Chapter 10

838 51 5
                                    

"Stay there and live with me,"

Gulat na napatingin si Faith ng sabihin iyon ni Clyde.

"Anong sinabi mo, Sir?" tanong niya sa lalaki.

Huminga ito ng malalim.

"Make it in loudspeaker," sabi nito.

Sinunod naman ni Faith ang gusto ng kanyang Boss kahit naguguluhan pa rin siya sa sinabi nito.

"Anong ibig sabihin ng Boss mo Faith?" Tanong ni Rain mula sa kabilang linya ng ini-on niya ang loudspeaker.

"Woman..."

"May pangalan ako..." putol nito sa sasabihin ni Clyde pero pinutol din ng lalaki ang sasabihin ni Rain.

"I need Ms. Cantos assistance in the coming days. We have a lot of work to do,"

Nagtaka naman si Faith dahil hindi niya alam na marami pala silang gagawin.

"So, anong ibig mong sabihin?" Mataray na tanong ni Rain.

Apologetic namang tumingin si Faith sa kanyang Boss kahit hindi ito nakatingin sa kanya. Hindi talaga napipigilan ang katarayan ng pinsan sa mga ganitong sitwasyon.

"Stay there and don't leave. Are we clear?"

"Kung gayon, dito pa rin kami pansamantalang titira?" Mahinahon nitong tanong.

"Yes," 

"Okay, magbabayad na lang kami sa pag-stay dito."

"No." Mariin nitong tanggi, "You two can reside there for free as I need Ms. Cantos assistance during workload, but you can be our maid during your stay, not bad right?"

Nakita ni Faith na bahagyang tumaas ang gilid ng labi ni Clyde. Parang may pinaplano ito sa kanyang isip. 

Kahit nalilito si Faith sa usapan ng dalawa, nauunawaan na rin niya sa bandang huli. 

"Wait! Ikaw ang may-ari ng Condo?" gulat niyang tanong sa kanyang Boss.

"Fortunately, yes." Balewala nitong sagot.

Hindi naman maiwasan ni Faith ang kiligin sa nalaman. Ibig sabihin makakasama niya sa iisang bubong ang kanyang Boss. Palihim siyang ngumiti habang nakatingin sa labas ng bintana.

"What do you think Faith, papayag ka bang..."

"Of course!" mabilis niyang sagot kay Rain.

Bigla niyang natakpan ang bibig ng bahagyang tumingin si Clyde sa kanya. Hindi niya naitago ang sobrang excitement na magkakasama sila sa iisang bubong.

"Okay. Then, I'll be your maid."

Napatitig naman si Faith sa kanyang phone. Bakit nararamdaman niyang ayaw nitong manatili roon?

"Is it fine with you?" nag-aalala niyang tanong.

"Yeah, do you want something to eat when you got home?" Muli nitong tanong.

"No. We'll eat outside,"

Muling kinilig si Faith sa sinabi ni Clyde. Ang isipin na kakain silang dalawa sa labas ay labis na kasiyahan ang hatid sa kanya. Para na iyong date sa pagitan nilang dalawa. 

"Alright," Huling sabi ni Rain bago patayin ang tawag.

...

...

...

Pumikit si Rain habang nakasandal sa sofa pagkatapos ng tawag niya kay Faith.

One week.

DEVIL in MASKWhere stories live. Discover now