"Salamat Lo." nilibot ni Frosto ang tingin sa bahay namin na tila ba nag aalala para sa amin.



"Ihahatid kopo ang apo niyo at babalik ako dito. May gusto po akong sabihin."


Kinabahan ako. Kinausap ako tungkol dito ni Frosto kagabi na gusto niyang sabihin ang tungkol sa anak niya kina lolo at lola. Ayaw niyang sa huli niya pa raw sasabihin. Ang rason kung bakit sinabi niya sa akin agad ay dahil totoo siya sa kanyang nararamdaman sakin at ayaw niyang masira kami dahil doon.




Tinungo na namin ang sasakyan ni Frosto na nakaparking sa malaking puno malapit sa palayan.

"I will talk to your grandparents Sol. It's okay for me if they get mad."


Umiling ako at pumasok sa kotse ng buksan niya para sa akin. Nanatili siya doon nakatayo at nakatitig sakin.

"Mabait sila lolo at lola. Hindi iyon magagalit. Maiintindihan nila ang sitwasyon mo-"

Hindi ko na matuloy tuloy ang mga sasabihin ko dahil sa paghalik niya sa aking noo. Nang mawalay ang labi niya ay nakita ko ang apat na taong papadaan sa amin.

Sa malayo ay nakita kong papalapit sila Dominador Septimo. May mga kasama siya at nakita na niya agad kami ni Frosto.


Suminghap ako. "T-Tayo na?"


Nangunot ang noo ni Frosto at tinitigan si Don.

"Hindi ko inaasahan na makita dito ang anak ng isang kaibigan! Frosto Grey!"


Umigting ang panga ni Frosto at seryosong tumango.

Pa balik balik ang tingin samin ni Don. Umiwas ako dahil nahihiya narin.

"Mr. Septimo. I'm picking up my girlfriend."


"Oh!" tumawa si Don. "May boyfriend na pala ang pinakamaganda dito."


Ramdam ko na hindi gusto ni Frosto ang presensya ni Don. Sinara niya ang pintuan ng kotse at hinarap si Don. May sinabi siya doon at umalis rin naman siya agad.


Tahimik lang ako sa loob ng kotse hanggang sa biyahe namin.

"Frost.. Balak ko kasing mag audition bilang freelance model pag mag college na ako. May alam ka ba?"


Nakatigil na ang kotse sa labas ng aming skwelahan.

Ngumuso siya at hinaplos ang aking pisngi.

"You don't have to work."

"Huh?"

"Be a mother to my daughter, instead." ngumisi siya kaya tumawa ako.

Umiinit ng husto ang aking pisngi sa pagiging bolero niya sakin. Sinabihan niya rin ako na wala na akong dapat na alahanin sa prom dahil magpapatahi na raw kami bukas ng gown ko. Sasabihan ko si lola na hindi na siya maghanap pa sa ukay ukay ng gown para sakin.



Walang araw na hindi rin siya nag tetext sakin. Hindi ko talaga aakalain na ganito pala ang feeling na inlove. Bawat araw ay naeexcite ako magising at basahin ang mga messages niya.

Araw araw niya rin ako hinahalikan. Iyon ang hindi ko kinakaya araw araw o kapag nagkikita lang kami kasi hindi ko akalain na ganon siya kapusok humalik.


Hindi ko talaga akalain na nahahalikan na ang labi ko.



Hindi na ako nasundo sa ekwelahan ni Frosto. Naiintindihan ko iyon at hindi ko dapat pilitin na sakin lang dapat ang buong oras niya dahil alam ko na abala siya sa trabaho. Nagiging inspirasyon ko siya sa pag aaral ko. Sayang ang pagkakataon na ito at mga tulong niya sakin na gusto kong suklian kapag ako ay nagkatrabaho na.




Sumakay ako ng traysikel ng makita na naman ang text ni Frosto sakin.


"Ayokong maglakad ka. Sumakay ka ng jeep o taxi please. I'm so frustrated right now.. Naiisip ko na naglalakad kalang. This works sucks."
Text niya sakin.


Ngumisi ako at bumaba na sa traysikel. Ayos na ako sa traysikel tsaka hindi naman kalayuan.



Pagbaba ko mula sa highway ay nakita ko na palabas si Don Septimo galing sa aming baryo. Nakita ko sa malayo na si lolo ay pabalik sa bahay namin.



"M-Maganda hapon ho Don Septimo." bati ko sa kanya.


Ngumisi ang matanda sakin hawak ang kanyang tungkod.

"Mas maganda kapa sa hapon aking Soledad."


Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya at yumuko ako para umalis na ngunit hinawakan niya ang braso ko.


Ayoko talaga ng presensya niya.

"Manang mana ka sa ina mo Sol. Inosenteng inosente at gusto ko iyon."


Napalunok ako at nanalalamig na tumakbo patungo sa aming baryo. Nanginginig ang aking kalamnan sa takot.

Unang Halik Onde as histórias ganham vida. Descobre agora