Chapter 8

27.3K 618 24
                                    



Mabilis akong kumuha ng jacket para iwas sa kabag.Pinili ko yung makapal para iwas lamig din.Makulimlim parin naman sa labas dahil sa fog.
Nang makalabas sa building ng condo ko ay nagmasid masid muna ako.Baka kasi may biglang lilipad na bala sakin tulad ng sa mga Movies o di kaya ay nakidnap ako.
Wala naman akong pang pyansa sa sarili ko.Iba tlaga epekto sakin pag maagang nagigising.Masyadong active brain cells ko.Magkakape sana ako para nerbyusin man lang ako pero langya gatas pala kailangan ko ngayon.

"Miss,nahulog mo."doon ko lang napansin ang lalaking nag aabot ng panyo sa harapan ko.Wala naman akong panyo na dala.
Pano naman nasabi nito sa akin nga yung panyo.

"Nako khuya,lumang diskarte na yarn.Di oobra sakin yan dahil sanay na ako."pag iimporma ko dito.Saka lang siya Napanguso dahil nahuli ang mga moves niyang pang ninja pero nauwi lang sa wala.
Ako pa ba!?
Ako lang to no.

"Im sorry about that.Can I get your name?or just your number?"ang straight forward ni khuya.Di ko pa nga alam name niya tapos hinihingi niya na yung akin.Masyasong abusado,gusto niyang hingin pangalan ko pati ba naman number ko.

"Bakit mo kukunin pangalan ko?Wala ka bang sariling pangalan?
And FYI kabibili ko lang ng sim ko kaya bumili ka nalng para may number ka."wika ko dito habang namemewang.Nakita ko ang paglukot ng noo nito pero unti unti rin iyong nawala.Napalitan ito ng ngisi.Ang creepy niyang ngumisi para siyang manyak sa kanto.

"Wag kang ngumisi khuya,alam kung pogi ka pero sa totoo lang para kang rapist sa lagay mo nayan."walang preno kung saad kaya mas lalo siyang napangisi dahil dito.Ayy sayang gwapo sana pero mukhang abno.

"Your different huh."ang tipid magsalita nito para akong matutuyuan ng laway.
Napakunot ang noo ko nang maglahad siya ng kamay sa harapan ko.

"Im Dark Clifton by the way."pagpapa kilala nito.Inirapan ko muna ito bago magsalita.

"Sunny Dizon,Sun for short pwede ring Ny,depende nayun sayo."walang gana kung saad dito at tinanggap ang kamay nito.Baka mapahiya dahil kanina pa nasa eri ang kamay nito nakaka alay kaya yun.

Aba abuso,nakipag kamay na nga ako tapos may papisil pisil pa ng kamay.Manghihipo siguro to sa kanto.

"Nice to meet you beautiful.If may kailangan ka just call me.Here'smy card,you can call me anytime."nakangiti nitong saad saakin kaya tinanggap ko nalng para maka alis na ako.
Ang haba ng oras na nasayang ko sakanya.Ano siya gold!?

"Wait!Itatype ko narin sa phone ko yung number mo.Baka sakaling kailangan mo tulong ko,mas madali mo akong ma-cocontact."wala sa sariling binigay ko sakanya ang phone dahil kanina pa ako naiinip.Ang tagal niya talaga.

"Anong work mo?"pagtatanong ko dito ng makita siyang busy sa pag tatype sa phone ko.Sandali niyang tinigil ang ginagawa saka ako tiningnan.

"Surgeon ako sa isang private hospital.Thankyou so much sa time.Mauuna narin ako,may importante pa pala akong gagawin."napa-kamot pa ito ng ulo habang sinasauli ang phone ko.

"O sige sige,salamat."wika ko dito at sumenyas na mauuna na ako.Hindi ko na inantay pang sumagot siya dahil tumalikod na ako kaagad.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na ito sumunod pa.Iba talaga kamandag ng isang Sunny.

Naglakad na ulit ako patungo sa companya.Naudlot ang pagpapawis ko dahil may asungot na dumating.
Pero infairness ang gwapo ng pangalan niya.
Dark,
Kasing dark ba ng madilim?
Okay fine waleeyyy,

"Goodmorning manong guard!"masaya kung pagbati sa isang guard.Ngumiti naman ito pero hindi abot hanggang mata.
Mukhang siya na ngayon ang wala sa mood.

"Anong nangyari sayo kuyang guard?"nagtataka kung saad dito kasi lagi naman itong energetic.
"Napagalitan lang po ni boss ma'am,mainit ata ang ulo at nasigawan ako."malungkot na saad nito kaya tinap ko lang balikat nito.
Si boss daw nandito na?
Kala ko one week pa?Bahala na nga.

"Hayaan mo na kuya,atleast may work kapa.Wag kang mag alala ako bahala sayo.Kung wala kanang trabaho gagawin kitang labandero."jinoke ko pa ito para ngumiti man lang.Dahil sa joke kung iyon ay ngumiti narin sa wakas si kuyang guard.

"Kanina pa ba pumasok si boss?"
Pagtatanong ko dito saka tiningnan ang oras sa phone ko.

"Bago lang ma'am,mga limang minuto bago kayo dumating."ayyyy sana ol kabisado bawat minuto.
Nagpasalamat naman ako dito at pumasok na.Sumakay na akong elevator papunta sa office ko.
Nasa third floor palang ng madagdagan ang tao dito sa loob.
Pagka pasok ng dalawang empleyado ay tumaas na ito ulit.

"Alam mo bang lahat ng nakasalubong ni boss ay nasisigawan niya?"narinig kung chicka ng isang empleyado.
Dahil sa sinabi nito ay lumaki ang tenga ko.Chismosa kaya ako.

"Oo nga daw eh,sabi ay kararating lang non galing sa business trip.Stress lang siguro masyado kaya nagka ganon."paliwanag naman noong isa.
Bakit naman kasi nandito nayun?
Baka nag iba ang ihip ng hangin.

Hindi na naman nagsalita pa ang dalawa kaya meron ng katahimikan sa loob.
Tanging hangin nalng ang maririnig.

Nang nasa floor na ng opisina ko ay mabilis na akong lumabas.Alangan namang mag roround trip ako sa elevator?
Para na akong tanga non.

Hindi pa man ako nakakarating sa desk ko ang nakita ko na si boss na naka tanaw sakin.
Anong naghari dito?
Namlilisik pa ang mga mata na para akong sinusunog sa alab nito.
Napalunok ako ng wala sa oras.

———

MADILIM ang anyo nito habang tinitingnan ako.Napalunok ako sa kaba dahil sa tingin pa lang nito ay para na akong babalatan ng buhay.
Kararating lang niya tapos pangit na kaagad mood niya.Samantalang ako na inalok niyang maging girlfriend iniiwasan niya.
T*ena niya!

"Sino yung lalaking kasama mo?Siya ba ang rason kung bakit hindi ka sumang-ayon sa inalok ko sayo?Im I not enough for you woman!Mas mayaman ba siya sakin!?"Parang baliw nitong saad habang naglalakad pabalik balik sa harapan niya.Para naman niyang nalunok ang dila dahil sa narinig nito.
Ang bagsik ng anyo nito,parang anytime ay bigla niya nalang akong sakmalin.
Hindi ko alam kung bakit big deal sakanya ang naka usap kanina.Masyadong sarado Ang isip nito dahil sa galit.Iintindihin ko nalng siguro dahil stress siya.

"JUST ANSWER MY GODAMN QUESTION!!Bakit hindi ka makasagot!?.Your a piece of sh——-"
Hindi ko na po natapos pang magsalita ito.This is enough,Hindi ako papayag na tatapaktapakan niya lang ang pagka tao ko.

"Insultuhin mo na ako pero hindi parin mababago kung sino man ako.Hindi ko kailangan ang pera mo para mabuhay ako.Pinaghirapan At pinagtrabahon ko lahat ng narating ko ngayon.Dahil ba hindi mo nakuha ang Gusto mong mapaglaruan ako!?Isa kang walang hiyang tao.Pagsisisihan mong nakilala mo ang isang tulad ko.
Sisiguradohin kung hindi na maglalandas pa ang mga landas natin."
Hinanakit ko dito pero nanatili paring walang emosyon ang mukha nito.Naiiyak ako sa galit na nararamdaman ko.Para akong matutumba sa panghihina ng tuhod ko.

"At isa pa,Wala kang karapan kung sino man ang kakausapin ko dahil hindi mo ako pagmamay ari.
Hindi na ako mananatili pa sa kompanyang ito.MAG RERESIGN NA AKO!"Huli kung saad bago magmartya paalis.P*tangina niya!
Pasalamat nalng ako At hindi na siya nagsalita pa.Hindi lang sampal ang aabutin niya saakin.

Hindi ko na pinansin ang mga empleyadong nagtataka kung bakit ba ako umiiyak.Wala akong lakas na magsalita pa ang Gusto ko lang ay umalis sa lugar na to..

Nakahinga lang ako ng maluwag ng nasa labas na ako ng companya.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa nangyari.Pilit kung kinakalma ang sarili ko dahil baka mapano ang magiging anak.
Pero Kahit anong pilit ko ay hindi parin tumitigil sa pag agos ang mga luha ko.
Kahit anong punas ko dito ay May bago na Namang babagsak.
Shezzzz!
This is not good.
Para na siguro akong aswang dahil nagulo na masyado ang buhok.Isa pa ang mata ko na mapula kakaiyak.Namumula narin panigurado ang buo kung muka.

May naramdaman akong malamig na umagos sa mga hita.
Shitttt! Dinudugo ako!
Mygod ang baby ko...
Iligtas niyo ang baby ko,siya nalang ang tanging buhay ko.

Nahihilo na ako pero pilit ko paring nilalabanan dahil hihingi pa ako ng tulong.Kinuha ko ang cellphone sa bag na May kasamang isang calling card.Ang alam ko lang ay nagpipindot ako sa contracts.Nang mabuksan ito ay
Hindi na ako nagdalawang isip na tawagan ang number na napindot ko.
"Hello,Dark Clifton speaking.How—"

"H-help me, my b-baby please.Nasa R-aval Wine——"

(A/N:Paalala!Marami akong binago saka magdadagdag ako ng scene if hindi ako satisfied dun sa nauna kong sinulat.Thankyou for reading!Dont forget to vote and comment guys!)

Hiding the CEO's twins (COMPLETED✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon