Chapter 18

780 42 2
                                    

Pabagsak na umupo si Rain sa gilid ng kanyang kama. Halos maghapon na niyang hinahanap ang amulet pero hindi pa rin niya nakikita.

Kinuha niya ang phone at sinubukang tawagan si Mill pero tulad kanina, out of coverage na naman ito. Ganoon din sina Nash at Prision. Gusto niyang humingi ng tulong sa kanyang tropa para mahanap ang amulet pero hindi niya makontak ang mga ito.

Nagdadalawang isip naman siya kung kokontakin si Freed, pero wala na siyang choice kaya pinindot niya ang numero nito para tawagan. Itatanong lang niya kung nasaan si Mill. 

Natuwa siya ng tumunog ang phone nito na mabilis sinagot sa kabilang linya.

"Fre..." Naputol ang kanyang sasabihin dahil sa boses ng isang babae.

"Oh... yeah... yeah... Harder please... You're so good. Faster, oh.... I'm coming baby... Oh...."

"What the hell Freed?" sigaw niya at mabilis pinatay ang tawag.

Peste talaga ang lalaking 'yon! Bakit sinagot pa nito ang tawag niya kung may ginagawa itong kababalaghan? Kaya nagdadalawang isip siyang tawagan si Freed dahil sa bagay na ito e. 

Humiga na lang siya sa kama habang nakipagtitigan sa kisame. Kung kailan siya nag-desisyon na alamin kung sino si Stranger, ngayon pa talaga nawala ang amulet.

Nakuha ng kanyang cellphone ang pansin niya ng tumunog ito. Napasimangot siya ng mag-appear ang pangalan ni Freed sa screen. Hindi niya ito sinagot hanggang mamatay ang tawag. Maya-maya isang mensahe ang natanggap niya mula sa lalaki.

Nanggigil siya ng mabasa ang mensahe nito.

'Nilabasan na ako Tol, bakit ka tumawag?'

Sakto namang tumunog ang phone niya. Mabilis niya iyong sinagot. 

"Punyeta ka Freedion! May kababalaghan ka palang ginagawa sinagot mo pa ang tawag ko?" sigaw niya rito.

"Relax Tol, natuwa lang ako at tumawag ka. Hindi ko naisip na sa gitna pala ako ng..."

"Huwag mo ng ituloy, please lang." awat niya sa sasabihin nito.

Tumawa lang ang lalaki sa kabilang linya.

"Anong maipaglilingkod ko sa'yo, Love?" Mapang-akit nitong sabi at sadyang pinalambing ang boses. 

Napahilot naman siya sa sentido.

"Huwag mo akong..."

"Love? Sino 'yan huh?" Matinis na boses ang nagpatigil sa kanyang pagsasalita.

"Wala ito Rema," Paliwanag ng lalaki.

"Rema? Hindi Rema ang pangalan ko! Analie! Nakailang rounds tayo tapos hindi mo ako kilala? How dare you?"

Sumakit ang ulo niya sa matinis na boses ng babae habang sinisigawan si Freed.

"At ikaw malanding kausap niya ngayon, paglalaruan ka lang din nito! Magsama kayo!" Sunod na narinig ni Rain ang malakas na pagsara ng pintuan.

"Wala ng istorbo, ano nga ulit pinag-uusapan natin Tol?"

"Isa kang malaking Peste! Sinabihan pa akong malandi ng babae mo, humanda ka sa'kin kapag nagkita tayo!" Pagbabanta niya sa lalaki na tinawanan lang nito.

"Ang hot ng boses mo kapag nagagalit sa phone," Tumatawa nitong sabi.

"Huwag ako Freed, letse ka!"

Mas lalo itong tumawa, parang mauubusan na ito ng hininga sa pagtawa.

"Seryoso na, anong kailangan mo at napatawag ka sa'kin?" Kahit sinabi nitong seryoso na, naririnig pa rin niya ang pinipigilan nitong tawa.

"Alam mo ba kung nasaan si Mill? Hindi ko rin makontak sina Prision at Nash," aniya.

DEVIL in MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon