CHAPTER 11 - Caught Off Guard

57 8 2
                                    

CHAPTER 11

Caught Off Guard

"DON'T stop running!" sigaw ni Bonagua sa akin habang hawak nang mahigpit ang kamay ko. Siya na ngayon ang nangunguna sa pagtakbo at paghahanap ng shortcut papunta sa pinakamalapit na main highway. Palibhasa, lumaking lampa, pamaya't maya akong napapadapa at natatapilok. Kung wala siguro kami sa bingit ng kamatayan ngayon, tinatawanan na ako ni Ryan.

"Get up. Hurry! They're almost here!" Sapilitan niya akong binangon mula sa pagkakadapa at kinaladkad sa mas masukal na parte ng talahiban. Napapangiwi ako sa sakit lalo na't napakatalim ng talahib at pakiramdam ko'y dumadaplis na ang mga ito sa balat ko kahit nakasuot pa ako ng denim jacket. Gusto ko nang maiyak.

"Let's rest for a while," ani Ryan at binitawan ang aking kamay nang mapansing tahimik na ang daang tinahak namin kanina. Agad kaming tumigil sa pagtakbo habang hingal na hingal. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Napakadalim. Wala akong makita. Wala na ring liwanag at mga halakhakan. Sobrang tahimik. Tanging huni lang ng mga kuliglig at palaka ang naririnig namin. Sinabayan pa ang mga ito ng napakabilis na tibok ng puso ko. Sinuntok ko ang naninikip na dibdib at bumuga ng hangin.

"Pucha, ang motor ko," nanghihinayang na sambit ni Ryan habang sapo ang mukha. Napaiwas ako ng tingin.

"I'm sorry," hingi kong paumanhin. Kung hindi ko sana siya isinama rito, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Nadamay pa siya sa katangahan ko. At ngayon, nanganganib na rin ang buhay niya. I'm always the black sheep in our squad. I admit it wholeheartedly.

"You made no mistakes, Mavi. It's okay," aniya at ngumiti nang tipid. Tanging bulungan lamang namin ang maririnig sa gitna ng malawak na talahiban. Hindi ko mapigilang mapahikbi sa sobrang tensyon na nararamdaman kanina pa.

"Here, take my hand. Napakaiyakin mo talaga," nakangiwi niyang sambit at inalalayan ako sa paglalakad. Medyo maputik na rin sa parte ng dinaraanan namin.

Ngunit isang ingay ang nagpatigil sa aming paglalakad at halos magpahigit ng aming mga hininga. Nagkatinginan kami, kapwa nanlalaki ang mga mata at nanginginig.

"H-have you heard that?" kinakabahang bulong ni Ryan. Humigpit ang hawak ng kamay namin sa isa't isa. Alinlangan akong lumingon sa pinanggalingan namin.

"T-They're coming. R-run!" anunsyo ko at kumaripas na ng takbo. Sa ikalawang sandali, halos madapa na naman kami sa kakatakbo makatakas lamang sa humahabol sa amin. Tagaktak man ang pawis at halos hindi na makahinga, mas pinili pa rin naming huwag tumigil.

Hindi na ako nakatiis pa't nagtanggal na ng sapin sa paa. Maging si Ryan ay ginaya na rin ang ginawa ko. Wala na akong pakialam kung masugatan na rin ang aking talampakan. Ang mahalaga, makalayo kami rito at makatakas.

"Oh, shit!" mura ko nang mapaatras kami pareho matapos makarinig ng napakalakas na ingay ng motorsiklo.

"No! That could be a help," giit ko pero hinatak lang niya ako paatras.

"No, Mavi. Walang matinong tao ang pupunta rito sa talahiban para magmaneho ng motor," kontra niya dahilan para kabahan ako.

Isang kakaibang liwanag ang sumalubong sa amin dahil sa paparating na sasakyan. Naging dahilan ito upang mapapikit kami nang panandalian. Nakakasilaw ito. Napakasakit sa mata.

"Dapa!" sigaw pa ni Ryan kaya otomatiko kaming dumapa sa maputik na lupa. Sa isang iglap, sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan ng taong nakasakay sa motor.

Hindi ko na napigilang tumili at matakpan ang magkabilang tenga gamit ang aking mga kamay. Ayokong magpaawat sa kakatili sa pagbabakasakaling may makatutulong sa amin kahit alam kong wala. Malayo kami sa kabahayan. Malayo ang mahihingian namin ng tulong. Katapusan na ata naming dalawa.

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon