PRIOS EXTINCTION

2.1K 112 30
                                    

Malinis ang opisina, wala halos laman ang mesa, maayos ang sofa set sa kanang gilid katapat ng king-size bed na madilim na pula at itim ang kulay. Napatitig agad si Edric sa itim na teddy bear na naroon at prenteng nakahiga sa mga pulang unan.

"Mr. V, since tapos na ang service mo for the numen, tatanggap na ang opisina mo ng medical and accounting reports para sa Bernardina. May natitira pang two months sa annual contract ng pagde-deliver ng dugo sa Grand Cabin for the late Mr. Phillips. Probably, hindi na rin ipapahinto ng office ang delivery since ang ibinigay sa 'king memo ay doon pa rin daw kayo magsi-stay kasama ni Master Sigmund Phillips. Hindi raw nila puwedeng alisin ang baby sa loob ng Helderiet Woods kasi delikadong ilayo sa lupa nila ang anak nina Chancey."

Balisa na naman si Edric habang nakikita ang unang regalo sa kanya ng numen noong nakabalik sila galing South.

"We're still looking for a nanny for the kid since bawal ang mga immortal sa loob every night. Hindi rin allowed ang walang permission, even Eul. Nag-try sila ng mga tao sa loob pero guarded daw ng seal ang Cabin kahit sa mga tao. Magpapa-schedule ako ng visit sa Grand Cabin to personally check the seals para mai-report kay Poi at sa Historical Commission. In case lang na may mai-refer silang nanny para sa baby nina Chancey."

Sa dami ng sinabi ni Zephy, ni isa roon ay walang inintindi si Edric.

Natatandaan pa niya kung ano ang madalas nilang pag-awayan noon ni Chancey.

Sekretarya.

Alam ni Chancey kung paano silang kumain na mga bampira. Ultimo nga ang asawa nito, iniinom din ang dugo niya.

Pero iyon naman ang hindi maintindihan ni Edric. Pinipigilan siya ni Chancey na biktimahin ang mga pagkain dapat niya. Ilang dekada na niyang ginagawa iyon at tatlong taon siyang pinigilan ni Chancey sa kung paano ba siya dapat kumakain. Tatlong taon niyang tiniis ang ginagawa nitong pagbuhay sa mga sekretarya niyang dapat pinakikinabangan niya ang dugo. Pero nitong nakaraang tatlong buwan, wala siyang sekretarya. Siya pa ang ginawang sekretarya ng sekretarya lang dati ng chairman.

Pero wala naman siyang pinagsisisihan. Si Chancey naman kasi ang nagluluto ng pagkain niya sa Grand Cabin.

Kaso iyon nga ang dapat niyang sanayin sa pagkakataong ito. Iyong wala nang magluluto ng pagkain para sa kanya. Wala na ring pipigil para kumain siya kung paano ba niya gustong kumain.

"Mr. V, magpapaakyat po ba ako rito ng blood supply saka steak for lunch?"

Sekretarya.

Tumalikod na siya at bakas sa mata niya ang walang ganang mabuhay. Wala rin namang makakasisi sa kanya at sa ikinikilos niya dahil higit kaninuman, siya ang higit na nawalan sa lahat.

Dere-deretso lang siya kay Zephy na tutok sa clipboard nito habang nasa tapat ng oval glass office table niya.

"Ang secretary ninyo, the day after tomorrow pang dadating so—Mr. V!" Ang lakas agad ng tili ni Zephy nang bigla siyang hawakan sa leeg at puwersahang iangat ni Edric gamit ang isang kamay.

Pinandidilatan lang ng mata ni Zephy si Edric. Nahulog niya ang clipboard ng wala sa oras sa sobrang takot. Napakapit agad siya sa kanto ng office table para hindi masakal nang sobra.

Damang-dama ni Edric ang bilis ng tibok ng puso nito maging ang amoy ng dugo nitong bumilis ang pag-ikot sa buong katawan.

"Human . . ." umaangil na aniya nang hindi man lang ibinubuka nang malaki ang bibig at habang magkadikit lang ang mga ngipin sa itaas at ibaba.

Kung ano ang ikinalaki ng mga mata ni Zephy ay iyon naman ang ikinapungay ng kay Edric. Lalong tumatapang ang amoy ng dugo sa hangin habang tumataas ang dugo ni Zephy sa sobrang nerbiyos.

Prios 4: Living with the VanderbergsWhere stories live. Discover now