Chapter 9

868 43 0
                                    

"Punyeta! Anong ginagawa mo rito?" sigaw niya sabay balikwas ng bangon habang hawak ang comforter.

"F'ck!" sambit nito.

Umiwas ng tingin si Rain ng makita ang halos walang saplot nitong katawan na tanging boxer short lang ang tumatakip sa maselang bahagi.

"Rain?!"

Nanlaki ang mata ni Rain ng marinig ang papalapit na sigaw ni Faith. Nagmadali siyang bumaba sa kama para sana ilock ang pintuan pero nakita niyang pinipihit na nito ang seradura.

"Peste!" Nataranta niyang sabi pero nagawa pa niyang sipain sa ilalim ng kama ang mga kasuotan ng lalaki.

Mabilis niyang dinampot ang comforter at sinakluban ang lalaki. Narinig pa niya ang mura nito sa bigla niyang pagkilos. Bago pa pumasok si Faith ay nakahiga na siya sa kama habang tinatabunan ang lalaki. Mabuti na lang sobrang lambot ng kama kaya't mas lubog ito kesa sa kanya. Tinakpan din niya ng unan ang mukha nito ng marinig ang sunod-sunod nitong mura.

"Rain, what happened?" Nag-aalalang bungad ni Faith.

"Nothing, let me rest more." Nagkunwari siyang inaantok pa.

"Bumangon ka na diyan, sabay na tayong mag-almusal,"

"No!" malakas niyang sigaw ng hahawiin nito ang kurtina.

Natigilan naman si Faith sa tangkang gagawin.

"Why?" tanong nito.

"I'm tired. Mamaya na lang ako kakain. Let me rest again, please," nagpaawa na ang kanyang boses dahil ramdam niyang pumipiglas ang lalaki sa gilid niya.

"Okay..."

Nakahinga siya ng maluwag ng muling lumabas si Faith. Gumulong naman siya sa kabilang gilid ng bumalikwas ng bangon ang lalaki.

"Are you planning to kill me, Woman?"

Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito.

"Hinaan mo 'yang boses mo. Bakit ka ba narito?"

Tinapik naman ni Clyde ang kanyang kamay.

Yes, ang masungit na Boss ni Faith ang kasama niya ngayon at wala siyang ideya kung bakit narito ang lalaki ngayon.

"I am supposed to ask you that. What are you doing here... in my Unit?"

Nataranta naman siya ng sumigaw na naman ito.

"Hinaan mo kasi 'yang boses mo," gigil niyang sabi, "At anong Unit mo huh? Kay Zion na Unit 'to,"

Bahagyang kumunot ang noo nito at napasabunot sa buhok.

"F'ckingsh't!" Sigaw na naman nito.

Napatingin siya sa pintuan baka biglang pumasok si Faith. Ayaw niyang mag-isip ito ng kakaiba kapag nakita ang lalaki, kahit kakaiba talagang tingnan kung magkasama ang babae at lalaki sa isang silid ngunit hindi naman magkaano-ano.

"Hinaan mo sabi 'yang boses mo!" pigil niyang sigaw sabay hampas ng unan sa mukha ng lalaki.

"Dammit! What's your problem, Woman?" sigaw na naman nito.

Napapikit si Rain dahil sa inis at umalis sa kama. Hinanap niya ang cellphone sa katabi ng lampshade pero hindi niya makita. Tumungo na rin siya para hanapin sa mga drawer pero wala pa rin. Kung kailan naman kailangan saka hindi niya maalala kung saan inilagay ang kanyang cellphone.

"F'ck!"

Naiinis siyang bumaling sa lalaki ng sumigaw na naman ito. Hindi na ito nakatingin sa kanya.

DEVIL in MASKWhere stories live. Discover now