Chapter 2

1.1K 62 0
                                    

"Punyeta! Kulang 'to!" Nanggigil na sabi ni Rain. 

Matalim na tumingin si Rain sa driver kahit hindi niya ito nakikita sa loob.

Bakit ba tinted ang lintik na sasakyan nito?

"Hoy! Lumabas ka riyan!" Muli niyang sabi. 

"Rain! Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Faith ng makalapit sa kanya. 

Napansin niya rin ang pasimple nitong tingin sa itim na sasakyan.

"Hospital Bill Faith, ito?" Pinakita niya ang dalawang libo sa pinsan, "Pinagloloko ata ako ng taong 'to! Doctors fee lang ito e! Paano ang pambili ng gamot, pamasahe at syempre pagkain? Kulang na kulang ito 'no!" Nanggigil pa rin niyang sabi.

"Boss ko 'yan," bulong ni Faith. 

Nanlaki ang mga mata ni Rain sa sinabi ni Faith.

"Boss mo?!" Gulat niyang tanong. Tumingin pa siya sa kotse, "Seryoso ka?" Bulong niya rin sa pinsan.

"Oo. Kaya hayaan mo na mukhang ayos ka lang naman. Baka matanggal ako sa trabaho. Unang araw ko pa lang ngayon."

Napansin din ni Rain na bumalik na sa normal ang kanyang mga paa. Nag-inarte lang siguro ang magaling niyang paa kanina. Feeling siguro may tutulong sa kanya. Noong walang nagmalasakit, nagbago ang isip at bumalik sa dati. 

Muli siyang tumingin sa kotse at tinaas ang dalawang libong piso sa kung sinumang driver na nasa loob.

"Salamat!" Mataray niyang sabi bago ito talikuran. "Tara na," sambit niya sa pinsan at kinuha ang natumbang bisikleta.

Umalis na rin sa paligid ang mga nakiki-tsismis na tao kaya maluwag na ang pedestrian lane.

"Mauna ka na sa apartment, may dadaanan lang ako." Paalam niya kay Faith. 

Konting kembot na lang naman makakarating na ang sinasakyan nitong taxi sa tinutuluyan nila.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito bago sumakay sa Taxi.

"May bibilhin lang ako," sagot niya. 

"Sige, mag-iingat ka."

Tumango lang siya sa pinsan. Hinintay muna niyang makaalis ang sinasakyan nito bago siya umalis patungo sa pupuntahan.

Dumaan sa pinakamalapit na fast food chain si Rain. Binili niya ng mga pagkain 'yung perang binigay noong lalaki.

Apat na malalaking supot ang kanyang dala palabas ng fast food. Inayos niya ito sa kanyang bisikleta at nakangiting nag pedal.

Sumipol si Rain pagkatigil ng kanyang bisikleta sa isang parke.

Wala pang tatlong segundo ng makita niya ang sampung bata na tumatakbo palapit sa kanya. 

"Ate Rain!" Masayang sigaw ng mga ito. 

"May pasalubong ako sa inyo." Nakangiti niyang sabi. 

Inaya niya sa malapit na bench ang mga bata at ibinahagi ang kanyang mga dala. 

"Dahan-dahan lang. Maghugas muna kayo ng mga kamay," paalala niya. 

Pinagmasdan ni Rain ang maganang pagkain ng mga batang lansangan. Ito ang mga batang maaga pa lang ay namulat na sa hirap ng buhay. Sapilitan silang nagtatrabaho para makatulong sa pamilya. Hindi na ito nakakapag-aral dahil sa kahirapan. Gumagawa naman siya ng paraan para tulungan ang mga ito. Minsan may free teachings siyang ginagawa para turuang sumulat at bumasa ang mga bata. 

DEVIL in MASKKde žijí příběhy. Začni objevovat