CHAPTER 79: Tokyo Vs. Toyotsu

Start from the beginning
                                    

(Bouncing...)

"Tayo na Team! Paikli na ng paikli ang oras sa 2nd-half. Isang punto lang ang lamang nila at lalamangan natin yun!" sabi ni Maki sa kanila.

"Oo, Maki!" sagot ni Kiyota.

"Handa na kami, Maki!" sagot ni Sendoh.

At sinimulan na nila ulit ang opensa.

Hawak ni Kiyota ang bola at idinribol niya ito palabas ng half-court.

Pagkalabas nito ay nakita niya si Maki na libre mula kay Tsuchiya at kaagad na pinasa ang bola.

"Maki!"

Nasalo naman ni Maki ang bola pero agad naman niyang pinasa kay Hanamichi na libre na nasa outer-area ng kanilang Team Half-court.

Nang hawak ni Hanamichi ang bola ay nakita yun ni Muzaka kaya dali-dali itong tumungo dun.

Pero...

"Dito ka lang."

Nabigla si Muzaka nang makita niya agad si Sendoh sa harapan niya ng hindi niya namamalayan.

"Ikaw? Paanong---" hindi natuloy ang sasabihin ni Muzaka nang magsalita ulit si Sendoh.

"1 on 1 tayo." panghahamon ni Sendoh sa kanya.

Napaismid naman si Muzaka sa sinabi niya.

"Ano ka ba. Masyado ka nang magaling kaya give chance to others naman."

"Hindi naman ata patas kung yung Redhorse namin ang babantayan mo. 4th year kana at 1st year lang yun.  Bakit hindi na lang tayo ang magharap para kahit papaano may sense din tayong dalawa dito sa court." sabi ulit ni Sendoh sa kanya.

Pinigilan ni Muzaka ang kanyang sarili na mapagiti.

"Kung ganun, kilala mo pala ako?" tanong niya kay Sendoh.

Ngumiti si Sendoh sa kanya at sumagot.

"Ako si Akira Sendoh, 2nd Year at ang kasalukuyang Super Ace Player ng College Matches. Ikinagagalak kitang makalaro." pagpapakilala nito.

Dahil sa pagpapakilala ni Sendoh ay hindi na pumalag si Muzaka.

"Kung ganun... May magaganap na 1 on 1 sa pagitan ng Super Ace Players."

"Ayaw mo?" tanong ulit ni Sendoh.

Ngumisi si Muzaka sa kanya. "Hindi kita aatrasan... Sendoh!"

"LABO 2ND!" sigaw ni Hanamichi at nag-overhead pass kay Hanagata na masa ilalim ng ring.

Tumalon si Hanagata ng mataas para gawin ang Alley-hoop pero tumalon din si Rango at nablock ito.

*Pak!*

Tumalbog palayo ang bola at napunta ito kay Muzaka.

Sakto niya itong nasalo.

Napaismid si Sendoh.

"HALA! TIGNAN NIYO!" sigaw ng isang manonood.

"1 ON 1 SA PAGITAN NG DATI AT KASALUKUYANG SUPER ACE PLAYER!"

"MUZAKA LABAN KAY SENDOH?"

"MAGIGING MAGANDA 'TO!

KAHIT ANONG MANGYARI WALANG KUKURAP!"

Ang atmosperika ng buong gymnasuim ay  nakatuon kina Sendoh at Muzaka. Dito magkakaalaman kung gaano kagaling ang dalawang Super Ace Player.

Pinatalbog ni Muzaka ang bola habang hindi parin umaalis ng tingin kay Sendoh.

(bouncing...)

Seryosong nakatingin naman si Sendoh sa kanya.

Palihim na ngumisi si Muzaka sa awra ni Sendoh.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now