22. Endless Night

1.7K 157 37
                                    


Kung may isang bagay na ayaw pag-usapan si Edric, iyon na malamang ang kung ano man ang nararamdaman niya para kay Chancey. Unang-una, dahil ayaw niyang umikot sa ideyang nagmamahal siya ng isang kalahating tao at kalahating ada—parehong uri na kinaiinisan niya sa mundo. Pangalawa, asawa ito ng pinsan niya. Kahit na gaano pa kahina ni Donovan para sa kanya, hinding-hindi niya aagawin ang pag-aari nito. Dahil kung para sa kanya ang isang bagay, ayaw niya nang may kahati roon.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman ni Chancey ang tungkol sa dahilan ng asul na mata para sa mga bampira. Tatlong taon na mula nang malaman niyang nagkakaroon lang niyon ang mga bampirang umiibig sa mga gaya nila. Alam na nga ng buong Prios ang tungkol doon ngunit dahil mas madalas pang mag-away ang dalawa kaysa magkasundo, wala nang nag-isip pa na magkakaroon ng magandang kahihinatnan ang kung ano man ang iniisip ng lahat na pagmamahal mula kay Edric para kay Chancey. Lalo pa't madalas pang hilingin ni Edric na mapalayas ang asawa ng chairman sa Prios kaysa hayaan itong magtagal doon.

Sa silid sa ikalawang palapag dinala si Chancey. Sumunod sila kay Gaspar na naghatid sa kanila roon. Hindi iyon kasing-enggrande ng kuwarto ni Edric sa Winglov, pero pansin nilang mas lumakas sila pagtapak doon. Simple lang ang silid, hindi ganoon kalawak at sinlaki lang ng kuwarto' ni Chancey sa Grand Cabin. May malaking puting kama sa gitna at upuan sa mga gilid na may magandang telang nakatakip na gawa sa sedang kulay berde. Walang bintana roon pero nararamdaman nila ang lamig ng hangin na nagmumula sa dingding na binabalot ng malalagong dahon. Gaya nga ng sabi ni Chancey, mas presko pa roon kaysa sa siyudad.

"Nasa labas lang kami ng aking asawa at nagtsa-tsaa," nakangiting paalam ng matanda. "Magsabi lang kayo kung may kailangan at papupuntahin ko agad ang mga kasama namin dito upang tulungan kayo."

"Salamat po," sabi ni Chancey at nginitian nang matipid si Gaspar bago nito isinara ang pinto.

Wala nang sabi-sabi, ibinagsak ni Edric ang sarili sa mahabang upuan sa gilid. Sa sobrang lambot niyon, tumalbog pa siya nang dalawang beses bago kumalma ang upuan. At masasabi talagang malaki siyang nilalang dahil kahit na mahaba iyon ay umabot lang sa likod ng tuhod niya ang sandalan ng braso ng upuan. Isinampay na lang niya ang mga binti roon habang nakatitig sa kisame na iniikutan ng maliit na liwanag na kulay asul at berde.

Kung siya lang ang tatanungin, wala siyang balak umuwi sa Winglov. Hindi dahil gusto niyang magrebelde, pero dahil sanay naman ang bahay nila nang wala siya roon. Mas madalas pa siyang matulog sa Prios building kaysa sa sarili nilang kastilyo. At dahil wala naman na sa Winglov ang numen, wala na rin siyang dahilan para magtagal doon.

"Edric, sorry nga pala sa papa mo."

Hindi man lang nag-abala si Edric na sulyapan si Chancey. Nanatili lang ang tingin niya sa kisame. "They're not gonna hurt him. Probably they put him in one of their nice townhouses nearby."

"Sure ba? Hindi ba siya ikukulong sa dungeon or something?" tanong ni Chancey, at dinig sa tono niya ang pagkahiya sa nangyari sa ama ng kasama.

"We don't put our family in total locked doors. Humans did that to us, and we're not going to do what those filthy creatures did way before the Prios established."

Dinig ni Edric ang malalim na buntonghininga ni Chancey at paglingon niya, naabutan niya itong nakatingin sa kanya.

"Salamat sa pagtulong mo sa 'kin. Pero alam mo namang mahal ko si Donovan, di ba?"

"Did I ask you about that?"

Ang lalim ng hugot ng hininga ni Chancey at napakamot na lang ng palad nang yumuko. "Ayoko lang kasing umasa ka."

"And you really think I am? Hah!" Mapait na natawa si Edric saka ibinalik ang pagkakatitig sa kisame. "That assumption is as ridiculous as you are."

Prios 4: Living with the VanderbergsWhere stories live. Discover now