CHAPTER 12 - After I'm A Goner

52 9 0
                                    

CHAPTER 12

After I'm A Goner

HUMULAGPOS ang kamay ni Ryan at tuluyang nabitawan ang kamay ni Mavi. Sa puntong iyon ay tuluyan na ring lumubog ang pag-asa niyang masagip ang dalaga. Maging siya'y hindi nasisiguro kung mabubuhay ba siya sa napakalakas na agos ng tubig. Hindi siya makahinga. Wala siyang mahawakan na pangsuporta. Dire-diretso ang pag-agos kaya wala siyang nagawa kundi ang magpatangay na lamang. Halos manlumo siya at walang nagawa kundi mapaiyak na nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril.

"Mavi," bulong niya at hindi na napigilang tumulo ang luha. Tahimik siyang tumangis habang nakahawak sa malapit nang mabali na sanga ng bayabas. Napatingala siya pagkuwa'y suminghap habang inaalala ang dalaga. Napakaraming tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Ano na ang nangyari kay Mavi pagkatapos siyang itulak nito? Bakit siya umiiyak at nagtatago ngayon imbes na balikan ang kaibigan? Kung babalik siya, buhay pa ba niya itong maaabutan? Napakaduwag niya at tanggap niya iyon sa sarili. Hindi niya inakalang aabot ang lahat sa ganito gayong gabi.

Nanatili siyang walang kibo. Pinapakiramdaman lamang niya ang lamig na nagmumula sa napakaruming tubig na kinaroroonan niya. Pamaya't maya siyang sumisinghot. Hindi niya matanggap ang nangyari. Hindi rin niya alam kung may mukha pa ba siyang ihaharap sa kanyang mga kaibigan. Ano ang sasabihin niya kapag tinanong siya ng mga ito kung nasaan si Mavi?

Mayamaya'y narinig niya ang mga halakhakan ng dalawang lalaki. Kasunod nito ang tunog ng papalayong sasakyan. Mas naiyak siya. Sa sobrang pagod at panghihina, aksidente siyang napabitaw sa pagkakahawak sa sanga at kusang inanod ng malakas na tubig ang katawan niyang wala nang malay.








"FUDGE! Why did you let them do that? You're being too much, Makoy!" sermon ng nanggagalaiting si Raihana habang pilit tinatawagan ang cellphone number ni Mavi na out of coverage na. Hindi pa ito nakontento at ang number naman ni Ryan ang tinawagan niya. Napapadyak na lamang sa inis ang dalaga nang mapagtantong dead call rin ang binata.

"Shit. This should not be happening," bulong niya at problemadong nasapo ang noo. Wala namang imik si Makoy na nakatungo lamang habang nakaupo sa sofa.

"Sorry. She promised that she will buy me three boxes of pizza and cans of soda if---"

"And now her promise won't be granted anymore because she's out of reach. Kagabi pa!" galit na bulyaw ni Raihana. Kanina pa niya pinipigilan ang nararamdamang emosyon pero pakiramdam niya'y sasabog na rin siya mayamaya.

"At ang gagong Bonagua na iyon, hindi porket gusto niya si Maria Aviva, susuportahan na niya ang plano kahit alam niyang mali sa una pa lang! Fudge!"

"Calm down, Rai," pagpapakalma ni Via kay Raihana na naghe-hysterical na sa kakasigaw. Hindi ito mapakali. Maging si Maui ay sinubukan na ring tawagan ang dalawang nawawala ngunit bigo rin siya. Naihilamos na lamang ni Ken ang magkabilang palad sa mukha.

"C'mon, this is not the right time to act like this. We are still mourning for Cherus Ann's loss. Let's just pray that Ryan and Mavi are safe," kalmadong giit ni Ken kahit bakas sa boses ang pag-aalala. Nabalot sila ng katahimikan. Lahat ay problemado. Halos lahat sila'y nakatulala lamang sa sala ng bahay ni Mavi. Naghihintay, umaasa, nababahala sa kung ano na ang nangyari sa dalawa. Napilitan pa silang iwan muna pansamantala ang lamay ni Cherus Ann dahil rito.

