Chapter 27 - End This Tonight

64 6 0
                                    

CHAPTER 27

End This Tonight

MAVI'S POV

NAKUYOM ko ang aking mga kamao habang pinagmamasdan lamang ang picture frame kung saan naroroon ang litrato naming magkakaibigan. Ako, si Maui, Ken, Maybelle, Ryan, Makoy, Cherus Ann, Via, Echo, at si Raihana. Sino-sino na nga ba ang nabawas? Ilan na lang kaming natitira? At bakit ba nangyayari sa amin ang mga bagay na ito? Mas lalo akong nagngitngit sa hinanakit at galit dahil wala man lang akong magawa. Akala ko noong mapatay namin si Aayi, magiging maayos na ang buhay naming lahat. Pero hindi man lang ako naabisuhan na umpisa pa lang pala iyon ng impyernong mararanasan namin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang tagpong hinahabol pa nila ako sa maisan. May mga sigawan at putok ng baril pa akong naririnig hanggang ngayon sa utak ko.

Hanggang sa ang naririnig ko nang boses ay ang palahaw at pagmamakaawa ni Raihana noong nasa loob pa kami ng bahay ni Aayi. Agad akong napamulat at napatayo. Napatitig na naman ako sa picture frame na nasa table ko lamang. Hindi ko pwedeng hayaan na may mabawas na naman sa amin. Wala na dapat mamatay at magdusa ng higit pa sa naranasan ko.

"I can't let you die like this, you spoiled brat," bulong ko sa sarili at hinagilap ang isang flashlight maging ang denim jacket ko. Kahit paika-ika'y nakababa ako ng hagdan. Dali-dali kong binuksan ang front door ngunit nagulat ako nang bumulaga sa aking paningin ang pupungas-pungas na si Ryan Bonagua. Napakunot ang noo ko.

"Anong ginagawa mo riyan?" tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot. Humikab muna siya bago sumagot pagkuwa'y tumayo na mula sa pagkakahiga sa mismong tapat ng pintuan ng bahay ko.

"Binabantayan ka. Ikaw, sa tingin mo saan ka pupunta ng mga oras na ito?" pagbalik niya ng tanong sa akin kaya mas nanggigil ako.

"Nasisiraan ka na ba? Ang lakas ng loob mong matulog rito sa labas. Paano kung pumunta pala rito 'yong serial killer at bigla ka na lang ginilitan sa leeg? Ako pa ang mapagbintangang kumatay sa 'yong hinayupak ka!" sermon ko at dinapuan ng sapak ang kabila niyang panga. Agad naman siyang umalma at sinamaan ako ng tingin.

"Hoy, Maria Aviva! Huwag mong iniiba ang sitwasyon rito dahil sa ating lahat, ikaw ang mas nalalagay sa kapahamakan. Nadadamay lang kami!"

Sa sinabi niyang iyon ay natameme ako at umiwas ng tingin.

"Mavi," aniya sa mahinahon nang tono ng boses na waring napagtanto ang sinabi niya sa akin. May punto naman siya.

"You're right." Napabuntong-hininga ako at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya. "That's why I'm doing this alone," dagdag ko pa at inayos ang suot na jacket upang hindi maramdaman ang malamig na simoy ng hangin ngayong gabi. Naramdaman ko ang paghabol niya sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin pa.

"Mavi, where do you think you are going?" Hinarap ko siya.

"I will save Raihana," walang kagatol-gatol kong sagot na naging dahilan ng pagngiwi niya.

"At this late at night? Nababaliw ka na nga talaga!" pagpigil niya sa akin kaya halos masapo ko ang aking noo.

"Mavi, ipagpabukas na lang natin 'to. Basta-basta na naman tayong susugod, tapos ano? Alalahanin mo ang kayang gawin ng mamamatay-taong iyon," aniya.

"At sinong may sabi na isasama kita? Kaya ko na ito," tanggi ko pa at nagpatuloy na muli sa paglalakad. " Isa pa, kung kaduwagan ang papairalin nating lahat, paano si Raihana?" Muli na namang umiba ang pakiramdam ko nang sumagi sa isip ko ang mga senaryong posibleng nangyayari na sa babaeng iyon ngayon.



THIRD PERSON'S POV

"Mavi! Hays." Naisapo na lamang ni Ryan ang dalawang palad at sinundan na rin ang dalaga dahil hindi naman niya ito kayang pabayaan na mag-isa.

"I told you that I am not your responsibility, Bonagua. So stop following me!" suwag ni Mavi nang mapansing sinusundan siya ng binata sa paglalakad. Medyo malayo na rin ang nalakad niya at masyado nang madilim ang tinatahak niya kaya hindi na siya nag-abala pang lingunin si Bonagua. Sigurado naman siyang si Ryan ito base sa pamaya't maya niyang naririnig na pagbuntong-hininga.

"Stop following me. They will kill you too. I am warning you," sambit pa ni Mavi. Nanatiling nakasunod si Ryan habang nakapamuls. Napahigpit ang kapit nito sa cutter na nasa bulsa lamang pala ng kanyang pantalon.

"Mas papatayin ako nina Maui kapag nalaman nilang pinabayaan kita," bulong na lamang ni Ryan at sinabayan na sa paglalakad ang kaibigan. Nagpakawala ng buntong-hininga si Mavi at tumingin sa dala niyang compass.

"By now, I'm afraid that something terrible is happening to Rai. We should hurry." Naging mabilis ang paglalakad ng dalaga kaya walang nagawa si Bonagua kundi sumunod rito.

"Bakit hindi na lang tayo humingi ng tulong sa mga pulis para mahanap si Raihana? Doon na lang tayo dumiretso ngayon kaysa sa plano mo." Binalak muli ni Ryan na baguhin ang isip nito ngunit nabigo siya.

"And do you think the authority would help and believe us? Fuck them all. Wala silang nagawang maganda sa Pinecrest, tandaan mo 'yan." Bakas ang inis sa tono ng boses nito. Tumahimik na lamang si Ryan.

Makailang minuto pa ang lumipas, tumigil sila sa hindi kalayuan ng napakalaking bahay malapit na sa talahiban. Tila muling bumugso ang ala-ala ng dalawa nang makita ang maisan na naging saksi ng paghihirap nila noong gabing iyon.

"Mavi," untag ni Ryan. Nabalik ang dalaga sa reyalidad at ipinilig ang ulo.

"Sasama ka ba sa loob?" tanong nito sa kanya. Napakunot ang noo ni Ryan.

"Don't tell me, papasok ka sa loob?"

Hindi na sumagot pa muli si Mavi. Bagkus ay gumuhit ang mapait niyang ngisi sa mga labi at napahawak sa kutsilyong kanina pa nakatago sa denim jacket niya.

"I'll end everything tonight. It's either life and death now."

"Mavi!"

Tumunog ang cellphone ni Ryan. Agad niya itong sinagot kahit bakas na ang pagkaaligaga sa boses.

"Bonagua? Nasaan kayo? Tumawag si Ken kasi nabasa niya ang message mo. Nasaan si Mavi?!"

"Dude, hindi ko masasagot iyang tanong mo ngayon pero ito lang ang masasabi ko. Kahit anong mangyari, mahal na mahal ko kayo."

"Tangina neto, nasaan nga kayo? Narito kami sa police station, pina-follow up na namin ang kaso ni Rai. Tell me, nasaan kayo?!"

"Hindi ko na rin alam. Pasensya na. Ipagdasal mo na lang na makaligtas kami ngayong gabi." Kahit nanginginig na ay nakuha pa nitong magbiro sa kaibigan bago tuluyang putulin ang tawag.

"Mavi, sobrang pasaway mo talaga. Pero nangako ako sa 'yong sasamahan kita hanggang kamatayan." Nakuyom ni Ryan ang kamao bago sundan sa malaking bahay ang dalaga na nauna nang pumasok kanina pa.

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon