Chapter 7

868 46 0
                                    

"Clyde!!"

Umiwas ng tingin si Rain ng marinig ang sigaw mula sa unahan niya. Isang babae ang nakangiti habang kumakaway sa taong na sa likuran nila.

"Hindi naman sa akin nakatingin eh, doon oh," sambit niya sa bata sabay turo sa paparating na babae.

"Ay! Akala ko po sa'yo eh," Nakangiting sabi ni Tingting.

"Umuwi na kayo pagkatapos kumain ah, huwag nang pupunta kung saan-saan," bilin niya sa mga ito.

"Opo!"

Pumihit naman siya pabalik sa stall ng makita ang tulalang pinsan habang nakatingin sa dalawang tao sa harapan nito.

"I miss you, Honey!" Sambit ng babae na halos bumitin na sa batok ng lalaki.

"Anji," Sabi naman ng lalaki habang nakahawak sa baywang ng babae.

Lumapit si Rain sa pinsan at kinalabit ito.

"May plano ka bang panoorin ang paglalandian nila?" Bulong niya sa pinsan pero likas yatang malakas ang pandinig ng babaeng tinawag na Anji.

"What did you say?" Mataray nitong tanong.

"Nothing Ma'am, enjoy your meal." sagot niya bago hilahin si Faith.

"Hey! I'm talking to you," Sigaw ng babae.

"Let's go Anji," Seryosong sabi ng lalaki.

Bigla naman itong umamo ng humarap kay Clyde.

"Sure Honey, your place or my place?"

Napailing na lang si Rain sa narinig. Faith's Boss is still a man who needs a woman.

Bumalik naman si Rain sa mesang inalisan ng mga ito at kinuha ang hindi pa nagagalaw na pagkain. Total hindi pa iyon bayad kaya siya na lang ang kakain.

"Faith, upo ka rito!" Tawag niya sa pinsan.

Wala pa silang bagong costumer kaya't magpapahinga muna sila. Magsasara na rin naman siya pagsapit ng 9:00 pm.

Tahimik namang umupo si Faith sa kanyang tapat.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya habang inaalis ang balot sa burger.

"Ayos lang ako," Matamlay nitong sagot.

"Hayaan mo na lang 'yung nakita mo, malay mo hindi sila magtagal," payo niya sabay kagat sa tinapay.

"Hindi ko lang..."

"Why did you eat my order?"

Biglang nasamid si Rain ng marinig ang boses ni Clyde sa likuran. Mabilis niyang binuksan ang bottled water at uminom. Hinampas pa niya ang dibdib para mawala ang sakit doon.

"Rain, are you okay?" Lumapit sa kanya si Faith at hinaplos ang kanyang likuran.

"S-sorry, akala ko umalis na kayo. Hindi mo pa naman ito nababayaran kaya kinain ko, sayang naman kung itatapon lang," Paliwanag niya sa lalaking prenteng nakatayo sa gilid niya.

"Honey, bakit ka ba bumalik?" Naiiritang sabi ng kasama nitong babae.

Hindi ito pinansin ng lalaki. Nanatili ang malamig nitong tingin sa kanya.

"Ahm... Sir, gagawa na lang po kami ng panibago," magalang na sabi ni Faith.

"No." Matigas nitong tutol, "What a poor service you have here." Panglalait nito kay Rain bago sila talikuran.

DEVIL in MASKΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα