CHAPTER 2 - Week "Weak" Day

97 9 1
                                    

CHAPTER 2

Week "Weak" Day


"REMEMBER to stick with the plan," paalala ni Raihana at tinitigan kami isa-isa.

"Kailan natin bibisitahin si Ken?" tanong ni Makoy.

"Maybe after this week. Let's just give him a surprise visit. Knowing Ken, kapag nalaman niyang bibisitahin natin siya, pagbabawalan niya tayo. Alam niyang nasa peligro rin ang buhay natin. Pero mas nanganganib siya ngayon," paliwanag ni Cherus Ann at sinukbit na ang kanyang bag para humanda sa pag-alis namin. Uuwi na kami pagkatapos nitong meeting.

"Yeah. We know. I think we are all set with the plan. Basta ang una, bibisitahin natin siya. He really needs our company right now," gatong pa ni Bonagua. Nagsitanguan sila maliban sa akin. Nabaling tuloy sa akin ang atensyon ni Rai dahil sa naging reaksyon ko.

"Don't tell me you have other plan in mind, Mavi?" usisa niya kaya napatingin ako sa kanya. Kilalang-kilala talaga niya ako.

"Instead of visiting him every day, why don't we try the other way?" suhestiyon ko dahilan para lahat sila ay mapatingin sa akin. Nakunot ang noo ni Maui.

"Like finding the killer of Pinecrest, I guess."

Dahil sa sinabi ko, napaawang ang mga bibig nila at hindi makapaniwalang napatingin sa akin.





"KAYA mo ba talagang mag-isa rito?" may pag-aalalang tanong ni Bonagua. Siya na kasi ang naghatid sa akin hanggang rito sa bahay dahil sina Via at Cherus Ann na ang isinabay ni Rai kanina.

Tumango na lamang at binuksan ang gate.

"Yeah. Ikaw ang tatanungin ko kung kaya mo bang umuwi mag-isa? Duwag ka pa naman," sambit ko sabay sulyap sa suot kong wristwatch. Mag-aalas syete pa lang naman ng gabi. Usually, we lock doors and windows here in Pinecrest at exactly eight in the evening for unknown reason. Naniniwala kaming sa ganoong oras lumalabas at gumagala ang serial killer. But sometimes, I doubt how the media and the government handle this issue. Maniniwala lang akong may totoong serial killer kapag nakita ko siya gamit ang dalawang mata ko. Pero hangga't walang pruweba, maniniwala akong ang mga lintik na pulis na iyon ang nasa likod ng lahat ng kaso ng pagpatay sa lugar na ito. Sila lang naman ang kahina-hinala at maaaring pagbintangan.

"Kung duwag ako, hindi sana kita ihahatid ngayon," pagmamayabang ni Bonagua kaya napangiwi ako.

"I don't see the connection. But anyway, please be safe. Message me once you get home," sabi ko at tipid na napangiti.

"Good night, Mavi," nahihiya niyang wika at napaiwas ng tingin.

"Have a good night too." Kumaway ako at pinagmasdan ko siyang paandarin ang motor. Humarurot ito palayo. Saka lamang ako tuluyang pumasok sa gate nang mawala na siya sa paningin ko.

Tahimik na paligid ang sumalubong sa akin pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay. Binuksan ko ang ilaw at dumiretso sa kusina para maghanap ng makakain. Dahil likas na tamad magluto, nauwi na naman ako sa isang box ng cereal. Itinaktak ko ito sa bowl at binuhusan ng gatas. Dali-dali akong tumakbo papunta sa sala upang buksan ang TV. Gusto ko munang malibang kahit na ngayong gabi lang. Gusto kong maalis muna sa utak ko ang lahat ng napag-usapan namin ngayon. Ayokong dumating na naman sa puntong lamunin na naman ako ng pag-aalala at lungkot. Mahirap pa naman ang mag-isa.

Agad kong dinampot ang remote at inilipat ang channel. Ngunit saktong paglipat ko'y isang balita ang umagaw sa atensyon ko.

"Isang babae naman ang natagpuang wala nang buhay sa loob mismo ng pinagtatrabahuhan niyang convenience store. Kinilala ang biktima na si Milady Servantes, 22 years old, isang cashier. Hindi matukoy kung sino ang salarin sa karumal-dumal na krimeng ito dahil pati CCTV, dinamay umano ng suspek. Samantala---"

Sa hindi malamang dahilan, waring nanigas ako sa kinauupuan at nanginginig na hinablot ang remote upang patayin ang TV. Ipinatong ko sa mesa ang bowl ng cereal at aligagang inilock ang main door. Sinigurado ko ring nakapinid ang mga bintana. Nang masigurong sarado na ang lahat, hindi ko mapigilang mapasandal sa pader at masapo ang noo. Nanghihina ako sa nabalitaan ko.

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyong cashier ng convenience store sa town proper. Napalunok-laway ako at tinamaan ng kaba. This can't be happening.

Napakislot ako nang marinig ang alarm ng hawak kong cellphone. Nanggigil ko itong pinatay.

"Pota," mura ko na lamang sa sarili dahil maging ako, napa-paranoid na rin. Lumunok-laway muna ako bago muling buhayin ang phone para tawagan si Raihana.

"Hello, Mavi? Are you home?" bungad niya tulad ng nakagawian. Naglakad na ako para makaupo sa sofa habang kausap pa siya.

"Have you watched the news?" tanong ko kaagad.

"Uhm, no. But my little brother did. He already told it to me. Fudge, I was so scared for my life right now. We never know who's the next?" dire-diretso niyang sambit. Ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga.

"Hell, yeah. And honestly, I only have one suspect in mind if you let me speak," wika ko. Sa puntong iyon ay hindi na nakasagot si Raihana.

"Mavi, I don't know what you are thinking. But whatever bullshits you have in mind right now, please tell your braincells to burn that out because we're not after the serial killer. We are after the life of every Rubber Ducky," mahaba niyang litanya kaya nahilot ko ang sintido ko. Iniisip pa rin talaga niya ang mga sinabi ko kanina sa meeting.

"Rai, hindi mo ako naiintindihan. Patayan na ang nagaganap rito at hindi simpleng pagkawala lang. Our friend, Ken even received the fucking death card from whoever is that fucking demented murderer? What are your expected reactions from me? Ang bisitahin lang siya hanggang sa dumating na ang hatol sa kanya ng siraulong iyon? No way!" I tried to remain calm but my voice just can't. Masyado lang ako nagulat. Akala ko kasi pagkatapos ng lahat, magiging tahimik na ang Pinecrest. Pero iyon ang pinakamalaking akala namin. Nag-uumpisa pa lang pala. Mula ito sa simpleng mga nawawala hanggang sa may namamatay na.

"Then what are you going to do? Hunt that serial killer? Fudge, Mavi. Just remember what happened to us a year ago for following your instinct. Kung noon, maswerte tayong nakaligtas, baka ngayon matuluyan na tayo." Ramdam ko na ang pagtitimpi ng boses niya habang kausap ako.

"I'm just doing everything to protect you all. I hope you understand that, Raihana." I received no response from her, just her sounds of sniffing in between her sighs. I feel so guilty for being mad at her. Dapat hindi na ako tumawag para pilitin siya sa ganito.

"I'm sorry for disturbing you. Just forget everything I said to you tonight" There was a moment of silence. I was about to end the call when she talked back.

"Tell me how may I help you with this. You are not alone in this battle, Mavi. Remember that the squad will always be with you." Hindi ko mapigilang mapangiti at maluha dahil sa sinabi niya. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago muling sumagot.

"To the police station tomorrow."



***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon