Prologue

1.7K 88 4
                                    

Seryosong nagbabasa si Clyde ng tambak na mga papeles ng pumasok ang hindi inaasahang bisita sa kanyang opisina. Agad niyang binitiwan ang hawak na papel at nagmamadaling nilapitan ang bagong dating.

"Clyde!" Nakangiti nitong sabi.

"Mom!"

Sinalubong ni Clyde ang nakabukas nitong bisig at mahigpit na niyakap.

"I miss you," malambing nitong sabi habang hinahalikan ang kanyang pisngi.

"I miss you too, Mom."

His mother Athena Versalles never aged. She looks young, strong and of course powerful not to mention she's a Queen from a different country. 

"I'm jealous,"

"Me too,"

Tumingin naman si Clyde sa dalawang na sa hulihan ng Ina. Napangiti siya ng makita ang mga kapatid. 

"Thunder, Hurricane!" sambit niya, "Why are you here?" Biro niya sa mga ito. 

Ngumuso naman si Hurricane sa tanong ni Clyde.

"Kung hindi mahalaga ang araw na ito, never kitang dadalawin 'no!" Sagot ni Hurricane.

"I'm just bored," balewalang sagot ni Thunder at dumiretso sa three seater couch.

Umupo ito at pumikit. Sumunod naman si Hurricane na humiga sa lap ng kakambal.

His family is not living in the Philippines, he's the only one residing here kahit malayo sa kanyang pamilya. Mas gusto niyang asikasuhin ang kanyang negosyo sa bansa kesa tanggapin ang tungkulin sa Palasyo. 

Yes. He is one of the Versalles Princes. Actually, hindi naman siya totoong anak ni Athena but he's a real Versalles. Ang kanyang pinsan na si Alexander Aidan Versalles ang tumayo niyang Ama ng mawala ang tunay niyang mga magulang. Athena was married to Alexander and he became a legal son but he is not the successor of Athena's throne. It's one of the siblings. 

"You never said you'll visit me." Muling sabi ni Clyde sa Ina.

Inalalayan niya itong umupo sa single couch. Binaba naman niya ang mga paa ni Hurricane para umupo sa tabi nito. 

"Clyde, huwag kang bastos! Natutulog ang tao e!" Reklamo nito at binalik ang mga paa na ngayo'y nakapatong na sa lap niya.

Hinayaan na lang ni Clyde ang kapatid. Hindi rin naman siya mananalo rito.

"This is unexpected visit, Son." Seryosong sagot ni Athena. 

Bahagya pa siyang kinabahan sa seryoso nitong boses. Her Mom never fails to give goosebumps in every person she's talking to.

"Why? By the way, where's Dad?" Tanong niya.

"Ikinulong ni Mom sa room nila sa  Palace," sagot ni Hurricane habang nakapikit.

"Why?" Nagtataka niyang tanong.

"She doesn't want him to see you," sagot naman ni Thunder.

"And why is that?" Muli niyang tanong.

Wala talagang kahilig-hilig sa mahabang paliwanag ang mga kapatid niya. Iyon marahil ang nakuha ng mga ito sa kanilang Ina. Athena doesn't want to explain instead, she wants you to realize the situation by yourself. 

"She wants you by herself." Thunder said. 

"Hindi ka niya masosolo kapag nariyan si Dad." Hurricane said. 

"Enough!"

Tumahimik naman ang dalawa ng magsalita ang kanilang Ina. Powerful pa rin talaga ang mga short word nito.

DEVIL in MASKWhere stories live. Discover now