Chapter 39

513 8 0
                                    

"Everything"





Someone's POV

Sobrang mahal ni Liana si Anton. Narinig ni Liana lahat nung araw na mismong nalaman din ni Max yung pang gagag* ni Miguel sa kaniya. Totoong si Anton ang kausap ni Miguel nung gabing yun. At simulang mag away si Liana at Anton. Pero pagkatapos pagbantaan ni Anton na hihiwalayan niya si Liana pagsinabi niya kay Max. Hindi na muling nakalaban si Liana sa boyfriend. Everytime na gusto niyang damayan si Max. Hindi niya magawa. Kahit nga habulin lang tuwing magwa walk out si Max hindi niya magawa kasi bantay sarado siya ni Anton. Naguguilty siya sa tuwing makikita niyang umiiyak si Max. Pero wala siyang magawa.











Si Jela naman, hindi niya na nakayanan yung pagka miss niya sa dalawa niyang kaibigan. Kaya kinausap niya si Max nung araw na yun without knowing na hindi okay si Max kay Liana that time. Gustong ayusin ni Max yung pagkakaibigan nilang tatlo pero wala siyang magawa. Nasasaktan siya.
Jela decided to stay as Lurice friend. Pero alam niyang hindi kayang tumbasan ni Lurice yung dalawa niyang kaibigan kaya umayaw din siya. Nung araw na nakita syang kasama ni Lurice sa bar. Inutusan siya ni Lurice nun na sumama para ipakita kila Max ma nawalan sila. Pero walang pakialam sa kaniya yung dalawa.











Takot nga ba sa commitment si Miguel? Hindi. Kayang kaya niyang gawing girlfriend si Max kung gusto niya. Pero bakit ayaw niya? Kasi alam niyang hindi niya kayang magseryoso. Alam niyang hindi niya kakayanin na hindi mambabae. Tinitiis niya na iwasan. Pero nasa ugali niya ang pagiging babaero. Nung umalis si Max, may na realize siyang isang bagay. Si Max yung kumukumpleto sa kaniya, sa araw niya at pati sa buhay niya. Totoong nawalan siya ng gana after umalis ni Max.











Anton. Yes he's controlling Liana. He doesn't love Liana. Just like Miguel, playboy din si Anton. Pero magaling siyang mangbabae. Siguradong hindi siya nahuhuli ni Liana. He's the one who keeps on reminding Miguel na hindi siya ready para sa isang serious relationship. Bakit? Kasi mas gusto niya si Max. He didn't get Max that night. Kasi late na siyang umupo nun. Kasabay ni Miguel.











Pero sino yung kahalikan ni Miguel nung makita siya ni Max nung gabing yun sa bar?











It's not Lurice, and it's obviously not Kate.











Sino siya at bakit binantaan ni Miguel si Max na huwag ipagkakalat yung nakita niya. Sino yung umiiyak na babae. At sino yung dalawang babae sa cr? Ilang babae pa ang magiging dahilan para hindi na magkaroon pa ng koneksyon si Miguel at Max?











____

Maxive's POV



Binitawan na ko ni Zane sa pagkakayakap niya sa akin.











"I'm not good at hiding huh?" tanong ko sa kaniya..












"You need to hold it more than before. Mas mabilis na tumulo ang luha mo, mas mabilis na dadalhin ka ng emosyon mo. Kanina, nung binanggit ni Liana yung tungkol kay Miguel. Feeling mo pinagtutulungan ka di ba? Ganung ganun, Max. Kung iisipin mo na pinagtutulungan ka. Pagdating mo sa dulo, talo ka pa din"

The New Classmate is my FuBu? Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora