Sunud-sunod ang tango niya. "Opo, kamahalan. Sa katunayan po... Tagahanga po ninyo po!" mas masigla niyang sagot.

"Masyadong mahirap at mabigat ang ginagawa ng mga tagapaglingkod... Ayos lang ba sa iyo?" bakas na alinlangan sa boses ko.

"Opo, kamahalan. Matagal ko na pong nais na pagsilbihan kayo."

Hind agad ako nagsalita. Pinagmasdan ko siya. Base on her body frame, she's thin and she looks fragile for me. Pero naalala ko ang binanggit sa akin ni Ramas nang nagsparring kami, talagang gusto talaga ng kapatid niya na pumasok bilang isa sa mga lady-in-waiting ko. Isa pa ay pareho silang galing sa ordinaryong pamilya kaya tingin ko naman ay makakaya din niya ang mga gawain dito sa Palasyo.

"Sige, tatanggapin kita bilang isa sa mga tagapaglingkod ko." sa wakas ay nasabi ko din ang kasagutan.

Umaliwalas ang kaniyang mukha nang marinig niya ang aking pagsang-ayon. Sa hitsura niya ngayon ay kulang nalang ay magtatalon-talon na siya sa sobrang galak. "Maraming salamat po, kamahalan. Gagawin ko po ang lahat upang mapaglingkuran ko po kayo. Hinding hindi po kayo magsisisi."

Matamis akong ngumiti. "Aasahan ko 'yan, Binibining Regie."

"Mamaaa!"

Sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses. Pakiramdam ko ay sumigla ang pakiramdam ko nang marinig ko ang boses ni Ceca sa hindi kalayuan. Ang mga lady-in-waiting ko ay agad gumawa ng daan sa mga bagong dating. Bumungad sa akin si Ceca na punung-puno ng kasiyahan sa mukha nang makita niya ako. Agad siyang tumakbo palapit sa akin. Yumuko ako para salubungin siya ng mahigpit na yakap.

"Ceca!" masigla kong tawag sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Nwarito pwo akwo pwara mwakit ka pwo!" agad niyang sagot. "Sinamwahwan ko dwin pwo si papa! Ipinwaglutwo ka pwo namwin ng almwusal!"

Natigilan ako. Napasinghap naman ang mga maid sa paligid namin. Mabilis kong inilipat nag tingin ko sa pinto. Nakita ko na papasok palang si Otis, may hawak siyang tray na yari sa pila, may mga nakasunod naman sa kaniya na mga bulter na may mga hawak naman na silver platter. Seryoso, nagluto siya? Kaya pala wala siya sa tabi ko pagkagising.

"Magandang umaga, my rose." malambing na bati sa akin ni Otis nang nasa harap ko na siya. May kasama 'yon na matamis na ngiti. Mukhang maganda ang gising niya. "Natitiyak kong gutom ka na, kaya nagluto kami ni Ceca para sa iyo."

D'mn, bakit bigla kinikiliti ang puso ko sa narinig ko? Tumayo ako ng tuwid saka tumikhim ako. "Ano naman ang niluto ng aking asawa para sa akin?" may halong lambing din 'yon. Pero nakikita ko na pinipigilan ng mga maid at mga bulter na matawa sa pag-uusap namin ni Otis. I know, this is kinda unusual for an Imperial couple to do this such thing.

"Malalaman mo din, my rose." at talagang kinindatan niya ako, ha!

Ngumisi ako. Mas inilapit ko pa ang sarili ko sa kaniya. "Pero paano kung hindi 'yan ang gusto kong almusal, mayroon ka bang ibang suhesyon, kamahalan?" may kasamang mapanglarong tono. May kasamang mapang-akit na haplos sa kaniyang dibdib.

Napasinghap silang lahat. Si Otis naman ay laglag ang panga. Si Nesta naman ay agad lumapit kay Ceca para takpan ang magkabilang tainga nito kahit huli na. Okay, alam ko talaga na mawiwindang sila sa kilos at mga pinagsasabi ko.

Marahas niyang inilapag ang hawak niyang tray sa mesa na nasa kaniyang tabi. Nanatili pa rin ang mapaglarong ngiti sa aking labi. Now, he looks frustrated. Matalim niyang tiningnan ang mga maid at bulter. "Magsilabas kayo, ngayon din!" malakas niyang utos sa mga ito.

Bigla nagkagulo ang silid. Natarantang umalis ang lahat, pati si Ceca na walang kamalay-malay ay nagawa nilang tangayin palabas ng kuwarto. Kami nalang ni Otis ang natitira dito sa loob. Hindi pa rin nawawala ng kanina ko pang ekspresyon sa aking mukha. Walang sabi na pinulupot ni Otis ang kaniyang braso sa aking bewang. Napadikit ako sa kaniya nang tuluyan. Dumapo ang mga palad ko sa kaniyang dibdb. Tiningala ko siya.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon