Chapter 21

22.7K 555 17
                                    


PIKIT ang mata ko habang naka upo sa passenger seat ng sasakyan ni Winter.Samantalang si Cloud naman ay natutulog sa back seat.Ang sabi ng anak ko ay tumakbo daw ito ng makita ang ama.
Pero pano niya naman nakilala si Winter eh hindi pa naman niya iyon nakita.Ang sabi lang nito ay "INSTINCT" niya lang daw.Saka "COMMON SENSE" daw ika niya.

Parang hindi ako maka hinga kanina sa sinabi nito. Buti nalng at lumabas na ng opisina ang anak ko dahil tapos na daw itong kumain.
Busog na busog daw siya saka favorite niya na ang pulang bubuyog,ika ng secretary ni Winter ay jollibee daw.
Akala ko nga ay isang mahabang explanation ang magaganap saamin.Pero laking pasasalamat ko nang tinanggap niya naman ang anak.

Panong hindi niya tatanggapin,parang carbon copy sila pag pinagtabi.Ang Unfair talaga ng mundo saakin.Maganda naman ako pero mas naging magandang lalaki naman itong katabi ko.Ka ganda ba ng kinalabasan ng genes ko.

Hapon na kami nakalabas ng opisina niya dahil tatapusin niya lang daw sandali ang trabaho niya.Wala akong choice kundi mag antay dahil ang anak ko ay parang ayaw nang mawala ito sa paningin niya.

"We're here."Napa igtad ako nang may magsalita.Saka ko lang narealize na tumigil na pala ang sasakyan nito.
Hindi ko naman ito pinansin saka lumabas na ng sasakyan nito.
Nasa isa kaming bahay,bahay pa nga ba ang tawag dito.
Mansyon na nga yung kay Dark pero mas malaki to.Ewan ko ba kong bakit nandito ako.Sumama nalng ako ng makitang sumakay na ang anak ko.Hindi ko nga alam kong kaninong bahay—-este mansyon pala.

Napatayo ako ng tuwid ng lumabas narin ng sasakyan si Winter.Saka ito naglakad tungo sa hinihigaan ng anak ko sa sasakyan nito.
Hindi naman ito nagtagal dahil karga na nito ang anak ko papalabas.Ayyy anak pala n-namin.Hindi talaga ako sanay na may ibang ka close ang anak ko.

"K-kaninong bahay to?"pag uusisa ko nang hindi na makapag pigil sa sobrang curious ko.
Nilingon ako nito sandali bago ibalik muli ang tingin sa anak ko.Edi wow!
Pangit ba ako!?Kapalit palit ba ako!?—este kung maka iwas naman ito para akong may sore eyes.

"My parents house."tiim bagang ko itong pinag masdan.Meeting the parents agad?
Nataranta ako nang magsimula na itong maglakad.
Gage!iiwan pa ako ng loko.
"S-sandali lang naman,baka pwedeng maiwan nalang ako dito sa labas."saad ko dito habang pinipigilan siyang maglakad gamit ang pag kapit sa braso nito.
Nang marealize ko ang ginawa ay patay malisya ko itong binitawan.

"Fine.Stay here Untill tomorrow."he said and smirked at me.Shezzz!
Napatakbo ako sa gilid nito dahil baka sa labas nga ako matutulog.
"S-sandali!"sigaw ko dito pero para lang itong kumausap sa hangin dahil hindi man lang ako tinapunan ng tingin.Ang lalaki ba naman kasi ng hakbang.
Ang sama nito!

Nang makitang tumigil ito sandali ay para naman akong ibon na pinakawalan sa hawla.
Malalaking hakbang akong naglakad sa tabi nito.
"S-salamat naman at narinig mo rin ako."hahawakan ko pa sana ang dibdib ko nang may pumigil nito.Nagtataka ko naman itong pinagmasdan pero hindi ako pinansin nito saka ito naglakad habang hawak ang kamay ko.

Feeling ko nga ay namumula na ang buo kong mukha.Shezzzz!Ang puso ko!!
Feeling teenager Sunny!?
Mas masaya sana kong nandito rin si Sky.Alam kong sobrang matutuwa ito eh.Every time na nag nagtatanong ako sa mga gusto nila lagi niyang wish ay ang daddy niya.
Sabi nito,gusto niya daw ng big happy family.Gusto niya rin daw ng baby sister and baby Brother.
Napangiti ako ng mapait,alam ko kasing hindi iyon magkaka totoo.
Baka nga may jowa na tong daddy nila eh.

Baka yung babaeng nakita ko noon.

Alam ko namang bibigyan niya ng panahon ang mga anak niya.Pero ako!?nganga nalng ako.
Masaya na ako basta kasama ko lang ang mga anak ko.

Masyado akong nagiging assumera,dapat ay hindi ako masasanay na lagi siya ang kasama ko.Nanghihina kong kinuha ang kamay ko dito pero masyadong mahigpit ang hawak niya.
Kaya mas lalo akong nagiging assumera dahil sa mga kilos niya eh.Masyado siyang paasa!
Nag promise akong mag momove on eh,pero langya.Anong nangyari!?


"Mom,im here."bigla akong natulos sa kinatatayuan ko.Hindi nga ako prepared eh!
Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala kami.

Naka rinig ako ng mga yapak na tila nagmamadali.Saka ko nilingon ang pinanggalingan nito.Nasa may hagdan ang isang ginang na feeling ko ay nasa 50's.
Ang ganda nito na papasa pang kapatid ni Winter.Yung sobrang sosyal kahit tumatakbo na ito.

"Mygosh,what a surprised son!Nasa study room ang Daddy,he wanted to talk to you.
Owww,your with someone pala."
Estraherang saad nito sabay hawak sa bibig nito na parang pinipigilang ngumiti ng malawak.
Ang ganda ganda nga pero pareho rin naman kami ng bunganga.
Sanaol nalng talaga!

"My son and my wife Mom,"parang natuod ako sa sinabi nito.Shezzzz wife daw!?
Hindi ko alam ang irereact dahil ang pagkakasabi nito ay parang may dala lang itong tuta.

"A-ahh,haha ano po,ako po si ano,Sunny po ma'am."naiiling kong saad dito na parang hindi pa sigurado sa mga pinagsasabi ko.
Hindi ko pa napakilala ang anak ko sa sobrang taranta.

Napangiwi ako nang makitang halos tumalon na ang ginang sa sinabi ng anak nito.
"Omygod!!Cloudy my husband come here!Nice to meeting you hija,im Sunshine and call me Mom already huh."masayang saad nito saka ako niyakap ng mahigpit.
Parang hindi ako makahinga sa sobrang higpit nito.
Mas hihigpitan niya pa sana ito ng may bumaklas sa mga kamay nito.




"Masyadong mahigpit,Mom.Baka hindi na siya maka hinga."maikli pero para itong kasing bagsik ng dragon.Hindi man lang na offend ang ginang sa sinabi nito.Mas lalo pa itong ngumingiti saamin.Pinagmamasdan niya kami na tila sayang saya siya sa nakikita.

"I don't know what to say,im a Lola na pala ng hindi ko alam.Can I see my apo?Winter baby?"parang hindi naman maipinta ang mukha ng anak.Ang sarap titigan ang mga ganitong expresyon ng mukha nito.

"No,his sleeping already.You can play with him tomorrow Mom.By the way I personally came here to tell you that im taking my leave for a month.Bibisitahin ko muna ang isa kong pang anak."Napa tanga naman ako sa haba ng sinabi nito.Speechless ako iba pa yung mga pinagsasabi niya.
Nawala lang ang atensyon ko dito ng pumalakpak ang nanay nito.

"Sure sure,you can leave anytime you want.Make it a year if you want basta ipakita mo lang saakin ang mga apo ko!I have twins na apo na pala.I love you na talaga Sunny,Maiwan ko muna kayo huh ichichika ko lang sa mga friends ko na may apo na ako."excited nitong saad,hindi pa man kami nakakasagot ng tumalikod na ito at kumakanta pa habang naglalakad.

Ano nang mangyayari ngayon!?

Susunod.....

A/N:Hanggang 30 chapters lang po ito😊Marami kasing nag rereklamo non na masyado raw maraming grammatical errors saka typo.Nakaka bitin din daw,dinagdagan ko lang siya ng tatlong chapters.Saka inayos ko yung mga grammatical errors,Thankyou for reading everyone.Thankyou din po sa Nag follow sakin 😊Godbless!

Hiding the CEO's twins (COMPLETED✅)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt