CHAPTER 9 - She's Gone

68 11 0
                                    

CHAPTER 9

She's Gone


BAGO pa makarating sa tapat ng bahay, binuksan na ng lalaki ang pinto ng itim nilang sasakyan at marahas niya akong pinagtulakan palabas. Halos mapasubsob ako sa puno ng pine tree na nasa tapat ko lamang. Sinamaan ko siya ng tingin. Agad niyang isinarado ang pinto at nagsuot na ng sunglasses na animo'y napaka-pribadong tao pero mukha namang animal.

Pasuray-suray akong naglakad palapit sa gate at mayamaya'y napalingon sa nakatigil pa ring sasakyan. Bumukas ang bintana ng driver's seat at nagtama na naman ang tingin namin ng lalaking may tangerine na buhok. Nakasuot siya ng itim na long-sleeve kaya halatang-halata ang pagiging maputi niya. Sinenyasan niya ako gamit ang hintuturo. Itinapat niya ito sa kanyang bibig bilang babala na manahimik at mayamaya'y sa leeg na naging dahilan para kabahan ako. Pinagmasdan ko na lamang sila na magmaneho palayo. Nag-iwan pa ang sasakyan nila ng napakabaho at itim na usok.

Nalaman na nila ang address ng bahay ko. Hindi malabong balikan nila ako oras na malaman nilang pinagkakalat ko ang sikreto nila. Ipinilig ko ang aking ulo at akma na sanang bubuksan ang gate nang mapansing hindi ito naka-lock. Nakunot ang noo ko.

Sa pagkakaalam ko, bago ako umalis kahapon, mahigpit kong sinigurado na sarado ang lahat. Tinamaan ako muli ng kaba. Bawat hakbang ko papalapit sa main door ay siyang pagkabog ng dibdib ko. Nanginginig ang kamay na pinihit ko ang doorknob at halos mapanganga nang mapagtantong bukas na rin ito.

"What the fuck, guys?" Nakangiwi kong bungad nang tuluyang buksan ang pinto at tumambad ang mga nag-aalalang pagmumukha nina Ryan, Maui, Raihana, Makoy, Via at Ken. Hindi maipinta ang kanilang mga hitsura.

"You scared the hell out of me!" I blurted out but they just showed no reactions aside from being too worried. I slowly closed the door and faced them.

"I forgive you for committing trespassing here in my house but can you tell me what the fuck is in your faces?" I asked them since I know Raihana has the duplicate key of the main door. I gave it to her in case of emergency. Still, there was no response from any of them.

"Guys?"

"Mavi, how long have you been outside? We're waiting for you since midnight?" I almost choked with my own saliva when Ryan asked me back. My lips parted but I just can't find the right words.

"I... I was caught off in the dark and there was no taxi at all. So I decided to spend the night in a waiting shed," I lied.

"And you didn't even contact anyone of us to fetch you?" hindi makapaniwalang tanong pa ni Raihana. Napansin ko ang pamumugto ng mga mata niya. Maging si Via ay napansin ko ring kakagaling lang sa matinding pag-iyak. Ano bang nangyayari? Iniyakan ba nila ang hindi ko pag-uwi kagabi?

"I'm sorry, Rai. That was my fault. I should've take Mavi home in the first place," Ken apologized.

There was a loud silence and I can't bear to look at them in the eyes. I diverted my gaze.

"I'm sorry," I almost whispered.

"Oh, God, Mavi. Hindi ko kayang pati ikaw mawala na rin," iyak ni Raihana at agad akong sinugod ng mahigpit na yakap na siya kong ikinagulat. Tinapunan ko silang lahat ng tingin. Halatang nanlulumo sila at hindi ko malaman kung bakit. Saglit lamang at napansin ko na parang may kulang sa kanila.

"Where's Cherus Ann?"

Dahil sa naging tanong ko, nagkatinginan silang lahat. Bakas sa kanilang mga pagmumukha ang pag-aalinlangan kung sasabihin ba nila ang dapat kong malaman o hindi. Dahan-dahan inilapag ni Maui ang isang card sa mesa kaya doon natuon ang atensyon ko. Kumawala ako sa pagkakayakap ni Raihana.

Gusto kong maiyak nang mapagtantong may bahid ng dugo ang death card. Parang may biglaang bumara sa aking lalamunan na naging dahilan para hindi ako makalunok-laway. Unti-unting nanubig ang aking mga mata.

"W-What happened to her?" Pumiyok na ako. Hindi ko maalis ang titig sa card na napatong na ngayon sa mesa. Ito ang death card na ninakaw ni Cherus Ann kahapon sa kwarto ni Ken. Halos matutop ko ang sariling bibig. Ayokong humagulhol sa harapan nila.

"She was found dead at their backyard eight hours ago, Mavi." Si Ryan ang sumagot habang nakatungo. Napaawang ang bibig ko.

"You're kidding." I laughed in between my tears trying to tell myself that this is only a prank. Ngunit napawi rin ang ngisi ko lalo na nang magsimula na namang umiyak sa tabi ko si Rai at napahikbi na si Via. I never heard any word from the boys. Parang paulit-ulit sinaksak ang puso ko dahil alam kong nagsasabi sila ng totoo.

"Where is her body?" nakatiim-bagang na tanong ko at napapikit. Nakuyom ko na rin ang dalawang kamao upang pigilan ang nararamdamang emosyon.

"Her body was chopped up into pieces," Via answered and burst out in a loud cry. Maui, who's sitting beside her tried to calm her down but it was no use.

"She can't be recognized. Her other body parts are still missing. The things we got from her were only the card and the other part of her earrings. We stole them from the police because we might use them in our own investigation if ever," Ken added.

Parang gusto ko nang sumabog sa pinaghalong sama ng loob, galit at panghihinayang. Sa sobrang panghihina, hindi ko na napigilang mapaupo sa sahig at marahas na masubunutan ang sariling buhok. Tahimik akong napaiyak.

"I failed to save her. It's suppose to be. . ." Hindi ko na mahanap ang dapat kong sabihin. Dapat kahapon pa lang, siya na ang una kong pinuntahan. Siya ang dapat kong inasikaso. Sana nalaman ko tuloy kung bakit niya ninakaw ang card na iyon mula kay Ken.

"No, Mavi. We failed to save her. It's not always your fault," Ryan approached me and held my hand tight. Mas lalo akong napaiyak nang yakapin niya ako.

Sa muling pagkakataon ay isinigaw ko ang pighating nararamdaman dahil sa pagkawala ng isa ko pang kaibigan. Kasabay noon ang umusbong na galit para sa mag-amang nasa likod ng krimen na ito at ang takot na may mabawas pa sa aming grupo.






***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Where stories live. Discover now