CHAPTER 83: Tokyo Vs. Toyotsu

Start from the beginning
                                    

"Ganito pala maglaro si Fujima. Napakahusay nya! Ang galing-galing!" Watanabe

Sa bangko ng Tokyo Team ay tumayo si Fukuda at sumenyas sa scoring table.

Sumenyas din ang scorer sa Referee.

(Pumito...)

"SUBSTITUTION! TOKYO TEAM!" sigaw ng Referee.

Nag-apiran muna ang current line-up ng tokyo team sa loob ng court.

"Nice game sa atin. Ikegami, mahusay ang laro mo." puri ni Fujima sa kanya.

Ngumiti si Ikegami sa kanya at tumango.

"Sige na, kayo na ang bahala tumapos nito. Makikipagpalit na ako kay Sakuragi." sabi nito saka tumakbo palabas ng court.

Nakangising namang tumayo si Hanamichi at inayos ang sarili.

"Sa wakas at papasok na rin ang Henyong ito!"

Naglakad siya patungo sa loob ng court.

Sinalubong niya si Ikegami saka nag-apiran.

"Isang minuto na lang, Sakuragi. Wag ka sanang magkalat." Ikegami

"Magtiwala ka sa Henyong ito..." ngising tinuro ni Hanamichi ang sarili niya.
"Ako ang magpapanalo sa Team natin, sinisigurado ko yan."

"Inaasahan ko yan." Ikegami

Tumango na lang si Hanamichi bilang tugon saka tumakbo sa gawi nina Maki, Jin, Sendoh at Fujima.

At sa pagkakataong ito...

Buo na ang Tokyo Kage Line-up.

Kage o anino na maiihalintulad sa itim na pangalan ng Tokyo 'Black' Samuraiz.

Ang apat na player na sina Maki, Jin, Sendoh at Fujima bilang mandirigma at gagawa ng importanteng kilos para sa kuponan.

Si Sakuragi naman ang magsisilbing pag-asa nila at susuporta sa kanilang likuran.

Likuran na siyang tatapos sa huling laban upang sigurado ang tagumpay.

"ABA! TIGNAN NIYO! BUMALIK NA ULIT SA COURT ANG PULANG-BUHOK NA YUN!

OO NGA NOH?

SA WAKAS!

SIYA TALAGA ANG HINIHINTAY KO!

NAGBABALIK ANG REDHORSEEEEEE!" sigawan ng mga manonood.

Samantala sa Coaching Box ng Toyotsu Team. Si Coach Terushima ay nababahala na sa kanyang kinauupuan.

Dahil nagbalik na ang player na pinangalanan niyang BANTA.

"Si Sakuragi. Bumalik na sa court." napayukom siya ng kamao.

Nag-aalala na siya sa magiging kahinatnan nila. Alam niya kase na ang tanging player na may kayang pumigil sa Monster Tower nilang si Hiroshi Morishige ay walang iba kundi si Sakuragi.

"MAKINIG KAYO! HULING MINUTO NIYO NA YAN! KAHIT ANONG MANGYARI, GAWIN NIYO ANG LAHAT PARA TALUNIN SILA!" sigaw ni Coach Terushima sa kanyang mga players.

Ang line-up naman ng Toyotsu Team ay naghahabol ng hininga maliban kay Morishige na nakatingin kay Hanamichi.

"Bumalik ka rin sa wakas." sabi niya dito.

Nginisihan lang siya ni Hanamichi.

"Gaya-gaya ka rin ng linya eh noh?" Hanamichi

"Tssk." Morishige

Pumito ulit ang Referee na kailangan na nilang tapusin ang laban sa huling minuto na natitira.

"Pantay na ang mga scores at huling minuto na lang ang natitira. Dito na magkakaalaman kung alin sa ating ang mas malakas." sabi ni Fujima sa kanila.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now