddess," puri niya sa sarili bago lumabas ng comfort room. 

... 

... 

... 

"W-what is this? Tell me is this a joke?" Gulat na sambit ni Nash. 

Hindi rin naman makapaniwala ang tatlo habang nakatingin sa isang larawan.

"Anong gagawin natin?" Wala sa sariling tanong ni Freed. 

"Hindi ko akalain na ganito kahirap ang kailangan nating gawin. Ngayon nagsisisi na ako kung bakit nagpalinlang tayo sa lolo mo," Sambit ni Nash kay Mill. 

"Wala rin akong magagawa, maging kami ni Kuya Zion nagawa niyang lokohin." Sagot ni Mill. 

"Na sa ilalim ng kanyang pwersa ang buo kong pamilya maging ang pamilya ni Eveth. Kung sasalungat tayo sa kanya, katapusan na natin." Sambit ni Prision. 

Tumayo si Nash at nagtungo sa glass wall ng kanyang penthouse. Hating-gabi nila napiling magkita-kita dahil secured ang lugar at nasisigurado nilang hindi sila masusundan. 

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Nash habang pinagmamasdan ang ilang ilaw sa mga katabing building. "Kakayanin ba nating ipahamak si Rain? Bakit iyon pa ang ipapagawa nila sa atin? Abduct Rain? Impossible! Alam ba niyang Utol natin ang gusto nilang ipahamak?" 

DEVIL in MASKWhere stories live. Discover now