CHAPTER 5 - The Stolen Death Card

69 9 0
                                    

CHAPTER 5

The Stolen Death Card

ILANG pagpindot sa doorbell ang ginawa ko bago ako tuluyang pagbuksan ng isang petite na babae. Wari ko'y nasa kwarenta na ang edad niya. Nakasuot ito ng apron at bakas sa mukha ang pagtataka nang makita ako. Nakasuot kasi ako ng facemask, itim na cap at isang hoodie na kulay gray. Tumikhim muna ako bago bumati.

"Magandang hapon po. Andiyan po ba si Ken Rapana?" magalang kong tanong ngunit sa halip na sagutin ako, agad niyang binalak na isarado ang gate. Mas mabilis at maliksi pa rin ako kaysa sa kanya kaya nagawa ko siyang pigilan.

"Sandali lang ho, 'Nang. Kaibigan ho ako ni Ken," wika ko pa na naging dahilan para maigala niya ang paningin sa paligid bago mapatitig sa akin. Parang may kinatatakutan siya.

"Wala ang mga magulang niya ngayon. Mahigpit na ipinagbilin sa amin na huwag na huwag ngayon magpapapasok ng kahit na sino dahil day off ng mga pulis at wala kaming bantay," nanginginig ang boses niya sa kaba.

Saka lamang nag-sink in sa akin na wala nga akong nakitang kahit na sinong gwardiya ngayon sa tapat ng bahay nila. Marahil nasa lamay ang mga ito ngayon ng pulis na kakamatay lamang.

Minabuti kong itaas ang magkabilang braso bilang pagsuko. Sa kabila kong kamay ay hawak ko na ang aking cellphone at naka-dial na ang number ni Ken dahil alam ko nang mangyayari ito. Kailangan ko ng confirmation niya na pwede ko siyang mabisita ngayong hapon. Nakatitig pa rin sa akin ang babae habang panay ang pag-ring sa kabilang linya. Makailang minuto lamang at sinagot na ito ni Ken.

"H-Hello? S-sino 'to?" Naningkit ang mga mata ko nang mapansing balisa ang boses niya.

"Please, if it's a prank call, I don't really give a damn."

"Ken, it's me." Mahinahon ang naging boses ko at hindi mapigilang mahilot muli ang sintido. Ilang segundong walang response mula sa kanya kaya nabahala na ako.

"I'm here outside to visit you. C-can you let me in?" halos pabulong kong sambit. Nakarinig ako ng kalabog na parang nagmamadali pababa ng hagdan. Nakahinga ako ng maluwag.

"Sure, wait lang. I bet Nanang wasn't able to hear your doorbell," he said over the line. I clicked the loudspeaker.

"You don't have to go out, Rubber Ducky. Nanang will let me in." I said in a loud tone of voice enough for the old woman to hear that I'm talking to Ken.

"Oh, okay. Just please tell Nanang to lock the main gate if you are already in," paalala niya. I immediately ended up the call and gave the old woman a wide smile.

Wala siyang ibang nagawa kundi muli akong pagbuksan ng gate at hinayaang makapasok sa loob. Pinagmasdan ko ang up-and-down na bahay sa harap ko ngayon. Narinig ko rin ang pagsarado ni Nanang ng gate.

"Muntikan na kaming pasukin rito noong isang gabi. Nasira ang back gate at pinto ng kusina kaya doble ingat na ang ginagawa namin," kwento ng babae habang iginigiya ako papasok ng mismong tahanan.

"Mavi!"

Lumapad ang ngisi ko nang makita si Ken na naghihintay sa sala. May hawak siyang remote ng TV at sa ibabaw naman ng mesa'y nakapatong ang ilang lesson plan maging ang makakapal na libro.

"Long time no see, Sir Ken," bati ko at tinabihan siya sa sofa. Siya naman itong napawi ang ngiti sa mga labi at binitawan ang remote.

"I'm no longer a teacher, Mavi. I resigned a month ago," sagot niya dahilan para kumirot ang puso ko. Halata sa mukha niya ang panghihinayang sa sinumpaang trabaho.

"You should not let that fucking death card hinders your profession. I mean, it's given that you can't attend face-to-face classes with your students but it's okay to try the other way. Like, hosting online class, I guess," I explained but he just shook his head.

"Not at all. I already made up my mind. Ayoko pang mamatay." Tinitigan niya ako sa mga mata at sa puntong iyon ay nakikita ko ang matinding takot na kanyang nararamdaman. Agad akong napaiwas ng tingin.

"The other Fire Breathing Rubber Duckies can't make it today. So I decided to visit you by myself. Afterall, napakatagal na rin naman kitang hindi nakikita at baka magtampo ka na sa akin," pag-iiba ko ng usapan na may halong biro. Humalakhak lamang siya.

"Gusto ko na rin sanang lumabas para naman magkasama-sama na ulit tayong lahat. Kaso, natatakot ako para sa buhay ko. Ayokong madamay pa kayo rito."

Napasandal ako sa sofa dahil sa panghihina.

"Do you still have the card with you? Can you show me what the death card looks like?" I almost whispered. Sandaling katahimikan ang namayani at mayamaya'y tumayo siya mula sa pagkakaupo.

"Come with me upstairs. I'll show it to you."





"YOUR room is incredible. Are you a fan of Pokemon?" komento ko nang buksan niya ang pinto at tumambad sa akin ang malinis na kwarto na tadtad sa posters ni Pokemon. Hindi ito kalakihan pero bawing-bawi sa kulay at disenyo na purong kulay dilaw.

"You should know it, Mavi. Parang hindi kaibigan, e. Remember my costume way back in our Christmas Party? It's hella crazy none other than, Pokemon," nakangiwi niyang paliwanag. Natawa naman ako roon. Hindi naman kasi halata na adik sa Pokemon ang isang ito kapag magkakasama na kami.

"Whatever. Just show me the card right away," giit ko na lamang habang iginagala pa rin ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita sa study table niya ang picture frame ng buong Fire Rubber Duckies squad. Ako, si Raihana, Maui, Ryan, Makoy, Via, Cherus Ann, Jericho, Maybelle, at Ken. We were so happy and complete before. How I miss the good old days. I smiled bitterly.

"Mavi, may problema," ani Ken habang isa-isa nang binubuksan ang drawers niya. Nakunot ang noo ko.

"The card is missing. Alam ko, dito ko lang iyon inilagay." Naging aligaga na siya sa paghahanap.

"What? That's impossible. Baka kung saan mo lang naitago."

"No. Sigurado ako sa pinagtaguan ko. Hindi ako pwedeng magkamali."

Hindi na ako nakasagot pa. Habang abala siya sa paghahanap sa kanyang mga drawers at cabinet, isang bagay lamang ang nakatawag ng atensyon sa akin at iyon ay ang gumagalaw pang kurtina ng bintana kahit wala namang hangin. Mas nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa pagtataka. Agad akong lumapit roon at hinawi ang makapal na kurtina.

"What the hell? Someone sneaked in to your room!" bulalas ko kaya naagaw ko ang atensyon niya. Dali-dali siyang lumapit sa tabi ko at kinilatis ang crack ng babasaging bintana. Waring pwersahan pa itong binuksan.

"Tangina," mahina niyang bulong at parang hindi makapaniwala.

"Ken, let's call the police right away. Hindi ka na talaga safe rito."

Imbes na pansinin ang sinabi ko, nanatili siyang tulala habang nakatingin sa labas ng bintanang ngayon ay bukas na.

"I don't know why he or she is after that death card. But one thing is for sure. His or her life is the one that's in danger right now and not mine anymore," he whispered in between his breath that made my knees get weaken and tremble.

Isang bagay pa ang nakakuha ng atensyon ko. Agad kong pinulot ang isang kabiyak na hikaw. Aksidente ata itong nasabit sa kurtina nang magtangka nang tumakas ang salarin. Pinakasipat-sipat ko pa ito at naningkit ang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang mapagtanto ko kung sino ang nag-iisang may-ari nito. Nasisiguro kong siya iyon dahil siya lang ang bukod tanging nagsusuot ng hikaw sa aming mga babae.

"It's Cherus Ann," I mumbled that made Ken's eyes grew bigger in consternation.

"W-Why would she do this?"

"That's what we're gonna find out," I said and slipped the piece of earring inside my pocket.

***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Where stories live. Discover now