PROLOGUE

291 20 5
                                    

PROLOGUE

MARIA AVIVA TRINITY DE VERA



"SOMETHING wrong is going on here in Pinecrest. I assure you. Iyong mga nawawalang kabataan dati, simula pa lang iyon ng lagim rito."

"Are you trying to say na ang mga sunod-sunod na pagpatay ngayon ay may kinalaman sa mga nawawala noon?"

Tumunog ang chain ng pintuan ng convenience store matapos ko itong pwersahan na buksan upang makapasok. Namataan ko sa counter ang cashier at isang customer na nagchi-chismisan. May pagka-conyo pa ang isa kung magsalita. Kapwa sila napatingin sa akin habang nakaawang ang bibig at nanlalaki pa ang mga mata. Nagulat ata sila sa pagdating ko. Sa halip na batiin, dire-diretso ako sa corner ng mga groceries upang bumili ng stocks.

"Hindi na talaga ligtas rito sa Pinecrest. Pakiramdam ko darating rin ang oras na mauubos tayo rito."

"Grabe ka naman. Huwag kang magsalita ng ganyan."

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mga sinasabi nila. Kahit pa ata hinaan nila ang kanilang mga boses, alam ko na kung tungkol saan ito. Ang mabilisang paglaganap ng krimen rito sa lugar namin.

Humugot muna ako ng buntonghininga bago humablot ng ilang potato chips, can of soda, cup noodles, at iba pang stocks na kailangan ko sa buong linggo. Inilagay ko itong lahat sa pushcart. Kailangan kong punuin ang refrigerator para hindi na ako magpabalik-balik rito sa town proper. Bukod sa malayo at mahaba ang biyahe, natatakot na rin ako para sa buhay ko. Matapos makuha lahat ng essentials sa mga estante, napagpasyahan kong tumungo na sa counter para ipa-punch ang mga ito. Tulad ng inaasahan, hindi pa rin natatapos ang pag-uusap ng dalawa. Buti na lamang at ako lang ang customer nila ngayon kaya hindi ko na kailangan na pumila.

"Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Goodness, Vicky. Umuwi ka na nga lang. Dinadaldal mo pa ako. Baka maabutan pa tayo rito ng manager," giit ng cashier at pinagtulakan na ang kaibigan palayo sa counter. Gumayak na naman ang huli at pinagbantaan pa ito.

"Basta, mag-iingat ka sa pag-uwi mamaya, ha. Anong oras ba ang last shift mo?" tanong nito sa cashier at binuhat na ang paper bag ng mga pinamili.

"Eight o'clock ng gabi," tipid na sagot ng cashier sa kanya. rumihestro ang pag-aalala sa mukha ng babaeng tinawag niyang Vicky.

"Gusto mo hintayin na lang kita?" Ngumiti lamang ang cashier sabay iling.

"Umuwi ka na. Kaya ko naman ang sarili ko," tanggi nito.

Hindi na sumagot pa ang babae at alinlangan na lamang na tumango bago maglakad palabas nitong convenience store. Pinagmasdan muna ng cashier ang kaibigan na makasakay ng taxi bago ako tapunan ng atensyon. Narinig ko pa ang malalim niyang pagbuntonghininga.

Sinimulan ko nang ilapag sa counter ang mga pinamili ko.

"Groceries for your family, Ma'am?" nakangiti niyang tanong nang magsimula na siyang mag-punch. Napahalukipkip ako bago sumagot.

"No. I'm living alone," sagot ko dahilan para tumango siya. Hindi siguro siya makapaniwala na para lang sa akin ang lahat ng mga products na ito. Tinitigan ko ang pangalan na nakaburda sa kanyang uniporme. It's Milady.

"Hello, Milady!"

Kapwa kami napalingon sa nagsalita. Muling tumunog ang chain sa pintuan sa pagpasok ng isang matabang pulis. May kaedaran na rin ito base sa hitsura. Malawak ang ngisi niya habang nakasuot pa ng cowboy hat. Hindi ko alam kung anong trip ng isang ito. Ang tanging alam ko lang, kahit pulis siya, hindi ko siya mapagkakatiwalaan.

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Where stories live. Discover now