Chapter 3

1.1K 56 5
                                    

"Are you okay?"

Kinilabutan si Rain ng marinig ang isang nag-aalalang boses mula sa kanyang likuran. Sa sobrang lapit nito, nararamdaman na niya ang mainit nitong hininga sa puno ng kanyang tainga at pagkakalapat ng kanyang likuran sa katawan nito.

Wala sa sariling napalunok si Rain bago ipinasyang lingunin ang lalaki.

"I'm okay,"

Hindi niya naituloy ang gagawin ng marinig niya ang boses ni Faith. Muling nabaling ang tingin ni Rain sa pinsan. Namumula ang mukha nito habang nakatingin sa tao sa kanyang likuran.

Natigilan si Rain sa nakikitang reaksyon ng pinsan. Para na itong hinog na kamatis sa sobrang pula. Kung gayon, si Faith ang tinatanong ng lalaki. Marahil nasiksik lang ito sa kanya dahil sa dami ng tao sa elevator. 

Natigilan muli si Rain ng maramdaman ang nakapulupot sa kanyang baywang. Agad siyang tumingin doon.

"Punyeta! Kaninong braso 'to?" Mabilis niyang hinampas ang braso sa kanyang baywang.

Hindi naman siya nabigo at bumitaw iyon.

"Thanks God, buhay tayo!"

"Thank you, Lord!"

Sigawan ng mga kasama nila sa loob ng bumukas ang elevator. Bago pa lumabas ang mga tao, lumingon si Rain sa kanyang likuran.

Kunot-noo niyang sinuri ang isang lalaki habang nakatingin rin sa kanya.

"I'm sorry, hindi ko sinasadyang hawakan ka." Mabilis nitong sabi at nagmamadaling sumunod sa mga kasama.

Mas lalong nagtaka si Rain. Hindi katulad ng boses nito ang narinig niyang nagsalita sa likuran kanina. Maaari bang magkaibang tao iyong nagsalita at nakahawak sa kanya? Wala naman siyang nakikitang lalaki sa paligid ngayon maliban sa lalaking ka-meeting ni Faith kanina. Hindi rin niya napagtuunan ng pansin ang isa pa nitong kasama dahil focus siya sa pagbabantay sa kilos ng lalaking ito.

"Ms. Cantos, are you okay?" 

"Maayos lamang siya, nakikita mo naman 'di ba?" Mataray niyang sagot sa lalaki.

"You're a girl?" Gulat nitong tanong.

"Peste!" Sambit niya at hinila ang pinsan papalabas.

"Wait!"

"Huwag kang susunod o tatamaan ka sa'kin!" Banta niya na nagpatigil dito.

Hindi narinig ni Rain ang boses ni Faith kahit ng sumakay sila sa taxi pabalik sa apartment. Iniwan niya ang bisikleta ng magtungo sa restaurant. Kaya't kapansin-pansin ang pananahimik ng pinsan habang na sa byahe sila. 

"Ahh!!!"

"Ay pesteng yawa! Ano bang problema mo Faith at bigla ka na lang sumisigaw diyan?" Gulat na tanong ni Rain sa pinsan pagpasok nila sa bahay. 

Sobrang tahimik nito kanina tapos biglang sisigaw. Sino ba naman ang hindi magugulat doon? 

"Ihhh!!!"

Ngayon naman para itong inaasinan na bulate na nagpagulong-gulong sa mahabang sofa.

"Hoy, babae! Aminin mo nga sa'kin kung anong brand ng katol ang hinithit mo?" Nakapamaywang niyang tanong habang nakatunghay sa nakahigang pinsan.

Nakatulala lang ito habang nakatingin sa kisame.

"Ang gwapo niya,"

Napangiwi naman si Rain sa itsura nito.

DEVIL in MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon