Chapter 24 - Mislaid

73 7 0
                                    

CHAPTER 24

Mislaid

"KUMUSTA s'ya?" nag-aalangang tanong ni Raihana sa kausap niya sa kabilang linya habang pilit itinutuon ang atensyon sa pagmamaneho. Wala na siyang maaninaw dahil sa napakadilim na paligid. Sobrang kapal ng hamog ngayong gabi. Kung hindi dahil sa headlights ng sasakyan, kanina pa siya naiba ng landas.

"She's still asleep. The doctor said she'll wake in anytime. She's badly wounded. Even Makoy has bruises," sagot ni Maui. Napabuga ng hangin si Raihana.

"Anong ginagawa ni Makoy sa sementeryo? Doon ba niya natagpuan si Mavi?" sunod-sunod pang usisa ng dalaga.

"Let's talk about that once you arrive. For now, focus on your driving, Rai. Sobrang dulas ng kalsada dahil sa ulan. We'll wait for you here," ani Maui. Mayamaya'y ibinaba na rin ni Raihana ang cellphone at minabuting i-focus ang paningin sa dinaraanan. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi matanggal sa isip ang sinapit ni Mavi. Masaya siya na natagpuan na ito pero hindi niya matanggap na naghirap na naman ito sa kamay ng masasamang tao. Nagtiim-bagang siya at mas binilisan ang pagmamaneho.

Sa sobrang bilis ng kanyang pagpapatakbo, hindi niya namalayan ang isa pang sasakyan na makakasalubong niya.

"Fudge!" tili niya at kinabig ang manibela ngunit huli na. Napapikit na lamang siya dahil sa nakasisilaw na liwanag. Napakalakas na busina ng sasakyan ang bumasag sa katahimikan ng gabi.










"DO you think she'll wake up tonight?" alinlangang tanong ni Via sa mga kaibigan.

"She have to."

"Ken, her oxygen. Raihana will be mad at us for not taking care of her," paalala ni Maui kaya nagsikilos naman sila agad. Hinagilap ni Makoy ang cellphone at nag-dial ng number. Muli niyang ibinaba ito nang walang sumagot. Nakangiwi pa siyang humarap sa mga kaibigan dahil sa mga sugat na bagong gamot pa lamang.

"Raihana is not answering. Nasaan na raw ba siya?"

"On the way na iyon kanina. Baka any minute darating na rin 'yon. Let's wait for her."

"What about Ryan?" ani Ken.

"Mavi!"

Hindi na nasagot ni Maui ang tanong ni Ken nang makarinig sila ng boses mula sa labas. Kitang-kita nila kung paano pigilan ng nurse ang aligagang si Ryan na makapasok sa kwartong kinaroroonan nila.

"Sir, dahan-dahan naman po at pakihinaan ang boses. Magigising ang ibang pasyente!" suway nito sa binata pero ayaw talagang paawat ni Ryan. Gulantang na nagkatinginan ang magkakaibigan nang masaksihan ang reaksyon ng binata. Tumango na lamang si Maui at hinayaan si Ryan na makalapit sa natutulog na si Mavi. Mahimbing ang tulog nito at hindi pa rin matantiya kung kailan magigising.

"Mavi," halos pabulong na sambit ni Ryan at lumuhod na sa tabi ng kama ni Mavi. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ng dalaga kahit alam nitong hindi pa ito makakaramdam hangga't hindi nagigising. Hindi niyang napigilang maging emosyonal nang maalala ang gabing iniwan niya ang dalaga sa peligro. Sinisisi pa rin niya ang sarili sa mga nangyari. At hindi niya alam kung mapapatawad ba siya ni Mavi.

Nanatiling tahimik sina Makoy, Via, Maui at Ken bilang respeto sa nararamdaman ng kaibigan. Napakislot naman si Ken nang tumunog ang cellphone niya.

"Excuse me," aniya at nagmamadaling tumakbo palabas ng kwarto upang sagutin ang kung sino mang tumatawag.

"She's safe now," ani Maui at tinapik ang balikat ni Ryan. Nanlulumo namang napaupo na ang huli sa paanan ni Mavi. Pinahid nito ang tumutulong luha at napatungo na lamang. Hindi niya malaman ang sasabihin sa mga kaibigan.

Mayamaya pa'y nakarinig muli sila ng nagmamadaling yabag at pumasok ang natatarantang si Ken. Namumutla na ito at hindi makapagsalita nang maayos.

"G-Guys," nauutal nitong bungad. Napakunot na ang noo ng ilan sa kanila.

"Bakit?"

"Si Rai. . ." Napalunok-laway si Ken at alinlangang tiningnan ang bawat isa.

"Nandiyan na ba siya?" tanong ni Makoy. Ngunit sa hindi inaasahan, pigil ang hiningang napailing si Ken. Sa puntong iyon ay alam na ni Maui na may hindi magandang balita ang kaibigan.

"What happened?" kalmado niyang tanong.

Matagal bago nakasagot si Ken. Humugot muna ito ng malalim na buntong-hininga bago tuluyang magsalita.

"There was an accident at the Pinecrest bridge. The police said, she was involved in it. They found her crashed car in the accident."

"Fuck," mura ni Maui at nasapo ang noo sa sobrang pag-aalala sa dalaga. "Where is she now?"

Napalunok-laway ang kinakabahang si Ken at naiiyak na.

"Where is she?!" sigaw na ni Maui.

"B-bro, she's missing," sagot ni Ken na nagpatigil ng mundo ng magkakaibigan.










WANGWANG ng mga sasakyan ang maririnig at ang mga usap-usapan ng mga taong nakikiusyoso sa mismong tulay ng Pinecrest. Medyo umaambon pa at napakadulas ng kalsada. Samu't sari ang makikitang ilaw dahil sa flashlights at ilaw mula sa ambulansya. Habang dumarating ang madaling-araw, mas lalong dumarami ang mga taong nakikisimpatya sa nangyaring aksidente.

"Malabo pa ang lead kung ano talaga ang nangyari."

"Wala na akong pakialam sa aksidente basta hanapin n'yo siya! Nawawala ang anak ko! Iyon ang pagtuunan ninyo ng pansin, parang-awa n'yo na!" pagmamakaawa ng umiiyak na ina ni Raihana habang nakikiusap sa hepe. Pilit naman siyang pinipigilan ng asawa na huwag nang lumuhod sa harapan nito kahit ano man ang mangyari.

"Ma'am, napakalaking damage ng ginawa ng anak n'yo. Either she was drunk or not, may violation pa rin siya 'pag nagkataon," paliwanag ng pulis.

"I can pay all the damages. Just find my daughter and we could settle all of this," saad naman ng kalmadong si Mr. Marangit. Hindi na nakasagot pa ang pulis sa sinabi ng ama nito. Umalingawngaw muli ang sirena ng ambulansya, ang busina ng ibang sasakyan na gusto nang makatawid sa tulay ngunit hindi pa pwede, ang usapan ng mga nakikiusyoso at ang iyak ng mga magulang ng dalagang nawala na lang bigla sa gitna ng insidente.

Sa hindi kalayuan, nakasilip naman ang isang lalaki sa bintana ng kanyang itim na kotse. Muli niyang isinuot ang kanyang itim na bonnet at dumiretso ang tingin sa driver's seat.






"Drive," utos niya. Napatiim-bagang naman si Jenis at walang nagawa kundi sundin ang inutos ng ama. Naging mahigpit ang hawak niya sa manibela at pinatakbo na palayo ang wasak at yupi-yupi nilang sasakyan na sangkot sa aksidente.



***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Where stories live. Discover now