CHAPTER 76: Tokyo vs. Toyotsu

Start from the beginning
                                    

"Dapat tayo ang manalo sa match na'to. Hindi natin pwedeng biguin si Coach." dagdag pa niya.

"OO!" sagot nila.

Sinimulan na nila ang opensa.

Inunahan ito ni Mikoshiba papasok ng division line.

Ang panig naman nina Maki ay naghanda sa depensa.

Pagkarating nila ay pinasa nito ang bola kay Godai na nasa outer area at layuning pumuntos ng tres, pero agad bumabag si Hanagata sa kanya kaya pinasa niya naman ang bola kay Rango na nasa loob ng zone area ng kanilang half-court.

Pagkatanggap ni Rango at aktong magsoshoot agad nang makita niya ang mga kamay ni Kiyota na nakadepensa sa kanya.

Dahil sa lawak ng sakop ng depensa ni Kiyota ay hindi niya mawagang ipasa ang bola sa mga kasamahan niya na mas malapit sa ring.

Sina Morishige at Tsuchiya ang kasalukuyang nasa ilalim ng ring. Nakipag titigan ito kay Tsuchiya.

Napansin naman ni Hanamichi ang senyasan nila.

Kaya hinagis ni Rango ng bola paitaas para mapunta yun sa kanila nang biglang tumakbo si Hanamichi papunta sa gawi ng Team Captain ng Toyotsu para iblock ang bola.

"PALYADO YAN!" sigaw ni Hanamichi.

Pagkarating ni Hanamichi sa gawi ni Tsuchiya ay nanlaki ang mga mata nya nang hindi pala dito patungo ang bola kundi.

Tumalon ng mataas si Morishige at nakuha ang bola.

Patungo rin sa gawi nila si Maki pero huminto ito kay Morishige saka tumalon rin para iblock ito.

Nasa kamay ni Morishige ang bola at nakita niya si Maki nakadepensa sa kanya pero hindi niya ito pinansin saka dinakdak agad sa ring.

*DUNK!*

Isang yanig na naman ang bumuo sa gymnasium dahil sa lakas ng Alley-hoop Dunk na ginawa ng Monster Tower ng Toyotsu na si Morishige.

Naghiyawan na naman ang mga taong nasa panig nila dahil puntos na naman.

Dahil sa malakas na dunk na yon ay bumagsak si Maki sa sahig.

*BLAG!*

"Maki!" sigaw ni Kiyota at dali-daling lumapit.

"Captain!" tawag ni Sendoh.

Pumito naman ang Referee.

Napangisi si Hanamichi, dahil sa nangyari ay madadagdagan na naman ang Foul ni Morishige.

"DEFENSIVE FOUL! BLACK NO. 4!" sabi ng Referee saka tinuro si Maki.

Ang nakangising mukha ni Hanamichi ay napalitan ng busangot.

"ANO?!!" sigaw niya.
"Paano naging foul yun ni Lolo?" takang tanong niya.

"Tama na Sakuragi." suway sa kanya ni Maki na dahan-dahang tumayo.

"ONE THROW! GREEN NO. 15!" Referee

"Ayos!" tuwang sabi ni Rango.

"Sige Morishige, siguradong pasok yan." sabi ni Mikoshiba.

"Oo naman." sagot nito saka pinasa ng Referee sa kanya ang bola.

Hindi kumbinsido si Hanamichi sa nangyayari.

"Teka teka teka! Ang unfair---"

Hindi natuloy ang sasabihin ni Hanamichi nang tinapik ni Sendoh ang braso niya.

"Tama na, tama yung desisyon ng Ref." sabi nito.

Tiningnan nya na lang ng masama si Morishige saka bumulong.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now