2. Heartless Monster

2.9K 210 44
                                    

Hindi naniniwala sa tunay na pag-ibig si Edric Vanderberg.

Bakit nga naman siya maniniwala kung lumaki siyang lahat ng bagay ay nakakaya niyang kontrolin?

Bata pa lamang siya nang ipakilala sa kanya ang bunsong anak ng mga Filemon na nakatakdang ipakasal sa kanya. Iyon nga lang, nagkaroon ng malawakang pagpatay sa mga bampira noong nakaraang siglo at kabilang ang pamilya ng mga Filemon sa hinuli at sinunog sa gitna ng bayan.

Pinaslang din ang ina niyang si Edith Andreus sa kaparehong taon. Ikinulong naman ang kanyang amang si Rorric Vanderberg sa ilalim ng town hall kasama ng iba pang mga bampira. Nawala rin ang tiyahin niyang si Ruena na kasama nila noong mga oras na iyon at sinabing nahuli rin ng grupo ng taong pumatay sa kanyang ina.

Siya lang ang bukod-tanging naitago ng Ikauna matapos mabaril ng kanyang ina na sanhi ng ikinamatay nito. At gaya ng lahat ng kabilang sa Prios, isa siya sa naniniwala sa Testamento ng Ikauna at tinatanaw niyang malaking utang na loob ang pagkakaligtas nito sa kanilang pamilya, lalo na sa kapatid niyang si Morticia noong bagong silang pa lang ito.

Mga Vanderberg na lang at ilang kamag-anak ang nakaligtas noong nakaraang siglo. Mula noon, sinabi na sa kanya ng ama na mahihirapan na silang makahanap ng mapapangasawa niya. At tinanggap na niya ang katotohanang iyon mula pa noong nakaraang siglo.

Kaya gigil na gigil talaga siya nang makilala ang alaga ni Donovan Phillips sa Grand Cabin. Matapos niya kasing pagtangkaang paglaruan gaya ng iba niyang biktima, hindi niya inaasahan na siya pala ang mabibiktima nito.

Katuwaan lang si Chancey noong una para kay Edric, hanggang sa tamaan siya ng sumpang tanging mga ada lang ang nakapagbibigay.

Isang beses lang maaaring umibig ang mga bampirang may purong dugo at hindi talaga natutuwa si Edric nang mangyari sa kanya ang nangyari sa pinsang si Marius.

Matagal na niya itong sinabihang lumayo sa mga ada dahil natural sa mga ito ang manghalina ng mga lalaki sa iba't ibang uri. Pero hindi ito nakinig sa kanya at pinilit pa rin ang sarili dahil masyado nga namang makapangyarihan ang pagmamahal.

Kaya noong sinabi ng pamilya na papatayin na nila ito, nagprisinta pa siyang gawin ang pabor dahil laking kasawaan na sa kanya ang sermunan ito tungkol sa kahinaang gawa ng pag-ibig.

Malas niya dahil minsan sa buhay niya ay natamaan siya ng sumpang kinaiinisan niya noon pa man mula sa isang ada, at ang pinakanakakainis pa ay anak din ng Ikauna ang may gawa.

Ilang beses siyang nakiusap sa ama na patayin na siya noong maging asul ang isang mata, pero gaya nga ng sinabi sa kanya nito, hindi papatay ang pamilya nang walang mabigat na rason. At kasalanan para sa kanila ang magpatiwakal.

Sa daming beses niyang nagpadala ng papatay sa anak ng adang nakatira sa Grand Cabin, ni isa roon ay walang nagtagumpay. Kahit din naman siya noong makasama ito ay hindi rin naman niya ito nagawang patayin. Naging asul pa ang parehong mata niya imbis na bumalik sa pagiging pula.

Sumpa ng mga Dalca ang iniisip niyang dahilan kaya kakaiba ang nararamdaman niya kay Chancey. At hindi niya kahit kailan ituturing na tunay na pagmamahal ang isang pakiramdam na kontrolado para sa kanya.

Isang beses lang maaaring magmahal ang bampirang gaya niya at hindi siya papayag na isang gaya lang ni Chancey ang magiging kahulugan ng pagmamahal na iyon. Maliban sa hindi niya ito kauri, ayaw rin niya sa kung anong uri man ito.

Sanay siyang kumokontrol ng ibang nilalang at hindi kinokontrol ng kung sino lang.

"When will that witch get her maternity leave?"

"Mr. V, the family will decide when."

Napapakamot na lang ng sentido si Edric dahil ayaw tanggapin ng HR assistant ang doctor's note na dala niya. "Can you propose that to happen urgently? I don't want to see her face in this building tomorrow or permanently. She's doing her hexes again with my secretaries!"

Prios 4: Living with the VanderbergsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon