21. The High Priest

1.7K 161 53
                                    


Kung titingnan mula sa labas, masasabing mas malaki pa nang di-hamak ang silid ni Edric kaysa sa bahay nina Mrs. Serena. Pero pagdating sa loob, sinalubong sila ng enggrandeng palasyo na halos tingalain ni Chancey mula sa may pintuan.

Hindi gaya sa Winglov na pulos puti at ginto ang masisilayan sa paligid, puro halaman, bulaklak, at gawa sa baging ang pundasyon. Para iyong palasyo na gawa sa malaking puno na may lumilipad na asul at berdeng liwanag sa paligid. Mula sa itaas, natatanaw ni Chancey ang matataas na haliging puro may nakahanay na libro. Lumilipad sa pasilyo ang mga hagdang gawa sa makinis na kahoy at lumilipat ng puwesto kada tatlong minuto.

"Huy, Edric, nakita mo na 'to?" bulong ni Chancey habang kinukurot ang bampira sa braso nito. "Ang laki rito sa loob. Parang kasinlaki ng kastilyo n'yo."

Ngumiwi lang si Edric kay Chancey dahil parang ignoranteng hindi pa nakakakita ng ganoong lugar.

"This is not the reason why we're here, though," sabi agad ni Edric at hinawakan na naman sa may batok si Chancey para pasunurin kay Gaspar na naglakad na pakaliwa—tinatahak ang makinis na daang gawa sa salaming may umaagos na asul na ilaw mula sa loob.

"Sabi niya, saserdote daw siya. Ano 'yon sa inyo?" usisa ni Chancey habang tinitingala si Edric na deretso lang ang tingin sa daan. "Sino ba siya?"

"Gaspar is the last of his kind. The immortal high priest of the family and one of the Prios founders."

"Founder din siya? OMG." Napatakip agad ng bibig si Chancey nang ituon ang tingin sa matandang lalaki. "E di kilala niya talaga si Papa. E di kilala niya rin si Poi."

Huminto ang matandang lalaki sa malaking arko na gawa sa baging na iniikutan ng kumikinang na paruparo. Nasilip nila roon si Mrs. Serena na naghahanda nga ng inumin mula sa sariwang prutas na kinakatas pa nito.

"Grabe, wala ba silang instant juice na huhugutin na lang sa ref?" mahinang sinabi ni Chancey kaya napasulyap na naman sa kanya si Edric. Pasimple na naman niyang itinulak ito para sumunod sa loob ng pinakakusina ng malaking bahay.

"Alam kong hindi pa kayo nakakakain," nakangiting sabi ni Gaspar at itinuro ang pabilog na mesa sa gitna para paupuin ang mga bisita nila. "Maghahanda ako ng pagkain para sa inyong dalawa."

Walang inimik si Edric pero nagtanong na naman si Chancey sa kanya. "Ano'ng kakainin mo? Mukhang puro lang sila rito halaman."

"Shut your mouth," simpleng utos ni Edric at halos itulak na naman si Chancey na hawak niya sa batok.

Amoy na amoy ang matamis na prutas na ginagawa ni Mrs. Serena. Hindi kahit kailan naisip ni Chancey na makakapasok siya sa bahay nito. At hindi rin naman inaasahan ni Edric na maisasama niya roon si Chancey, lalo pa't lugar iyon para sa kanya na masasabi niyang hindi siya pababayaan ng mga may-ari kahit palagi siyang pinagagalitan ng mga ito.

"Serena, did the family tells you something about the numen?" tanong agad ni Edric pagkaupo nila sa upuang gawa sa salaming may umaalon na asul na bagay mula sa loob.

"Tayo ang dapat na may sabihin sa kanila, hindi ba?" sagot ng matandang babae habang nagsasalin ng piniga niyang katas ng prutas sa isang baso na gawa sa kahoy.

Tinapik-tapik agad ni Chancey ang braso ni Edric saka ito lumapit para bumulong. "Huwag mo nang usisain si Mrs. Serena. Baka pagalitan pa lalo ako."

"I was the one talking to her. Why are you bothered?" naiinis na tugon ni Edric.

"Kasi nga, pagagalitan ako. Ikaw nga pinagagalitan na e, di ka ba nakakahalata?"

"Who even cares?"

Prios 4: Living with the VanderbergsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt