Prologue

9.9K 214 19
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Plagiarism is a crime

This story may contain grammatical and typographical errors.

This series can stand alone.

***

Prologue:

"Hoy! Bakla!"

Napalingon naman ako sa grupo ng mga kalalakihan na tumatambay sa isang tindahan.

"Wampipti lang daw sa kanya, oh." turo niya sa kaibigan nito. Nagtawanan naman sila at naghampasan ng damit nilang hinubad.

Umirap ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Mamayang gabi raw, hihintayin ka niya sa likod ng stage sa basketball court."

"Tumigil nga kayo! Hindi ako pumapatol sa bakla." rinig kong sabi ni Kevin. 'Yung lalaking binubugaw sakin.

Rinig ko naman silang naghagalpakan.

Natanaw ko naman na may nakaparadang kotse sa tapat ng bahay namin.

Sino kaya yan?

Nang makapasok na sa bahay ay nakita ko si mama na may kausap na lalaki. Tinapik pa ni mama ang braso nito dahil natawa siya.

Sino naman 'yang lalaki?

Pero infairness sa kausap ni mama, mala-Ian Veneracion ang itsura.

"Ma, here's the pandesal." sabi ko. Kaya sakin na ang atensyon ng dalawa.

Tumayo sila at hinarap ako.

"Anak, siya ang kinukuwento ko sayo na kasintahan ko."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko naimagine na gwapo pala ang kasintahan ni mama.

"Si Tito Gabriel mo."

Ngumiti naman sakin ang lalaki. I think nasa 40's na ang kanyang edad. Muntikan ko pang mabitawan ang hawak kong paper bag na may lamang tinapay, kase naman ang gwapo niya. Shet! Pwede ba Ma, akin na lang siya? Char.

"Hello po." nahihiyang bati ko.

"Nice to meet you, soon to be my step-son." nakangiting sabi niya.

Okay na sana yung nice to meet you, 'yung step-son nga lang ang panira. Pwedeng step-daughter nalang?

Wait.

Soon to be his step-son?

Tiningnan ko si mama na nakalingkis na ang kamay sa braso ng lalaki.

"Yes, you heard it right anak, ikakasal na kami." ngiting sabi ni mama.

Napanganga nalang ako.

Sa sumunod na linggo ay sinundo na kami ni tito Gabriel gamit ang kanyang van. Luluwas na kami ni mama ng Maynila dahil doon na kami titira sa bahay ni Tito Gabriel.

After mahigit six hours ng biyahe ay narating na namin ang bahay ni tito na nasa loob ng subdivision.

Namangha naman ako sa magandang bahay nito.

Ang ganda.

Dalawang palapag ito. The modern house painted of color beige and white.

"Ako na po nyan." sabi ko sa isang kasambahay nila. Bubuhatin na sana nito ang maleta ko.

Ako ang huling pumasok sa bahay ni tito Gabriel. Namangha ako sa ganda ng garden nila, ang daming flowers.

"Yohan, anak." tawag sakin ni mama. Binilisan ko naman na ang pagpasok sa bahay ni Tito.

"Welcome to your new home." ngiting sabi ni Tito Gabriel.

Tipid akong ngumiti. Pinasadahan ko ng tingin ang loob ng bahay niya.

Titira ba talaga ako dito? Hindi ako sanay na tumira sa ganito kalaking bahay.

Napabaling ang tingin namin sa lalaking bumababa ng hagdan.

"Oh, here's my son."

Parang nalaglag ang panga ko.

Para siyang younger version ni Tito Gabriel.

Ang gwapo.

Unti-unti ng lumapit samin ang lalaki. Inakbayan siya ni Tito Gabriel.

"Ken, meet your soon to be step-mother and step brother." pakilala samin ni Tito.

Tamad siyang bumaling kay mama.

"Hi, Ken." ngiting bati ni mama.

Inignora niya si mama at bumaling na ang kanyang mapupungay na mga mata sakin.

Luh! Ang tingin niya na sakin, para siyang nanghahamon ng suntukan.

**

My Bittersweet Home (Gay/StraightRelationship)Where stories live. Discover now