Pagwawakas

31.5K 764 113
                                    

(Last chapter na guys.Sana ay napasaya kayo ni Sunny sa kwentong ito.Hindi man ito perfect dahil baguhan lang akong author.Thankyou so much dahil binasa niyo parin ang story ko.para sa silent readers pala,thankyou sa pagbabasa and godbless you all.Sa mga nag comment and vote thankyou so much 🌸🌸🌸 till next time🌞🌞)

2 years later...

MASAYA kong pinagmamasdan ang mag aama na naglalaro sa garden ng bahay namin.
Yes po,nasa bahay kami ni Winter,hindi sa family niya kundi bahay ko narin.
Sobrang saya ko nang mabuo ulit ang pamilya ko.Nagpakasal kami mahigit isang taon na ang nakalipas.He courted me for 6 months talaga.Hindi ko mapigilang matawa habang binabalik ko ang mga alala namin noong nanliligaw pa lang siya.
Halos sumuko na siya dahil pilit kong pinapagawa sakanya ang mga bagay na Di niya pa nagagawa.
Tulad nalang ng pagkanta ng bahay kubo At pagsasayaw sa tiktok.

Bigla akong napakapit sa gilid ng upuan nang maramdaman kong may likidong dumadaloy sa pagka babae ko.Kabuwanan ko na pero next week pa dapat ako manganganak.Pilit akong kumakalma kahit sobrang sakit na.Manganganak na talaga ako!
Hindi ko na kayang kumalma pa.

"W-winter!?Manganganak na ata ako!"halos mamilipit na ako sa sobrang sakit,naiiyak na ako dahil pumutok na ang panubigan ko.

Halos maglumpasay na ako sa tuwa nang makitang tumatakbo na si Winter sa kinatatayuan ko.
Pagka lapit nito ay inalalayan niya pa akong tumayo.
"Cloud,bring your sister's bag and you Sky get my cars key in our room."kalmadong saad nito sa mga anak bago kami naglakad.
Napahinto ako dahil hindi ko na ata kayang maglakad.
"Wife,are you okay?do you want me to carry you?"halos ibalibag ko ito sa dami ng satsat nito.Bakt hindi niya nalang ginawa.
Kahit namimilipit sa sakit ay hindi ko mapigilang sabunutan ang buhok nito.

"Baka pwedeng bilis bilisan mo naman!ang sakit sakit na masyado!!Dalhin mo na ako sa hospital maawa ka!"namamaos kong saad dito.Sa sinabi ko ay doon pa lang siya nataranta.
Langya sana hindi ko nalang triniger!

"Dad! Buhatin mo na si Mommy para mabilis!"narinig ko pa ang iritadong boses ng anak kong si Cloud.Buti pa tong anak ko alam ang gagawin.

Napakapit ako sa batok ni Winter nang kinarga ako nito na parang bagong kasal.
"Wala na bang may ibibilis to!?"mahinang saad ko dahil nanghihina ako masyado.Hindi pa ako nanganganak pero pagod na ang katawan ko masyado.

"Mom,take a deep breath then inhale and exhale."sinunod ko naman ang inutos ng anak ko.Bigla akong kumalma sa pinaggagawa ni Cloud.Si sky naman ay kandong ang bag na gagamitin ng kapatid niya.

————-

NAGISING ako sa sobrang ingay ng nasa paligid ko.
"Will you guys shut the fuck up!?
My wife is still sleeping,cant you see that."narinig ko pang saad ng asawa ko kaya hindi ko mapigilang ngumiwi.Ang demonyo talaga kahit kelan.Pero kahit ganon ay sobrang mahal ko naman.
Kahit nanghihina ay dinilat ko na ang mga mata ko.

Saka sumalubong saakin ang mga kamag anak ni Winter.Nang makita akong nagising ay ngumiti silang lahat.Kahit nanlalambot man ay dahan dahan akong umupo.bigla namang tumalima ang asawa ko para suportahan akong maupo.

