16. Taste of Bitter Truth

1.9K 158 14
                                    

Kung may oras sa buong araw na sigurado si Edric kung gising pa ang ama niya, malamang na gabi iyon. Kaya nga pinatulog muna niya si Chancey. At sinabi niyang kapag may sumakit na naman sa katawan nito habang wala siya, tumawag sa opisina ni Rorric—bagay na sigurado siyang hindi rin nito gagawin dahil kung hindi nito maabala ang mga servant nila, malamang na hindi rin nito aabalahin ang ama niya.

"Father."

At gaya ng nakasanayan, nasa office table ito at nagbabasa na naman. Wala naman itong ibang binabasa kundi mga report sa Prios ng bawat pamilya. Pinag-aaralan nito ang lahat para alam nito kung ano ang uunahin at ano ang hindi pagtutuunan ng pansin tuwing may meeting.

"That immortal did a good job on keeping you alive, son."

At gaya rin ng nakasanayan, hindi na naman siya nito magawang sulyapan man lang kahit sumasagot sa kanya.

"The numen is carrying a monster, Father."

"We all know. And that monster gave you a reason to stay in bed all day."

"The numen will die because of that kid. It's too powerful for her."

"The family is expecting it, son."

"If she dies, Donovan will die as well."

"Let's call it a small sacrifice for the family."

"A . . . a what, Father?" Nagsalubong agad ang kilay ni Edric sa narinig.

Sakripisyo. Maliit na sakripisyo para sa pamilya.

Sumusunod si Edric sa desisyon ng pamilya. Iginagalang niya iyon. Pero higit kaninuman, isa siya sa may ayaw sa karamihan ng desisyon ng pamilya. Kaya hangga't kaya niya, ayaw niyang sumasawsaw sa usapan. Ang huling desisyon ng pamilyang kinasangkutan niya ay hindi talaga niya tinanggap nang buong puso—iyon ang ang pag-aalay sa kanya ng pamilya sa mga Dalca. At ngayon, mukhang may desisyon na naman ang pamilya na hindi ulit niya magugustuhan.

Nagtaas na ng mukha si Rorric at kalmado lang ang mukha nang tingnan nang deretso ang panganay na anak.

"The child of the First's Child will end the First's Testament, son," mahinahong paliwanag ng ama ni Edric. "This is not an heirloom. Not something to be transferred just because that kid has a blood of the First. The end of the Testament requires the death of the invincibles. The end of the Testament demands sacrifice of the greats."

"The family needs that Testament, Father. We are here because of that testament. That tenet keeps us alive until this era. We can't sacrifice them."

"Hahaha!" Tinawanan lang si Edric ng ama. Gusto sana niyang mapikon pero alam niya ang ugali nito. Wala naman talaga itong pakialam kay Chancey o sa chairman. Pinipili lang nito kung saan ito makikinabang.

"We need to kill that child, Father."

Biglang napahinto sa pagtawag si Rorric at tiningnan ang anak na parang may sinabi itong nakalilito.

"Did I hear you right, son?"

Seryoso si Edric sa gusto niyang mangyari. "That child is not yet formed well in the numen's womb. And I know I am not the only one who can sense its power. I will not wait for that monster to unleash its potential to end Prios." Akma na sana siyang tatalikod nang matigilan dahil sa tunog ng pagbagsak ng kamao sa mesa.

"Edric!"

Paglingon niya, sapat na ang nanlilisik na pulang mata ng ama para pagbantaan siya.

Pero hindi siya matitinag ng tingin nito. Matagal na niyang gustong mawala sa mundo. Wala na itong maipambabanta sa kanya.

Prios 4: Living with the VanderbergsWhere stories live. Discover now