Chapter 29

21.4K 429 5
                                    



"Can we talk,Sunny?"napa-angat ang tingin ko kay Dark ng marinig ang sinabi nito.
Napalingon naman ako kay Winter ng tumikhim ito sa gilid ko.

"For what?Pwede naman kayong mag usap na nandito ako diba?"napabuntong hininga ako ng hindi man lang sumagot si Dark dito.Malamang ay importante talaga.

"Mag uusap muna kami.Sundan mo muna ang mga bata sa likod ng bahay."umismid ito bago tinaliman ng tingin si Dark at nagdadabog na naglakad paalis.Aalis din naman ang dami pang kaartehan.

"Hindi pa kayo sa lagay na yan?Napaka possessive ng future hubby mo,Sunny.Kaya kung ako sayo pag iisipan ko muna ng Mabuti kung papakasalan ko ba siya o hindi."
Halatang nang aasar ang loko.Syempre Di ako papatalo!Si Dark lang siya ako naman si Araw!

"Hindi naman Ikaw ako kaya Okay lang.Hindi ko naman alam na May lihim ka palang pag tingin sakanya.Wag ganon,Dark.Sayang lahi niyo."napabungisngis ako ng lumukot ang nuo nito.Apaka pikon talaga nito Kahit kailan.

"Ano nga pala yung importanteng sasabihin mo."dugtong ko dito kaagad At baka kung saan pa kami mapadpad.

Dahil sa sinabi ko ay napabuntong hininga ito.May parte ng isip ko na baka iisa lang ang problema nila ni Mariako.Pero baka yun nga.

"Naguguluhan ako,Sunny.Kung hindi ako papayag sa kondisyon ni Lola ay gagawin niya ang lahat Para maalis ako sa ospital."napakagat labi ako dahil mukhang tama nga ang nasa isip ko.

Ilang taon ang nilaan niya sa pag aaral ng medisina tapos mawawala lang sa isang iglap.Hindi naman tama yun.Pero Anong magagawa ko eh pamilya niya ang May Gusto ng ganitong set up.

"Anong kondisyon ba ang Gusto ng lola mo?Kung kaya mo naman ay gawin mo nalang.Para rin naman yan sayo At sa kinabukasan mo.Kung May maitutulong lang sana ako—"

"You don't have to,makausap lang kita ay gumagaan na ang loob ko,Sunny.Hindi ko alam kung bakit.Pero masaya ako At nakilala kita."seryusong usal nito saka marahang lumapit sa pwesto ko.

Tingin ko ay medyo pumayat siya ngayon.At mukhang stress na stress din siya.Ganon naman kasi talaga pag nagtatrabaho ka sa ospital.Tapos lagi pa siyang night shift.

"Ako rin naman.Parang may instant Tatay ako dahil sayo.Kung Wala ka ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin."nginitian naman ako nito at ginulo ang buhok ko.Ang gaan talaga ng loob ko sakanya na hindi ko malaman kung Para saan.Basta ang alam ko lang sa sarili ko ay importante siya sa buhay ko.

"May irereto pa naman ako sayo.Sayang!Ang ganda ganda pa naman saka matalino non.Intindihin mo nalang kapag nagsasalita siya."napakagat labi ako sa sariling sinabi ko.Sana hindi ko na dinugtong yung huli dahil nginiwian lang ako nito.

Bunganga ko naman kasing Walang filter.Sinisira ko sarili kong plano!Kaloka!

"Bakit?Alien ba siya At hindi ko maintihindihan mga sinabi niya?"dahil sa sinabi niya ay ako naman ang napangiwi.

"Hindi naman.Pero sayang kasi bagay kayo.Pwede ko pa naman kayong iset ng blind date diba?Malay mo naman At magka-mabutihan kayo.Kung ganon ay hindi kana mahihirapan kasi May ipapakilala ka nang girlfriend sa pamilya mo."tapos hindi na matutuloy yung engagement kimeni na yun.

Ang talino ko talaga!
Magpapatulong ako kay Winter Para sa pinsan niyang maarte.

"Tsk!Ikaw ang bahala.Aalis narin pala ako.Baka mabago ko pa isip ni Lola.Ayaw niya na sakin kaya pilit niya akong pinapa asawa.Ang dangal ko!Ang puri ko,Sunny!"sinamaan ko siya ng tinggin dahil hindi bagay sakanya ang mag inarte.Para siyang bakla na trying hard sa pinanggagawa niya.

Baka ibash niyo ko sa sinabi ko huh!Marami akong friend na beke kaya hindi ako against sakanila.

"Naaasiwa talaga ako pag gumaganyan ka.Pero never mind na nga lang.Itetext kita bukas kung saan ang date niyo.Sigurado akong magiging maganda ang kalalabasan nito."nakangiting usal ko dito.Tinampal lang nito ang nuo ko kaya mahina akong napa aray.

Ang sakit!
Ang bigat ng kamay niya!

"Apaka brutal mo talaga Kahit kailan!"reklamo ko dito pero nginisihan lang ako ng loko.

"Ikaw naman kasi.Bye bye!Wag niyong bibinyagan ang bahay ko!Maawa kayo."dahil sa sinabi niya ay hindi ko mapigilang damputin ang baso sa gilid ko.
Pero hindi ko pa man naabot ay kumaripas na ito ng takbo papalabas.

Napailing nalang ako.Pano pa kaya pag nagsama sila ni Mariako?Wag naman sanang disaster.

Naglakad nalang ako tungo sa likod ng bahay Para puntahan ang mag-aama ko.Shezz!
Parang teenager ako na nagbablush everytime na sinabi ko ang katagang mag-ama ;)

Sa likod kasi ng bahay ay May basketball court.Mahilig din si Dark mag basketball kaya nagpatayo daw siya dun sa bandang likuran ng bahay niya.
Nong isang araw lang din nagpatayo ng maliit na ring para sa mga bata.

Hindi naman hiniling ng kambal o Kahit nagsabi na Gusto nila ng Ring.Basta kinabukasan May mga taong nagtatrabaho na ng Ring na sinasabi nila.


Napahinto ako sa paglalakad At bumalik ulit sa loob.

Dadalhan ko nalang pala sila ng pamunas dahil paniguradong naliligo na sila sa pawis.
Mahirap nang matuyuan ng pawis At madali pa naman silang magka sipon.

Tatlo ang dinala ko Para narin kay Winter.Feeling ko tatlo ang anak ko dahil sa presenya ni Winter.

Nang makuha ang towel ay Mabilis akong naglakad tungo ulit sa likod.

Mabilis ko naman silang Nakita na nagpapasahan ng bola.Masyado silang busy para mapansin ako kaya naupo nalang ako sa gilid na Medyo malayo sakanila.

Napapikit naman ako dahil sa hubo't hubad pala ang pang itaas ni Winter.Napalunok ako ng Wala sa oras.

Muli ko namang minulat ang mga mata ko pero half lang.Shezzz!Ang hot niya!Ang landi landi ko na dahil sakanya!

Bakat na bakat ang mga muscles niya dahil ang nipis ng damit nito at basa na ng pawis.Biglang nanunuyo ang lalamunan ko habang pinagmamasdan siya.
Napa wow ako ng mapunta ang mga mata ko sa bandang tiyan niya.

Di ko expected na May pa abs pala siya!

Pinaypay ko sa sarili ko ang hawak na towel dahil parang biglang uminit ang paligid ko.

Napailing nalang ako sa epekto nito saakin.

Hulog na nga ako pero parang Mas nahulog pa ako.Paano na ako makaka bangon nito!

Susunod...

A/N:Feeling ko ang lame ng ud ko🤧Thankyou for reading po!Sa uulitin,short story lang po ito.Hanggang chapter 30 lang mga,Mare.Maraming Salamat sa matyagang paghihintay ng update.

Hiding the CEO's twins (COMPLETED✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon