Chapter 26

20.6K 485 8
                                    

NATULALA ako sa isang tabi sa sobrang hanga.Sheezzz walang patapon sa pamilya nila.Lahat may ibubuga pagdating sa pagandahan at pagwapohan.
Usto ko sanang magpalahi pero nakalimutan kong nalahian na pala ako at kambal pa.
Yung feeling na mas maganda at sexy pa yung Nanay ni Winter sakin.Lagi nalang Sanaol ang sasabihin ko nito.
Nakakahiya ngang tumabi sakanila eh nagmumukha akong basahan.

Yung mga anak ko naman ay pinag aagawan ng mga pinsan ni Winter.Hinayaan ko nalang dahil moment nilang mag anak yun.


Si Mariako naman natutulog pa dahil sa hangover daw.Naglasing kagabi at yun,knock out sa isang kwarto dito sa resort.

"What are you doing there?"hindi ko napansin ang biglang pagsulpot ni Winter sa tabi ko.Masyado malayo lagi ang nararating ng isipan ko eh.
"N-nakakahiya namang tumabi sa mga kamag anak mo.Feeling ko muchacha lang nila ako."wala sa sarili kong usal.Totoo naman eh,wala lang akong preno sa bunganga pero may ego parin naman ako.Hindi ko kayang ipagpilitan ang sarili ko sa hindi ko kauri.Duhhh mas mabuti pang sa kauri ko ako tumabi para ako ang angat sa lahat.

"Tsk!nonsense.Come with me,lets enjoy this vacation."seryusong saad nito saka hinawakan ang kamay ko.Wala akong nagawa kundi ang magpa ubaya nalang.Kung lalangoy nalang kaya ako ngayon?
Ayaw ko munang mag food trip baka hindi magkasya ang swim suit ko.
Nanlaki ang mata ko nang matanaw ang pupuntahan.Bigla akong Napa preno ng wala sa oras pero para naman akong masusubsob sa buhangin sa lakas ng humihila sakin.
"T-teka nga!nagmamadali ka ba?May galit kaba at gusto mo nalang ako isubsob."nanggigil kong saad dito.Doon pa lang siya bumitaw,hayyy buti naman at may bakal pa itong pakawalan ako.

"Buti naman at naisipan mong pakawalan ako."saad ko dito saka naupo sa buhangin.
"Do you think i'll let you Go,ng ganon kadali?."Napa angat ang tingin ko dahil sa pinagsasabi nito.Napaka OA naman nito.Lahat ba ng sasabihin ko ay may ibig sabihin?
Inirapan ko ito ng maupo siya sa tabi ko
"Ang OA mo naman kasi masyado,maki join ka dun sa mga kamag anak mo.Sayang naman ipinunta natin dito."pagtataboy ko dahil mabobored lang siya pag ako ang kasama niya.Boring ako,as in sobrang boring.Kaya nga pinagpalit ako ng walanghiya kong ex boyfriend sa ex bestfriend eh.Malay ko bang kawayan pala type nito ayaw niya sa chubby na kagaya ko.
Parang bigla akong nasuka sa taste ko noon.Bakit ko nga ba pinatulan yung ex ko?Hindi naman kaguwapuhan as in.

Binigay ko pa lahat huh.Naging sugar Mommy pa ang peg ko.Sheezzz ngayon ko lang narealize kong gano ako katanga noon.Mabuti nalang at nagising ako sa katutuhanan.

Bitter ka lang dahil wala kang lovelife.

Pang eepal naman ng isipan ko.
Bakit ba laging may second thought!?
Para rin itong kabote eh,biglang magpaparamdam ng hindi mo inaakala.

"They were asking me to bring you there,that's why im here."napalingon ako sa sinabi nito.Gusto ko man pero nahihiya ako toda max.
Napayuko ako saka pinaglaruan ang buhangin.Saka ko pinagmasdan ang dagat na kulay kahel na dahil papalubog na ang araw at mapapalitan na naman ng buwan.

"Nahihiya ako sa totoo lang,natatakot akong mahusgahan kaya umiiwas nalang ako."mahinang saad ko dito.Narinig ko pang tumikhim ito sa tabi ko pero patuloy ko paring pinagmamasdan ang papalubog na araw.

"Nandito naman ako sa tabi mo kaya you don't have to worry about.Hindi naman kita pababayaan Dont you trust me?"dahil sa sinabi nito ay Napa angat ang tingin ko sakanya.Wala nga ba akong tiwala sa kanya?Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko.

Mas lalo pa akong napatanga ng hinawakan niya ang kamay ko.
He smiled genuinely kaya hindi ko maiwasang nginitian din siya.Iba talaga ang epekto niya saakin.
"Just trust me,okay?"nagpakawala ako ng buntong hininga saka lakas loob tumango.
"I do trust you."mababakas parin ang pangamba pero makakaya ko naman.Wala namang masama kong itatry diba?Masyado lang akong paranoid.Hindi lahat ng tao ay tulad ng mga naka salamuha ko noon.

Dahan dahan itong tumayo habang inaalalayan ako.
"Nasaan nga ba ang kambal?"pagtatanong ko dito ng hindi na matanaw ang mga bata sa dagat.
"My cousin's took care of them."saad nito habang naglalakad kami papunta sa gawi ng pamilya niya.Wala akong dapat ikatakot dahil wala naman akong ginawang mali.Kaya ko toh kasi ako si Sunny Dizon.

"Can we change their surename?"naumid ang dila ko sa tanong nito.Kahit hindi niya man sinabi kong sino,alam ko naman na ang kambal ang tinutukoy nito.
Hindi pa man ako nakakapag salita ay inunahan niya na ako.
"Nevermind,i'll just change yours too."parang wala lang sakanya habang sinasabi yun.
Hindi niya ba alam na katabi niya lang ako,habang sinabi niya ang bagay nayan?

Biglang nanunuyo ang lalamunan ko sa pinagsasabi nito.Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya pero deep inside ay para na akong naka lutang habang naglalakad.
Imba din pag pa fall.
Sa ilang araw naming magkasa ay hindi man kailan maging boring ang araw ko.Yung tipong nakikita ko lang siya ay parang nagliliwanag ang buong araw ko.
Iba naman yung sa mga anak ko dahil sila ang buhay ko.
I love them pero iba ang pagmamahal ko sa tatay nila.

Pero syempre mas timbang ang sa mga anak ko.Ewan ko ba masyado na akong naguguluhan.
Wala naman sigurong masama kong magtitiwala ulit ako kay Winter.

———

Masaya silang kasama sa totoo lang.Medyo nag alangan ako no'ng una pero nang kausapin nila ako ay sobrang babait nila.
They welcome me in their family kaya wala akong nagawa kundi ang mag thankyou.
Malay niyo naman maging kamag anak ko sila pag pinakasalan ko na si Winter.
Saad naman ng assumera kong sarili.

"Salamat huh,hindi ko alam kong anong magagawa ko para lang mapasalamatan ka.Masyado lang kasi akong maarte minsan kaya nagka ganon."pagchichika ko kay Winter habang inaantay namin ang kambal.Naliligo pa ito kasama ng lalaking mga pinsan ni Winter.Sila nalang daw ang bahalang umasikaso sa mga bata.Hintayin nalang daw namin dito sa bench.

"No worries,para sayo ay gagawin ko ang lahat."hindi na talaga ako masanay sanay sa mga banatan nito.

"Bolero."mahinang saad ko dito saka siya inirapan.Masyadong hard ang linyahan nito.Kong hindi lang ako prepared ay baka naihi na siguro ako sa shorts ko.

Heart kalma,si Winter lang yarn.

Susunod......

Hiding the CEO's twins (COMPLETED✅)Where stories live. Discover now