CHAPTER 77: Tokyo Vs. Toyotsu

Start from the beginning
                                    

Nasa outer area si Sendoh nang masalo niya ang bola kaya agad itong pumuntos.

*Shoot!*

"Alright!" ngiting sabi ni Sendoh.

"AYOOOOOOOS!

3-POINTS!

SENDOOOOOOH!" hiyawan ulit ng mga manonood.

"Sendoh nice shot!" sigaw ni Mari mula sa coaching box.

Tiningnan siya ni Sendoh at nag finger-heart ito.

Tumaas ang isang kilay ni Mari at nag middle-finger-up na tila alam niyang trip na naman siya ni Sendoh. (..l..)

Naningkit naman ang mga mata ni Daisho sa nakita at sumigaw ito mula sa upuan.

"Maglaro ka na lang kaya Sendoh! Naghaharot pa eh!"

Ngumiti lang si Sendoh at nag peace sign dahil nagbibiro lang siya.

Dahil sa tres ni Sendoh, ang kaninang score ng Tokyo Team na 45 ay naging 48 samantala sa Toyotsu ay 43 parin.

Si Rango ang nakakuha ng bola nang matapos itong ishoot ni Sendoh. Dinribol niya ito palabas ng half-court ng opponent area.

Nang nakarating ito sa kanilang team half-court ay palihim na nakalapit ang kamay ni Kiyota sa bola mula sa pagkakahawak ni Rango nang maramdaman nito ang kanyang presensya.

"Morishige!" tawag niya dito na mas nauna pa sa kanyang tumakbo at pinasa ang bola.

Napatingin si Morishige dun at nasalo niya ang bola.

Pagkaharap niya para idribol ang bola nang...

"Ano!" Morishige

"Ha!" nagulat si Rango.

"IMPOSIBLE!" napatayo si Coach Terushima sa ginawa ni Hanamichi.

"Papaanong---" hindi makapaniwala si Mikoshiba, Godai at Tsuchiya.

Ang sanhi ng kanilang pagkagulat ay nang makuha ni Morishige ang bola at bago pa man ito magdribol ay nakahawak agad ang kamay ni Hanamichi dun.

*Pak!*

Pinalo ni Hanamichi ang bola at tumalbog pabalik kay Kiyota.

"Sakuragi!" namangha si Maki sa kanya.

"Bilis Matsing!" sigaw niya at agad itong tumakbo pabalik sa half-court ng Tokyo.

"Nakakabanas ang Pulang-tikbalang na'to!" naiinis na sabi Rango at hinabol nito si Kiyota.

Agad nakarating si Kiyota sa half-court, kaya mula sa 3-point area ay nagpose siya para magshoot.

Samantala si Hanamichi naman ay napasobra ang takbo kaya dumiretso siya sa ilalim ng ring.

Magsoshoot na sana si Kiyota nang sumigaw si Hanagata.

"Kiyota sa likuran mo!" sigaw ni Hanagata sa kanya.

"Wala yan!" sabi ni Rango sa kanya.

16 minutes na lang ang natitira sa 2nd half kaya mabilis ang nangyayari ngayon sa loob ng court na kahit ang mga manonood ay hindi mahabol ang kanilang mga galawan.

Dahil sa biglaang litaw ni Rango mula sa likuran ni Kiyota at nagshoot parin ito.

Kaya si Hanamichi na nasa ilalim ng ring ay nakahangad sa bola na nasa ere.

"REBOUND!" sigaw ng mga manonood.

"Morishige/Sakuragi!"

Halos sabay na sigaw ni Tsuchiya at Maki na nagpupwersahan sa kanilang kasalukuyang tinatayuan.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now