Nang tuluyang maka upo ay saka ko lang napansin na sobrang dami pala nila na nasa loob.Marami ring mga iba't ibang prutas at gulay.
Mas nagulat pa ako ng may makitang sako sakong mga gulay.
Alam ko naman na ang pamilya ni Winter ang may dala nito panigurado.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?Do you need anything?"Natatarantang saad nito.
"W-water."mahina kong saad dito kaya mabilis niya naman akong binigyan ng isang basong tubig.
Guminhawa ang lalamunan ko dahil sa ininom na tubig.
Namaos ata ako kaka sigaw at eri ko.Nang maisip ang baby ko ay bigla ko namang hinarap ang asawa.

"A-ng baby natin,nasaan na?"pilit kong nilalakasan ang boses ko dahil masyado itong paos.
Ngumiti naman ito saakin bago hinawakan ang kamay ko.

"Our little girl will be here in a minute,and thankyou so much for giving those Lovely Angels."he kissed my forehead ang hugged me.Nginitian ko naman ito saka siya Ginantihan ng yakap.
"You don't have to Thank me,Dahil ito sa pagmamahalan nating dalawa.I love you so much."buong puso kong saad dito saka siya pinagmasdan.
"I love you too my wife."malambing na saad nito kaya hindi ko mapigilang ngumiti.

Naagaw ang atensyon namin ng bumukas ang pintuan.Saka ko lang nakita si Dark na dala dala ang baby girl namin.
Si Tatay Dark na sobrang ingat kong maglakad tungo sa pwesto namin.Siya lang ang nagdala pero iba ang nagpa anak saakin.
Si Winter mismo ang pumili ng doctora para sakin.Ayaw niya daw ng may nakakahawak sa pagmamat ari niya.Hindi na ako umawat pa dahil kong anong gusto nito ay gagawan niya talaga ng paraan.

"Delivering your baby girl with love and care."masayang bungad ni Dark saamin.Nginitian ko naman ito saka tinawag ang dalawang kuya na nasa gilid lang.

"Sky,Cloud come here.Meet your little sister na."mahinang saad ko sa dalawa saka naman silang tumakbo sa pwesto namin.
Masayang naka tunghay ang dalawa sa kapatid nila.Ito kasi yung wish nila eh.Ang magkaroon ng baby sister saka one big happy family.

"Can I carry her?"excited kong tanong kay Dark.
"Oo naman,basta ako ang nangungunang ninong."biro pa nito saka binigay ang anak ko sakin.Nginiwian ko naman si Dark sa sinabi nito.Ang kuripot nito masyado tapos mag nininong pa siya.

"By the way,anong name ni baby girl para maregistered ko na."dahil doon ay naagaw nito ang atensyon ko.Saka ko tiningnan ang asawa.
"Gusto mong ikaw ang mag pangalan?"usal ko sa asawa nakita ko pang nanlaki ang mata nito.
Nakikita ko kasi minsan sa laptop nito na nagsesearch siya ng pangalan ng baby girl.
Ako naman ang nag pangalan sa panganay kaya bibigyan ko siya ng pagkakataong siya ang magdedesisyon.

"It is okay with you?"nag aalinlangan pang saad nito.Tumango nalang ako dito saka binalik ang tingin sa anak ko.
May baby girl na kami.

" Scarlet Snow Dizon Raval."napangiti ako sa sinabi ng asawa.Prepared talaga.
"Ang ganda."usal ko dito saka nag excuse saamin si Dark para ipa register Iyon.

"Family picture muna kayo guys dali."narinig ko pang usal ng isang pinsan ni Winter.
Dali dali namang tumabi saakin ang sa kaliwa ang kambal saka si Winter naman sa kanan.
Inayos ko muna ang pagkakarga kay Snow saka tumingin sa camera.

"Say cheese!"

THE END....

(Mamimiss kong mag update dito.Pero Thankyou ulit sa mga nagbabasa godbless ❤️❤️❤️Short story lang po ito huh.
Try niyo rin pong basahin yung iba kong mga stories beke nemen magustuhan niyo.Meron akong bago HIDING THE GANGSTER'S SON sana mabasa niyo rin yung THE RUNAWAY SENIORITA po thanks in advance.😊😊😊)

Hiding the CEO's twins (COMPLETED✅)Where stories live. Discover now