"This is your fault, Makoy. You should have said everything to me before they went away." Dinuro-duro ni Raihana ang nananahimik na si Makoy. Halos maiyak na ang binata dahil sa pagsisisi.

"Stop it, Raihana. It's not Makoy's fault," pagtatanggol ni Via pero sinamaan lamang siya ng tingin ni Raihana.

"You shut up because you are not helping here!"

"Guys, can you just please shut the fuck up?! Blaming someone isn't the solution! So please, lower down your pride dahil lahat tayo walang ambag rito!" sigaw ni Maui na halos mag-echo na ang boses sa apat na sulok ng sala. Muling natahimik ang lahat at napatungo.

Napabuga ng hangin si Raihana dahil sa sama ng loob at marahas na pinunasan ang namumuong luha sa mga mata. Muli niyang sinubukan na tawagan si Mavi. Ngunit wala talaga. Sa bandang huli'y sumuko na rin siya at pabagsak na naupo sa sofa tulad ng iba.

"G-Guys?" nauutal na tawag ni Ken sa mga kaibigan at aligagang napatayo nang may mapansing kakaiba mula sa labas ng bintana.

Sabay-sabay silang napalingon sa bandang labas habang naniningkit ang mga mata. Hindi nila masyado maaninaw ang pigura ng taong paparating dahil napakakapal ng hamog.

"W-Who's coming?" aligagang tanong ni Via at namumutla na.

"It's Bonagua," nakaawang na sagot ni Makoy at nanlaki na ang singkit na mga mata. "They're alive!" dagdag pa niya.

Sa puntong iyon ay halos mag-unahan sila sa paglabas ng bahay masalubong lang ang paparating na si Ryan. Suot ang sweater, nakisunod na rin ang kanina pang nag-aalala na si Raihana para tingnan ang kaibigan.

"Ryan!" tawag ni Ken sa nakatalikod na binata. Dahan-dahang isinara ni Ryan ang gate pagkuwa'y wala sa loob na humarap sa mga kaibigan niya. Ang kaninang malawak na ngiti ni Makoy ay kusang naglaho nang mapagtantong nag-iisa lamang itong bumalik.

Tulad ng inaasahan, nakita niya ang pagrehistro ng gulat at pagtataka kina Maui, Ken, Via, Makoy, at Raihana nang makita ang kalunos-lunos niyang hitsura. Napakaraming galos sa mga braso at binti. Kapansin-pansin rin ang panginginig niya dahil sa lamig. Basang-basa ang suot niyang T-shirt na ngayo'y nanlilimahid na sa putik. Bukod roon, bugbog-sarado rin ang mukha niya. Hindi niya mapigilang mapaiwas ng tingin.

"W-What happened? Where's Mavi?" Agad hinawi ni Raihana ang nakaharang na si Maui at siya ang humarap sa walang imik na si Ryan. Hindi na ito nakapagpigil at kinuwelyuhan na ang binata. Todo awat naman si Maui sa dalaga.

"Where is Mavi?! What did you do to her?!" sigaw pa nito ngunit kahit anong titig ni Raihana, siya namang iwas ng tingin ni Ryan dahil hindi niya ito kayang tingnan dahil sa napakalaki niyang kasalanan.

"Answer me, you, fudge!"

"Rai, calm down!" Imbes na sundin ang utos ni Maui, mas nanggigil lamang siya. Hindi niya binitawan si Ryan hangga't hindi sumasagot. Desperada siyang malaman kung nasaan si Mavi.

Napapikit si Ryan bago tuluyang magsalita. May luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. Binitawan niya ang mga katagang kanina pa nagpapasakit ng kanyang kalooban.

"I. . . failed to save her."

Ang sagot niya ang nagpatigil sa mundo ng lahat ng Fire Breathing Rubber Duckies.



***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon