Chapter 12

792 40 0
                                    

Tahimik silang tatlo sa sala habang inaayos ni Faith ang benda sa binti ni Rain. Mataman namang pinagmamasdan ni Clyde ang kilos ni Faith.

"Salamat," sambit ni Rain sa pinsan ng matapos ito.

Tipid lang itong ngumiti bago tumayo at ibalik ang first aid kit sa kusina. Nakasunod naman ang tingin ni Clyde sa babae na ipinagtaka ni Rain. Kanina pa itong ganito paglabas ng kwarto.

Nang itulak ni Rain si Clyde kanina ay balewala itong tumayo at iniwan siyang nakahilata sa sahig. Nagtungo ito sa sariling kwarto at nakasuot na ng puting sando at itim na pajama pagkalabas. Si Faith naman ay tinulungan siyang tumayo at inayos ang kanyang injury na napag-alaman niyang kagagawan ng isang sofa. Hindi nagtanong si Faith sa nakita at iyon ang ipinagpapasalamat niya.

"Kailangan na siguro nating magpahinga," Mayuming sabi ni Faith ng bumalik galing sa kusina, "Halika na Rain. Good night Sir," Inalalayan siya nitong tumayo.

Hindi naman nagsalita si Clyde. Nakatingin lang ito kay Faith. Ni hindi niya ito nakitang sumulyap sa kanya. Hindi sa gusto niyang sulyapan siya nito, pero nagtataka lang siya.

...

...

...

Tatlong araw simula ng mangyari iyon, naging tahimik silang tatlo sa Unit. Nagluluto lang siya para sa kanilang pagkain at sabay-sabay silang kumakain. Walang nag-open up ng nangyari, as if it never happened. Maayos na rin niyang naiilakad ang binti dahil sa ilang araw na pahinga. Sa loob ng tatlong araw na iyon, na sa loob lang siya ng Unit at hindi lumalabas.

"Sir, ngayong gabi po gaganapin ang party sa company. Do you want me to prepare your suit?" Tanong ni Faith habang kumakain sila ng breakfast.

"Yes, bring that to the office." Sagot ng lalaki.

Matamis na ngumiti si Faith.

Ito rin ang ipinagtataka ni Rain, parang naging close ang dalawa after what happen. Kapag na sa bahay ang dalawa, para na lang siyang hangin. It's not a problem with her, but Faith seems distancing herself to her.

Nagpatuloy kang siya sa pagkain habang nag-uusap ang dalawa.

"We have some visitors na gustong makisaya sa atin. More on investors naman po sila," Muling sabi ni Faith.

"No problem," Tipid na sagot ni Clyde.

Hanggang matapos ang kanilang breakfast ay tahimik lang si Rain. Kahit ng umalis ang dalawa, walang namutawing salita sa kanya. Hindi rin nagpaalam sa kanya si Faith na naging habit nito sa nakaraang tatlong araw. Kapag matutulog silang dalawa, nakatalikod ito sa kanya kaya't inayos niya ang storage room at doon siya natutulog. Nagrequest lang siya kay Mill ng additional foam para sa kanyang sapin. Mas naging komportable siya doon kesa sa kwarto na tinutulugan ng pinsan. Kakausapin niya rin ito kapag maayos na ang schedule ng dalawa. 

... 

... 

Nanonood ng TV si Rain ng tumunog ang kanyang phone. Nag-appear ang numero at mukha ni Nash sa kanyang screen. Mga tropa niya ang gumawa ng profiles nila sa kanyang phone na hinayaan lang niya. 

Hininaan niya ang TV bago sagutin ang tawag. Ini-on niya ang loudspeaker dahil tinatamad siyang hawakan ang phone. 

"Tol, I need your help!" Kaagad nitong bungad mula sa kabilang linya. 

Nahuhulaan na niya ang problema nito. Karaniwan na sa kanyang tropa ang humingi ng tulong mula sa kanya at parehong sitwasyon lang iyon. 

"Sagot mo lahat," sambit niya.

DEVIL in MASKWhere stories live. Discover now