Chapter 37

515 7 0
                                    

Kinuwento ko lahat kay Zane habang nasa sasakyan kami. Nagalit pa siya kay Miguel. Pero wala namang magagawa yung galit niya di ba?














"Then, wala na kayo kahit anong koneksyon ni Miguel? Baka pwede mo na kong payagang ligawan ka?" tanong niya sa akin












"Liligawan mo ko kahit di na ko birhen?" tanong ko. Tumawa naman siya.










"Wala akong paki kung nagalaw ka na niya o hindi pa. Ikaw yung mahalaga sa akin hindi yung pagkababae mo" sabi niya. "Hindi mo kasalanan na natukso ka. It's also your choice" sabi niya pa.











Sa mga taong katulad ni Zane mararamdaman ng isang babae yung respeto na deserve nila kahit hindi nila deserve at some point yung respeto na yun












____

Sa bahay ako ni Kuya dumiretso. Niyakap niya pa nga ako tas sorry siya ng sorry nung ikwento ko sa kaniya yung nangyari, sabi niya sobra daw yung tiwala nya kay Miguel na pati pag stay sa condo ni Miguel pinagkatiwala niya.












Hindi ako pa ko pumapayag sa panliligaw ni Zane. Siguro kasi nandito pa yung feelings. Pero alam ko one day, mawawala din to.










Kinabukasan.












Pababa palang ako ng hagdan.







"Alam din pala nung apat na gag* yung panggagag* ni Miguel sayo e" sabi ni Kuya.












"Siguro pati si Liana alam niya" sabi ko. Napaisip ako kung tama bang pinatawad ko siya? O pinahamak ko lang lalo yung sarili ko?













"Karma talaga at natalo sila kahapon" sabi ni Kuya.












"Talo sila?" tanong ko. Tumango si Kuya.












"Oo, injured daw si Miguel" sabi niya.












"Ah, sabi nga ni Kurt, namimisikal daw yung yellow team na yun" sabi ko nalang. Kumain na ulit ako











"Nanalo pala kayong first place sa research? Kaso ka group mo si Miguel?" tanong niya.











"Sana nga hindi nalang kami nanalo" sabi ko












Pumasok ako sa school at andaming nagulat kaso bat daw ako bumalik agad.











"Kamusta? Nagkita kayo ni Kurt?" tanong ni Jackson pagkatapos umupo sa tabi ko. Nasa canteen ako ngayon. Kasama niya pala yung girlfriend niya.











"Precious di ba?" tanong ko sa girlfriend niya. Tumango yung babae. "Hi" sabi ko. "Nag meet kami ni Kurt. Pero hindi ka niya nabanggit kahit isang beses" sabi ko naman kay Jackson











"Aba siraulo yun ah. Inutang kaya nun sa akin yung pamasahe niya para makauwi dun. Tas di na ko minessage after" sabi niya.












"Edi tawagan mo." sabi ko.











"Tama" bigla niyang hinila yung phone ko tas tinawagan si Kurt. "Pag ako yung tumawag di niya sasagutin" sabi niya. Biglang sinagot ni Kurt yung tawag.












"HOY SIRAULO KA. PAGKATAPOS KITANG TULUNGAN, HINDI MO NA KO KAKAUSAPIN?" bungad ni Jackson.











(Pasensya na tol. Ise send ko nalang sayo yung utang ko. Pero tol, bat na sayo yung phone ni Max?) tanong ni Kurt.











"Madali lang palang bullyhin tong babaeng to e" sabi niya..











(Gag* ka talaga. Tigilan mo yan. Pag nalaman ni Miguel yung ginagawa mo. May bangas yang mukha mo pag nakabalik to dyan) sabi ni Kurt












"Ano na namang big deal dyan?" tanong ko sabay hila ng phone ko kay Jackson











Nakita kong naka ngiti si Kurt sabay patay ng tawag. Bastos talaga

The New Classmate is my FuBu? Where stories live. Discover now