9. The Witch's Warning

2K 179 39
                                    


Kayang patayin lahat ni Edric para sa pamilya, at saktan na ng mundo ang lahat ng nakatira doon, huwag lang ang kapatid na si Morticia.

Malas lang niya dahil sa dinami-rami ng nilalang na mananakit dito, iyon pang bawal patayin ang nasakto sa kanila.

Hindi nakatulog nang maayos si Edric. Nakabantay lang siya sa pagtulog ng kapatid na napagod na lang sa pag-iyak sa mga teddy bear nito. Kahit anong patahan niya rito ay hindi ito tumitigil. Sinabi naman na niyang nagkasundo na sila ni Chancey na walang pagkain ng teddy bear na magaganap pero ayaw nitong maniwala.

Hindi raw ito maniniwala hangga't alam nito na nasa kabilang kuwarto lang ang halimaw na may balak ulamin ang teddy bear nila.

Patay ang mga ilaw sa Winglov tuwing gabi. Oras ng pahinga ng mga servant. Kung magbukas man ng ilaw, sa bawat kuwarto na lang.

Umakyat agad si Edric na bagsak ang mukha at dismayado sa lahat ng nangyayari sa kanilang magkapatid.

Masyado nang kinokontrol ng numen ang mga buhay nila. Nagawa na nito noong kontrolin ang buong Prios at ginagawa na nito ulit iyon sa kanilang magkapatid.

Huminto ang elevator sa kastilyo sa palapag na silid ng ama. Sarado ang ilaw pero bukas ang lampshade sa may mesa Naabutan niya ito roon na may mga binabasang papeles.

"What are you doing here, son?" tanong nito na hindi man lang siya inabalang sulyapan.

"Father, I will request for the numen's transferring of room."

"For what reason?"

"Morticia is worried sick about her little munchkins. She's not at ease even after I promised the numen will not consume the teddy bears in her room."

Pinandilatan agad ni Rorric ang mesa nang marinig na naman ang usapang teddy bear. "But Alastor said if she could eat the bears, then let her."

"My sister doesn't want that, Father. She's afraid about the possibility of the numen's bear ingestion. The depopulation of Morticia's bear in Winglov is at risk. There are only twenty-two of their kind, and each of the bears has a significance with my sister's viability. It will affect the Helderiet's sake if she wouldn't able to perform her assigned task to guard the mansion."

Napapailing na lang si Rorric sa paliwanag ng anak. May katwiran naman ito. At seryoso ito sa pakiusap. Maganda naman ang alok nito pero hindi talaga siya makapaniwala na nagkakaganito ang mga anak niya dahil lang sa simpleng laruan.

"Edric, son, you know we don't have another available room for the numen to stay here in Winglov."

"She could stay in my room, so I could guard her well. Morticia won't worry about her little munchkins if she knows the bears are in a safer place."

Ang lalim ng buntonghininga ni Rorric at napatango na lang. "If that's what you think is the best for this situation, then do what pleases you, son."

"Thank you, Father."

Iyon lang at bumalik na siya sa kuwarto ni Morticia para bantayan ito ang mga teddy bear na naroon.

Bihirang magsakripisyo si Edric. At gusto niyang may saysay ang bawat sakripisyong gagawin niya.

Buong magdamag niyang binantayan ang kapatid hanggang sa paggising nito. Sobrang lungkot ni Morticia at ayaw pa sanang bumangon nang dumilat pero nagpaliwanag agad siya.

"Rise and shine, my dear sister," malambing niyang pagbati rito.

"Brother?" Nilingon nito ang paligid at binilang agad ang mga teddy bear doon.

Prios 4: Living with the VanderbergsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora