6. The Cousin, the Chairman, and the Witch

2.2K 191 102
                                    


Sa norte na pinalilibutan ng iba't ibang klaseng halimaw na nasa anyong tao, hindi na bago sa mga taga-Prios ang mga taong biglang nagiging halimaw.

At hindi nga naman exempted doon si Chancey, lalo pa't umaasa silang lahat ng pagbabagong-anyo nito na hindi pa kahit kailan nangyayari.

Nakapasok ang limousine sa loob ng Helderiet at huminto agad ito sa harap ng mansiyon kung nasaan nakatambay si Chancey at yakap-yakap ang teddy bear ng chairman.

Nauna nang bumaba si Edric at nagmamadaling lumapit kay Chancey na ikinalaki ng mga mata ng babae.

"Show your true self to us, you monster!" galit na galit na sigaw ni Edric.

Biglang ngumiwi si Chancey na parang pinakain ng maasim na bagay matapos siyang sigawan ni Edric. "'Problema mo?"

"Give me the bear!" Marahas na inagaw ni Edric ang yakap na teddy bear ni Chancey at iniwas agad iyon.

"Hoy! Inaano na naman kita?"

Dinuro agad ni Edric si Chancey habang pinaniningkitan ito ng mata. "You planned to stay beside Morticia's room because she has so many teddy bears than I have. I know your kind, monster. You will stay where you can take more resources to consume."

Takang-taka naman si Chancey kung ano ang pinagsasasabi ni Edric sa kanya.

"Chancey, dear, I got your mochi!"

Biglang lumapad ang ngiti ni Chancey at binalewala si Edric. Tumakbo agad siya kay Donovan na pinapayungan ng driver at kinuha agad ang mga dala nito.

"Bakit hindi nakabalot?" reklamo pa niya dahil halos mabasa na ang mga kamay nito dahil sa pawis gawa ng malamig na pagkain. "Saan kayo bumili, bakit hindi man lang inilagay sa paper bag?"

"It was all they can offer to us," malungkot na sabi ni Donovan. "Is this enough for you? Do you want me to find more of these cold, small pillows?"

Mabilis na umiling si Chancey. "Hindi. Ang dami na nga nito e," sabi niya sa apat na pack na dala ng chairman.

"Tell me everything you want. I will hunt it for you."

"Grabe sa hunt! Diyos ko naman." Napatingin si Chancey sa puting limo na nasa likuran ng asawa. "Sa tindahan lang kayo pumunta, naka-limousine pa kayo."

"Chancey, the love of my life, the sunshine of my eternal mornings, are you really going to eat these things?" nag-aalalang tanong ni Donovan habang tinuturo ng tingin ang mga mochi na inuwi niya.

"Oo naman! Ano ka ba?"

Pagtingin nila sa direksiyon ng pintuan ng mansiyon, naabutan nila roon si Edric na ine-examine ang teddy bear.

"Yung pinsan mo, ano na naman ang topak n'on? Kumain na ba 'yon?"

"I don't think so. But he's as worried as I am."

"Worried saan?"

"Because you want to eat these small and cute pillows."

"Ha?"

Lalong nagtaka si Chancey habang nakatingin kay Edric. Pagtapat nila rito, ang sama na agad ng tingin nito sa kanya.

"I will never forgive if you ever try to eat these innocent fluffy things, mortal."

"Baliw," sabi ni Chancey sabay paikot ng mata.

Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng Cabin at hindi talaga binitiwan ni Edric ang teddy bear. Si Donovan naman, akay-akay ang asawa niyang kumakain na ng mochi.

Prios 4: Living with the VanderbergsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt