Chapter 25

21.4K 465 9
                                    

NAGMAMADALI akong lumabas ng kwarto dahil tumunog ang doorbell namin sa labas.
Alam kong si Winter nayun,pero bakit nga ba ako nagmamadali?
Bigla akong napahinto sa naisip ko.Oo nga naman,sino ba siya para mataranta ang isang Sunny!?

Naglakad nalng ako ng pormal tungo sa pintuan.
Napabuga pa ako ng isang malakas na buntong hininga.
Saka ko binuksan ang pintuan.
Pagka bukas ko palang ay para akong nasilaw sa taglay nitong kakisigan.Sheezzz ang harot mo self.May dala pa itong isang bungkos ng red roses sa kaliwang kamay.

Ang bango nito na parang nakaka adik.Sanaol nalang talaga.
"P-pasok."na tampal ko ang nuo ko sa paka utal.He smiled at me pero naiilang ako kasi para siyang demonyo kong maka ngiti.Yung tipong hindi ka sanay sa mga nakikita mo sakanya.

"For you beautiful Mymmy."halos umusok na ang ulo ko sa sobrang kilig at pag iinit ng mukha ko.
Dahan dahan ko naman itong inabot.First time na may nagbigay ng bulaklak saakin.Sheezzzz this is memorable.

"Mymmy,is that daddy?"usal ng anak ko kaya nilingon ko silang dalawa.Hindi ko namalayang naka baba na pala sila.Tinago ko naman ang bulaklak sa likod ko para maiwasan ang tanong sa mga anak ko.
"You left us habang binibihisan mo kami.You really miss Daddy that much?"napalunok ako sa sinabi ni Sky.Hindi ko man lang namalayan na iniwan ko na sila doon sa kwarto.Napakamot ako ng pisngi ng narealize ang ginawa.
Inuna kong bihisan si Cloud pagka tapos ay si Sky naman.Dahil nga may nag doorbell iniwan ko nalng basta ang anak na hindi pa nakapag bihis ng damit.

"B-baka kako m-mainip ang daddy niyo kaya binuksan ko na h-haha."awkward kong saad saka sila tinalikuran.Pero bago pa man ako maka alis ay narinig ko pang kinausap ni Winter ang kambal.

"Your Mymmy really did that?Do you think she missed me alot."parang kumain ako ng isang daang sili sa sobrang pamumula ng mukha ko.Dagdag pa ang kahihiyan na ginawa ko.
Parang ayaw ko nalang sumama sakanila.

Pumasok na ako ng kwarto saka nagtalukbong ng kumot.Halos ihagis ko na rin ang bulaklak sa kilig at may halong kahihiyan.
Simple lang ang moves nito pero para sakin ay nag iisa lang ito sa isip ko.
Shezzzz ayaw ko na!
Kinakahiya ko na ang sarili ko.
Nawawala ako sa katinuan pag nasa paligid lang si Winter.Wala na Game over na ako.

Hindi ko alam pero ng lumipas ang sampung minuto ay hindi parin mawawala ang pamumula ng mukha ko.
Maglagay nalang kaya ako ng concealer?O kaya ay magsuot ako ng Face mask?Naiimagine ko kasi ang mga pagkain na kumakaway saakin.Parang sinasabi nitong,

"ano pang hinihintay mo diyan?Halika na at naghihintay ang umuusok at malutong kong balat."
Your one ang only...
Lechon baboy..

"Mymmy,are you ready na po?"narinig ko pang wika ni Sky habang nasa labas ng pintuan.Alam kong si Sky yun dahil masyadong matinis ang boses nito kumpara kay Cloud.
"Can I come in po?"hindi na ako nagsalita pa at binuksan nalang ang pintuan.Saka sumalubong saakin ang ngiti ng kambal.

"5 more minutes then im done na.May kailangan pa kayo."pang uusisa ko nang pumasok pa sila sa kwarto at naupo sa kama.
Ako naman ay umupo sa harap ng salamin at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Daddy said that were staying in lola's house for 3 days."nangunot ang nuo ko sa sinabi nito.Kala ko ba isang araw lang?
Bakit doon pa?Nakakahiya naman masyado sa family niya.
"Bakit Don daw?Kala ko ba one day lang tayo sakanila."Hindi ko mapigilang magtanong sa pinagsasabi nila.

"Daddy said,he want us to meet his family daw po.And three days because its their reunion daw.And sa beach daw po tayo mag sistay."ayyy Sanaol alam.Bakit ako hindi man lang nainform.
Nakakahiya naman kong makikisalo pa ako sa pamilya nila eh nanay lang naman ako ng kamag anak talaga nila.

"Dapat mag empake pa pala kayo ng extra na damit.Sasama pa ba ako sainyo?"parang nagdadalawang isip na ako ng sabihin nilang reunion ng pamilya iyon.

"No need daw po.Daddy already buy us our stuffs.And ofcourse you will come with us because your our Mymmy."prepared na talaga ako lang ang hindi ininform.
Sasama nalang ako para mabantayan ko rin ang mga mata.Isa pa nasa beach yun baka mapano kong hindi ko mababantayan ng maigi.

"Okay,wait niyo nalang ako outside dahil mag eempake pa ako ng madalian.Ang magaling niyo kasing tatay ay hindi man lang ako ininform."naka nguso kong saad dito.Saka sila tumayo na at naglakad tungo sa pintuan.
Pero bago pa makalabas si Sky ay may tinitingnan ito.Wala sa sariling sinundan ko ito ng tingin.Nang makita ko ang tinitingnan nito ay halos takbuhin ko na at tinapon ko sa ilalim ng kama.

Nagtataka naman akong tiningnan ni Sky.
"Is that a Rose po?"ito na nga ba ang sinasabi ko eh.Maya maya lang ay may mga follow up questions na ito.

"Who give you those roses po?"pagsasali naman ni Cloud.Hayyy masyadong maraming napapansin.
"H-hindi,ano lang yun —b-basura pala haha.Sige na labas na kayo bilis."mabilis ko naman silang hinawakan sa magkabilang kamay saka ko sila dahan dahang binitawan sa labas ng kwarto.
Kahit naman natataranta ako ay hindi ko magagawang saktan ang mga bata.

"Wait niyo lang si Mymmy huh,kainin niyo nalang yung ibang mango float sa ref.Basta iiwan niyo yung nasa malaking tupperware para may dala tayo para sa family ng daddy niyo."saad ko dito dahil naka gawa kami ng mango float kagabi dahil hindi daw sila makatulog sa excitement.
Hindi sila natulog hanggang natapos namin ang ginagawa bago iref.Mabuti nalng at napagod na sila at nakatulog agad sa sofa.
Kaya isa isa ko pa silang inakyat sa kwarto namin.

"Ayy ayy captain!"sabay nilang saad saka nagmamartsang tumalikod sa gawi ko.
Ang makukulit na mga chikiting talaga.

Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon.Kinuha ko ang maliit na maleta ko saka ko inuna ang undergarments na limang pares.
Saka shorts na tatlo and tshirt na lima,nagdala narin ako ng dalawang pares ng bikini.
Ang tagal ko na palang hindi nakakapag bikini.Kahit naman extra size ako ay may curves parin naman ako.

Sana naman ay walang maging problema.Goodluck saakin tologo.



Susunod....

Hiding the CEO's twins (COMPLETED✅)Where stories live. Discover now