CHAPTER 80: Tokyo Vs. Toyotsu

Começar do início
                                    

"Maghanda kayo Team. Mapapasubo tayo sa mga 'to!" sabi ni Maki sa kanila at dinepensahan si Tsuchiya.

Naiwan sa ilalim ng ring sina Hanagata at Hanamichi para sulubungin ang dalawang centro ng Toyotsu.

Sa labas ng court, kaharap ni Maki si Tsuchiya, si Kiyota ay si Mikoshiba at kay Sendoh naman si Muzaka.

Si Sendoh ulit ang nagbantay kay Muzaka.

(bouncing...)

*Pass*

"Pinasa niya..." sabi ni Sendoh sa isip.

Nasalo naman ni Tsuchiya ang bola.

Itinaas naman ni Maki ang kamay niya para hindi makalusot ang bola.

Pero shinoot parin yun ni Tsuchiya kahit alanganin. Kaya ang bola ay nasa maatas na bahagi ng ere.

"Rebound!" sigaw ni Tsuchiya.

Naghanda naman sina Hanagata at Hanamichi.

Humakbang si Hanagata para abangan ang bola nang harangan siya ni Rango.

"Hindi ka makakalapit." Rango

Pinilit ni Hanagata na makalusot siya sa depensa kaso parang ayaw siyang payagan ni Rango. Bawat galaw nito para makalusot ay hindi nya magawa dahil sa higpit ng depensa.

Kaya si Hanamichi at Morishige ang inasahan ng parehong kuponan na kukuha ng rebound.

Nag pwersahan ang dalawa sa ilalim ng ring upang makuha ang bola kapag tumama na ito sa ring.

"HANAMICHIIIIIII!!!" sigaw ng apat na Ungas.

"Kunin Mo! Morishige!" Coach Terushima

Pagkalapit ng bola sa ring ay tumama ito sa pagitan ng backboard.

Nang tumama ito ay sabay silang tumalon para paunahan sa pag-abot ng bola.

Parehong malaki, malakas at matibay na reboundant na humahangad na makuha ang bola.

Nagtataasang kamay na pilit inaabot ang bola mula sa pinakamataas na bahagi nito na para bang isang parangap na gagawin ang lahat para maabot lang ito.

Napangisi si Morishige at agad dinakma ang bola.

*PAK!*

Si Morishige ang nagtagumpay.

Natigilan si Hanamichi sa kanya.

Pagkakuha ni Morishige sa bola ay agad nya namang pinasa kay Rango na siya namang ipinasok agad sa ring.

*DUNK!*

Naghiyawan ulit ang mga manonood.

"Ayooooos Toyotsu!

Toyotsu bawi tayo!

Iskor na naman!" sigawan nila.

Dahil sa shot na yun ay 2 points na lang ang lamang ng Tokyo Team.

Nag-apiran naman si Morishige at Rango. Saka tiningnan nila si Hanamichi at Hanagata.

"Ngayong nakabalik na ako. Sinisigurado ko... Mahihirapan ka na." sabi ni Morishige kay Hanamichi.

"Ang yabang." Hanamichi

Dahil sa pagbabalik ni Morishige, nagbago ang takbo ng laro sa loob ng court...

***

"Tsuchiya!" pasa ni Mikoshiba

*Pass*

"3-point shot?" Maki

*Shoot!"

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Onde as histórias ganham vida. Descobre agora