CHAPTER 82: Tokyo Vs. Toyotsu

Magsimula sa umpisa
                                    

"GALINGAN NIYO PA TOKYO!

6 POINTS NA LANG ANG LAMANG NG TOYOTSU! MAHAHABOL PA NATIN YAN!" sigaw nina Herai sa gilid at ng apat na Ungas.

"Hanamichi!" sigaw ni Mito sa kanya na ikinatingin nito.
"Magaling ang pinakita mong laro, pero Time-out ka daw muna!" tila inaasar siya ni Mito.

"NYAHAHAHAHA!" tawa pa ng tatlong-ungas.

3 minutes na lang ang natitira at 6 points na lang ang hahabulin ng Tokyo Team. Sa pagpasok ni Jin at Ikegami ay natulungan ang Team na makahabol.

Hindi parin lumilingon si Jin kay Hanamichi dahil guilty siya sa ginawa nya kay Hanamichi at hindi nya akalain na malalaman agad nito yung kalokohang ginawa nya.

"Hindi ko masisisi si Sakuragi. Pero para din naman sa kanya yung ginawa mo." sabi ni Ikegami kay Jin.

"Dapat lang na magpahinga muna siya... Dahil gagamitin siya ni Fujima sa huling parte ng laro." sagot nito.

"Talaga nga bang maglalaro siya?" tanong ni Maki.

"Para sa kasiguraduhan na manalo ang Team... Oo daw." Jin

Dahil ang Tokyo Team ang huling nakagawa ng puntos kaya ang bola ay mapupunta sa kuponan ng Toyotsu.

Hawak ni Muzaka ang bola saka tiningnan ang kalabang kuponan.

" Jin No. 6... Napakahusay niyang Shooter kahit pang Centro ang height niya." puri nya kay Jin.

"Kabilang siya dati sa pinakamalakas na kuponan ng Kanagawa, ang Kainan. Natanghal siya bilang Leading Scorer dahil nanghahakot ito ng puntos kaya talagang malakas siya." singit ni Rango.

"Ahh kaya pala." pinatalbog ni Muzaka ang bola at pinasa kay Tsuchiya.

Pagkasalo ni Tsuchiya at napataas ito ng hintuturo.

"Toyotsu! 6 points na lang ang lamang natin sa kanila. Kahit anong mangyari ay huwag silang hayaan na makahabol o makalamang sa'tin!" sigaw ni Tsuchiya bilang point-guard.

Habang paikli ng paikli ang oras ay mas lalong bumibigat ang palibot ng gymnasium. Kahit lamang ng 6 points ang Toyotsu Team ay hindi pa nasisuguro ng manonood kung anong team nga ba ang mananalo.

(Dribbling...)

Sinimulan ulit ni Tsuchiya ang opensa.

Nasa division line pa lang siya ay inabangan siya ni Maki kaya napilitan siyang ipasa ang bola.

Pinasa niya ito kay Mikoshiba na nasa outer left side range ng 3-point area. Pagkasalo ni Mikoshiba ay nagshoot agad ito.

*Pak!*

Pero biglang sumulpot sa harapan niya si Ikegami at nablock ang bola.

"Bwisit!" Mikoshiba

Sakto namang tumalbog ang bola kay Kiyota na nasa rebounding area.

"Kahit dati kang Star Player ng Shizuoka. Kung ikukumpara kita kay Ouzumi ay balewala ka lang." sabi ni Ikegami sa kanya saka agad siyang iniwanan.

"Ang yabang!" Mikoshiba

Mabilis na idinribol ni Kiyota ang bola pabalik sa kanilang half-court.

"Bilis! Fast Break!" sigaw ni Sendoh.

Samantala si Coach Terushima sa gilid ay hindi mapakali sa bangko. Iniisip nya na baka makahabol ang kabilang kuponan at matalo sila.

Awtomatikong lumagpas sa division line si Kiyota at dumiretso ito sa ilalim ng ring para magdunk.

Pero sa ilalim ng ring ay nandoon si Morishige nagbabantay sa kung sinong pangahas na papasok sa teritoryo nya.

Tiningnan siya ni Kiyota.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon